PAGKATAPOS ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay naging stable na rin ang relasyon ni Marilyn sa pitong magkakapatid na Monroe. Wala nang problema ang dumarating sa kanila at nagagawa na nila ang lahat ng gugustuhin nila sa isa't-isa.
Natanggap na ng mga nasa paligid nila na nakakakilala sa kanila ang polyamourus relationship na mayroon sila kabilang na doon ang mga magulang ni Marilyn na alam na ang lahat.
Si Abraham ang pumalit bilang bagong investor sa kompanya ng mga magulang ni Marilyn. Nang malaman nina Donya Mercedes at Don Philip na triple pa sa yaman ng mga ito ang lahat ng ari-arian at business na mayroon sila sa Scotland ay kaagad bumahag ang buntot ng mga ito at pumayag na maging kasosyo nila sa negosyo.
May balak na magpatayo ng oil refinery ang mga magulang ni Marilyn at doon ay tutulong rin sina Levi at Hakim na isang Mechanical Engineer at Chemical Engineer para maisakatuparan ang project na iyon.
Alam nilang magkakapatid ang dahilan kung bakit bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa kanila ng mga magulang ni Marilyn at dahil iyon sa yaman at pera na mayroon sila.
Pero wala na silang pakialam pa doon dahil ang mahalaga lang ay tanggap na sila ng mga magulang ni Marilyn para sa kanya.
Balak na rin nilang magtrabaho at tumira na sa Maynila para mas malapit lang sila kay Marilyn. Mas maganda rin ang oportunidad na makukuha nila sa syudad kung dito na sila maninirahan pero hindi pa rin nila kakalimutan na dumalaw sa San Lorenzo para puntahan doon ang puntod ng kanilang Lola Adele at Lolo Defonsi.
Boto ang mga ito para makatuluyan nila si Marilyn at kung nabubuhay lamang sila ay paniguradong susuportahan ng mga ito ang mga balak nila para sa pinakamamahal nilang babae.
Kakatapos lang nilang maihatid si Marilyn sa mansyon nito dahil kanina ay sinundo nila ito para sa date nila at inabot na rin si Marilyn ng alas nuebe ng gabi sa pakikipag-kwentuhan sa kanila sa condo unit nila na may halong landian sa pangunguna ng former playboy na si Leviticus.
Wala na silang ibang mahihiling pa sa buhay nila. Ang makasama at magkaroon ng label kay Marilyn ang siyang pinakamahalaga ngayon sa kanila.
Pagkatapos magligpit at maghugas ng mga pinagkainan nila si Hakim ay napansin niya ang naiwang cellphone ni Marilyn na nakalagay sa sofa.
Naiwan ng babae ang cellphone nito sa condo unit nila kaya dinampot niya ito at itatago nalang para isaoli bukas.
Akmang itatago niya na ito sa loob ng bulsa ng suot niyang pantalon nang biglang tumunog ang cellphone.
May isang mensahe doon at kumunot ang noo ni Hakim nang si Brayden ang nagtext.
From: Brayden
Hi? How are you, Marilyn? Namimiss ka na ni Brenda and she wants to meet you again. Pwede bang magkita tayo ngayon?
Namimiss ng kapatid o alibi lang iyon ng lalake para makita si Marilyn?
Hindi alam ni Hakim ang kanyang sunod na ginawa. Dahil nakaramdam siya ng selos at pagkainis kay Brayden ay sinagot niya ang text nito at nagpanggap na si Marilyn.
To: Brayden
I'm sorry but I can't. Baka magalit kasi sa akin ang mga boyfriends ko. You know naman na nasa Polyamory relationship stage ako sa kanila, right?
Hindi man tama ang ginawa niya ay hindi talaga niya mapigilan ang inis na nararamdaman sa Brayden na iyon. Pinagselosan nila ang lalake nang makita na close na ito kay Marilyn at sa kapatid nitong babae na si Brenda.
Mukha rin itong mayaman at hindi magpapahuli sa kanila kaya ganoon nalang ang labis na takot nila na baka isang araw ay magustuhan ni Marilyn ang lalakeng iyon.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomanceHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...