Chapter 6

26.2K 949 596
                                    

KUNG hindi lang nakakahiya sa ibang mga bisita ni Ezra ay kanina pa nagtakip sa magkabilang tenga niya si Marilyn dahil sa pagkanta ngayon ni Chiena sa karaoke machine.

Parang baboy lang na kinakatay ang boses nito sa tuwing bumibirit ito ng high notes at halata rin na nagpapa-impress lang sa boyfriend nitong si Levi na mukhang nahihiya na rin sa ginagawa niya.

Kung sa physical appearance ay may maipagmamalaki naman si Chiena pero kung talent ang pag-uusapan, sumali lang ito sa Pilipinas Got Talent ay makakakuha na ito ng perfect red buzzer score.

Salamat naman at nakaramdam rin ng pagkapagod si Chiena matapos ng tatlong nakasalang na kanta nito sa karaoke.

Marilyn force herself not to laugh nang makita si Levi na hinihilot ang sentido nito at halos hindi na makatingin ng maayos kay Chiena.

"Do you like my song for you, babe?" nakangiting tanong ni Chiena kay Levi at akmang uupo na sana ulit ito sa kandungan ni Levi nang biglang tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito.

"Magyoyosi lang ako." paalam ni Levi sa kanila at magsasalita pa sana si Chiena nang umalis na ito.

Marilyn saw how Exodus secretly smiled na ikinangiti at ikinailing nalang niya. It looks like na hindi lang siya ang naiirita sa pabebe at pa-impress na si Chiena kundi si Exodus rin pala.

Mamaya ay uuwi na rin sila. Dapat nga ay kanina pa ngunit pinagbigyan lang nila si Ezra na nagrequest sa kanila na magtagal pa sila ng mga ilang minuto sa birthday party nito.

"Ang ganda mo talaga, Marilyn. May lahi ka bang foreigner? Kakaiba ang kulay ng mga mata mo, e." Trevan asked her habang gumagamit ito ng vape sa tabi niya. Umiinom rin ito ng alak at mukhang lasing na.

Lumayo naman siya ng kaunti sa binata at lumapit sa pwesto ni Exodus na nasa tabi rin niya dahil ayaw niyang malanghap ang usok na nanggagaling sa vape nito.

"Ahm, my Mom is half american." tipid na sagot ni Marilyn kay Trevan.

"Kaya pala. Ang tangkad mo rin. 6 feet na ang height ko pero mas mataas lang ako sa'yo ng ilang inches. Bagay talaga tayong magkasama dahil kung itsura lang ang pagbabasehan ay may ibubuga rin naman ako." mayabang na ani Trevan at ngumiti ito pagkatapos.

What did he just say? He's so full to his self! Magkapatid nga talaga sila ng pabebeng si Chiena.

Tinignan muna ni Marilyn ang nakasimangot na si Chiena habang umiinom ito ng beer sa baso bago muling binalingan si Trevan.

Magkamukha sina Chiena at Trevan at pareho silang may maamong mukha. Gwapo at chinito si Trevan pero ang klase ng kagwapuhan nito ay pang ordinaryo nalang at wala pa sa kalingkingan ng pagiging gwapo at hunks ng pitong magkakapatid na Monroe.

Kung may dapat mang magyabang pagdating sa kagwapuhan, ayon ay ang Seven Monroe brothers at hindi itong si Trevan na hinatian ng kakapalan ng mukha ni Chiena.

"Well.. yeah you're handsome but not too handsome." she said.

Hindi na napigilan ni Marilyn ang bibig niya dahil kanina pa siya naiinis kina Trevan at Chiena.

Nawala bigla ang ngiti ni Trevan sa sinabi niya at tinignan siya nito ng seryoso. "Anong ibig mong sabihin, Marilyn? Na hindi sapat 'yung pagiging gwapo ko para sa'yo? Baka hindi mo alam na maraming babaeng nagpapapansin at naghahabol sa'kin mabigyan ko lang sila ng atensyon?" another hambog things na sinabi nito at narinig iyon ni Exodus na kaagad hinila si Marilyn at itinago sa likuran niya.

"May problema ba, Trevan?" mariing tanong ni Exodus kay Trevan na ngumisi lang.

"Wala naman, Prof. Ano ba ang magiging problema ko kay Marilyn, ha?!" tumaas bigla ang boses ni Trevan na ikinagulat nila maging pati na rin si Chiena na natigil sa pag-inom at kaagad nilapitan ang kapatid niyang si Trevan.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon