ALAS-SINGKO palang ng umaga ay naghahanda na sina Abraham at Hakim para sa pagpalaot nila sa dagat. Sila ang nakatoka ngayon na mangisda at ang mga isdang mahuhuli nila ay kaagad nilang ibebenta sa kilalang buyer ng mga isda na si Mang Diosdado na kaagad rin namang dadalhin nito sa fish port ng San Lorenzo.
Ang perang mapagbebentahan nila ay ang pera ring i-dodonate nila sa simbahan nina Lola Adele at Lolo Defonsi.
Bukod sa may nai-donate na silang magkapatid noong nakaraang buwan sa simbahan ay gusto pa nilang magbigay ng donasyon ngayon at ang pangingisda ang magandang paraan para magkaroon sila ng pera.
May mga sarili naman silang pera sa kanilang mga bank account ngunit mas gusto pa rin nilang mangisda dahil nasisiyahan talaga sila sa tuwing ginagawa nila iyon noong mga bata pa lamang sila kasama ang kanilang Lolo Defonsi.
Matapos maayos ni Abraham ang lambat na gagamitin nila at ang iba pang mga kagamitan sa pangingisda ay nagtimpla muna siya ng kape at lumabas muli sa kanilang bahay.
Napansin naman niyang bukas ang ilaw sa likod ng kanilang bahay kung saan doon ang improvised gym area nilang magkakapatid kaya sandali muna niyang binitawan ang hawak niyang mug na may lamang kape at pumunta doon.
Nakita niya sa loob si Marilyn na abala sa paggamit ng threadmill. Nakasuot ito ng isang kulay itim na croptop sando at itim na leggings habang pawis na pawis na ito sa kanyang ginagawa.
Hindi naman mapigilang humanga ni Abraham dahil sa angking kagandahan ni Marilyn. Para itong isang sikat na gym sports attire model dahil sa tangkad at ganda ng katawan nito. Panigurado na nagmo-model rin ito.
Napansin na yata ni Marilyn na nakatingin siya rito kaya napalingon siya kay Abraham.
Halata ang pagkagulat ni Marilyn nang makita siya at itinigil na nito ang paggamit ng threadmill.
"Abraham, you're here." Ani Marilyn at lumapit ito sa kanya.
"Ang aga mo naman mag-exercise." nakangiti namang sabi ni Abraham.
"Yeah, ilang araw na kasi akong hindi nag-eexercise kaya maaga akong nagising ngayon to do this. Diego teached me to open this gym area kaya nakapasok ako dito. Is it okay kung gumagamit ako ng gym niyo?" tanong ni Marilyn.
Malumanay at malambing ang boses ni Marilyn kaya hindi na naman napigilan ni Abraham na mamangha at mapatitig sa magandang mukha ng dalaga.
"A-ayos lang. Pwede mong gamitin ang gym namin kahit kailan mo gusto." sagot ni Abraham nang bumalik na siya sa kaniyang huwisyo.
"Thank you! Bakit pala ang aga mo ring nagising?" tanong ni Marilyn sa kanya.
"Mangingisda kami ngayon ni Hakim. Maganda ang panahon ngayon para sa pangingisda kaya napagpasyahan naming mangisda nalang." sabi ni Abraham.
"Can I join? Wala naman akong ginagawa dito sa inyo e, so I want to help you two nalang sa pangingisda." nakangiting tanong ni Marilyn.
"Marilyn, mainit na mamaya kapag nag-umaga na saka baka mangitim ka lang kung sasama ka sa amin. Mga alas nuebe na rin kami ng umaga matatapos kaya-"
"It's okay. I want to get tanned, too. Gusto ko talagang sumama sa inyo. Pretty please?" nag beautiful eyes pa si Marilyn at nag-pray sign ito sa harapan niya.
Lumalakas lalo ang tibok ng puso ni Abraham dahil sa affection na nararamdaman niya para kay Marilyn. Alam niyang tuluyan na siyang nagkagusto sa dalaga simula nang makita niya ito sa liblib na daan ng San Lorenzo at kunwaring hoholdapin kuno.
Nang makita niya noon ng buo ang mukha ni Marilyn ay kaagad siyang nakaramdam ng atraksyon lalo na nung makita niya itong umiiyak sa harapan niya.
Hindi na niya gugustuhin pang makita itong umiiyak at nasasaktan kaya gagawin niya ang lahat makabawi lang sa atraso niya rito.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomanceHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...