LUMIPAS ang dalawang linggo at naging mabuti at maayos naman ang lagay ni Marilyn sa poder ng mga Monroe. Sa bawat araw na lumilipas ay mas nagiging malapit na siya sa magkakapatid bukod kay Hakim na palaging tahimik at hindi siya magawang kausapin man lang.
Likas na talaga sa binata ang pagiging tahimik at kahit na ganoon ay hindi naman maramdaman ni Marilyn na hindi siya gusto nito. Sumasang-ayon naman ito sa mga sinasabi ng magkakapatid patungkol sa kanya. Pero hinihiling niya na sana balang araw ay maging palagay na ang loob ni Hakim sa kanya.
Para naman may magawa siya kahit papaano ay tumutulong nalang siya sa pagtatrabaho ng pitong magkakapatid dahil ayaw naman niyang maging pabigat sa mga ito. Kahit hindi nga gusto ng mga ito na magtrabaho siya ay siya pa rin ang nagpupumilit para lang makatulong siya.
Hindi naman nakakapagod ang ginagawa niya dahil magagaang trabaho lang naman ang kaniyang ginagawa. Ayaw ng magkakapatid na Monroe na mapagod siya dahil pitong lalake naman raw sila at sa laki ng katawan ng mga ito ay parang wala lang sa kanila ang pagtatrabaho ng halos kalahating araw sa bukid at dagat.
Sumama ngayon sila Marilyn at ang Monroe brothers sa feeding program na isinasagawa ng buong Ministry Church nina Lola Adele at Lolo Defonsi.
Nasa isang covered court sila at abala sa pagse-serve ng mga pagkain sa mga bata. Ang pagkain ng mga ito ay lugaw na may kaunting mga laman ng baboy, spaghetti, pancit, malunggay loaf bread, juice na nasa isang pack, mga donuts at gatas na fresh pa galing sa baka.
Napawi ang pagod nila Marilyn at ng mga Monroe sa pagluluto kanina ng kakainin ng mga bata sa feeding program dahil sa ngiti at saya ng mga bata habang kumakain ang mga ito. Mahihirap lamang kasi ang mga tao sa San Lorenzo at swerte nalang kung makakakain ng tatlong beses sa isang araw ang isang pamilya.
She saw how her life were different than the people in San Lorenzo. Napakaswerte niya dahil ipinanganak siyang mayaman at hindi siya nagugutom sa araw-araw samantalang ang mga mahihirap na mamamayan sa San Lorenzo ay kailangan pang magbanat ng buto makakakain lang sa hapag.
"Girl, pakakainin ko ba si Prince ng loaf bread?" tanong ni Elaine.
Naging kaibigan na rin ni Marilyn ang mga kaibigan nina Israel at Gael na sila Elaine, Julie at Archie. Mababait ang mga ito sa kanya at kaagad niyang nakapalagayan ng loob. Malayong-malayo sa ugali ni Trevan na simula nang sinuntok ito ni Exodus ay hindi na niya muling nakita pa.
She nodded. "Sure, Elaine." nakangiti niyang sabi.
Inabutan ni Elaine si Prince ng malunggay loaf bread na kaagad namang kinain ng aso.
Tuloy-tuloy lang ang pagse-serve nila ng pagkain sa mga bata at nang magbandang alas dose na ng tanghali ay sandali muna silang nagpahinga para kumain ng hapunan. Mabuti na lamang at tumulong ang mga kaibigan ng kambal sa kanila dahilan para mas mapabilis ang trabaho nila.
"Kain muna kayo,"
Naglapag sa lamesa sina Israel at Gael ng isang malaking kaserola na may lamang sinigang na bangus at isang malaking kaserola naman na may mainit na kanin. Dahil gutom na gutom na sila ay kaagad rin silang kumain.
"Pinagpapawisan ka, Marilyn."
Nagulat si Marilyn nang biglang pinunasan ni Gael ang namamawis niyang noo gamit ang puting bimpong hawak nito. Lumingon siya kaagad kay Julie na kaagad iniwas ang tingin sa kanila.
"Ah, thank you." mahinang sabi ni Marilyn na ikinangiti naman ni Gael at pinagpatuloy na nito ang pagkain niya.
"Mamayang gabi ay sa amin nalang kayo kumain ng dinner bago kayo umuwi." sabi ni Exodus sa mga kaibigan ng kambal.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomansHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...