KAKATAPOS lang mangisda ni Israel sa dagat kasama si Gael nang lumapit sa kanya si Kobe. Nakita pa niya ang disgustong mukha nito nang maamoy yata na malansa siya pero hindi nalang niya iyon pinansin.
"Ahm, you have a work here bukod sa kakagraduate niyo lang ng kambal mo, right? Naka vacation leave ba ngayon ang mga kapatid mo?" tanong ni Kobe habang nagtatanggal si Israel ng suot nitong puting longsleeve polo shirt.
"Oo, hiniling kasi sa amin nina Lola Adele at Lolo Defonsi na magbakasyon muna kami ngayong Summer kaya nandito kami araw-araw. Sa hindi inaasahan ay namatay sila nitong nakaraang buwan lang." malungkot namang sabi ni Israel.
"Condolence. Maybe that's life. May aalis at may darating rin. Am I right?"
Tumango naman si Israel sa sinabi ni Kobe.
Sa pag-alis nina Lola Adele at Lolo Defonsi sa buhay nilang magkakapatid ay siya namang biglaang pagdating ni Marilyn sa buhay nila. Kung wala ito malamang ay wala silang panghuhugutan ng lakas para magpatuloy pa rin sa buhay.
Malaki ang naitulong ni Marilyn sa kanila. At hindi niya masisisi ang mga kapatid niya kung nagkakagusto na ang mga ito kay Marilyn dahil maging pati siya ay nagugustuhan na rin ang dalaga.
"Tama ka. Iyong pagdating ni Marilyn ang isa sa nakatulong sa amin para maging matatag kaming magkakapatid." napangiti si Israel matapos sabihin iyon.
Si Marilyn talaga ang dahilan kung bakit mas lalo pang sumaya at nagkakulay ang buhay niya.
"You know what, Israel, Marilyn rejected Gabriel yesterday at may dahilan kung bakit ayaw pa niyang bumalik sa Maynila." sabi ni Kobe at tinignan siya nang seryoso.
Ni-reject ni Marilyn si Gabriel? Ang ibig sabihin ba nun ay hindi na manliligaw si Gabriel? Pero bakit? Hindi na ba mahal ni Marilyn ang lalakeng iyon?
Hindi man magandang isipin pero mas nagkaroon pa ng pag-asa si Israel kay Marilyn. Nauna nang umamin sila Abraham, Levi at Gael nang pagkagusto kay Marilyn at maging pati siya ay aamin na rin.
"Natanggap ba ni Gabriel ang desisyon na 'yon ni Marilyn?" tanong niya kay Kobe.
"Yep. Gabriel is a kind and understanding guy. Mga bata palang kami ay ni hindi yata marunong magalit 'yon. That's why his cousin, Euzon hates him so much. He's insecure and jealous to Gabriel." sabi ni Kobe at ngumiti ito.
Nakikita nga iyon ni Israel. Karibal man ang turing nila kay Gabriel ay hindi nila magawang magalit rito dahil talagang mabait at maunawain si Gabriel. Kahit nga parang iniiwasan ito ni Marilyn ay walang sinasabi tungkol doon ang lalake at ngumingiti lang ito na parang ayos lang ang lahat.
Para siyang nananalamin kapag nakikita niya si Gabriel. Malaki ang pagkakaparehas nila hindi katulad sa mga kapatid niya.
"Napakabait nga ni Gabriel. Iyong Euzon, hindi ba't best friend siya ni Marilyn? May gusto rin ba siya kay Marilyn kaya gusto niyang magpakasal silang dalawa?" maingat na tanong ni Israel.
"Yup! Kaya nga desperado na 'yung gago na 'yon na tuluyan na silang makasal ni Marilyn pero nakita mo naman ang nangyari. Marilyn escaped from Manila and went here accidentally para lang hindi matuloy ang kasal nila ni Euzon." kibit-balikat na sagot ni Kobe.
"Mabuti nalang at dito napadpad si Marilyn sa San Lorenzo dahil kung hindi namin siya nakita noon sa daan malamang ay baka napahamak na siya." saad ni Israel.
Muli siyang tinitigan ni Kobe ng seryoso at humalukipkip ito.
"Israel, you like Marilyn. Do you?" napahinto naman si Israel sa tanong ni Kobe pero kalaunan ay tumango siya.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomanceHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...