PAGKATAPOS ng mga nangyari sa San Lorenzo ay kaagad ding bumalik sila Marilyn at ang magkakapatid na Monroe sa Maynila. Kailangan pang magtrabaho nina Genesis at Katelyn dahil nagleave lang rin ang mga ito para makasama sa bakasyon nila.
Si Archie naman na pinagtangkaan si Marilyn ay nakakulong pa rin at baka ipadala ito sa isang rehabilitation center sa bayan ng San Lorenzo dahil sa napag-alaman nila na matagal na pala itong lulong sa droga.
Marilyn has a mixed emotions about Archie. Naaawa siya rito at sa mga magulang nito pero ito ay nalulong na sa masamang bisyo at kailangang magbayad sa ginawa nito sa kanya.
Hindi niya akalain na ang masayahin at pala-kaibigan na si Archie ay bigla nalang siyang gagawan ng masama dahil may lihim itong galit at inggit kay Gael.
What would Gael think if his friend betrayed him because of some girls? That much hurts him.
Anyway, nasa in a relationship status na siya. Not just one guy but seven guys. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang niya kapag nalaman nilang nasa in a polyamorous relationship na siya with the Monroe brothers.
But based on what she observed lately ay parang gustong-gusto na ng parents niya ang magkakapatid.
Ano kaya ang dahilan? Mahirap na makuha ang tiwala ng mga magulang niya at sa may mga kapangyarihan na pamilya o kakilala lang nakikipag-close ang mga ito.
Hindi man direktang masabi ni Marilyn na mahal niya ang magkakapatid ay alam naman siguro nilang may espesyal siyang pagtingin para sa mga ito. Hindi naman siya magpapaligaw lang ng basta-basta at sagutin na sila kung hindi nila maramdaman ang pagmamahal niya.
Action speaks louder than words naman, e but she wants to say the magic words if wala na talagang balakid o gulo ang haharapin nila.
"Magpahinga na muna kayo. Bukas niyo nalang ako puntahan dito para sa date natin," ani Marilyn nang nasa tapat na sila ng mansyon.
Bigla naman siyang hinalikan ni Gael sa labi niya at doon niya napagtanto na pang 5th kiss na niya ang binata!
"Tayo nila Kuya Exodus ang magdi-date bukas. Huwag mo 'yang kalimutan, ah?" nakangiting sabi ni Gael.
Napangiti naman si Marilyn. "Oo na po, mga kuya." she joked na ikinatawa lang ng magkakapatid.
"Huwag mo kami kalimutang i-text para hindi kami mag-alala sa'yo." bilin ni Abraham.
"Kung may kailangan ka ay tawagan mo lang kami." sabi naman ni Diego na hinapit ang baywang niya.
Tumango nalang siya sa dalawa at nang tinignan niya si Levi ay kaagad itong nag-iwas ng tingin sa kanya.
He's still mad.
Kumalas muna siya kay Diego at nilapitan si Levi.
"I know you're still upset about what happened in San Lorenzo, so I just wanted to apologize for what I did, Levi." nalulungkot niyang sabi.
"N-nasaktan lang talaga ako na nagtiwala ka kay Archie. At naiinis lang ako sa sarili ko dahil hinayaan ka naming mahalikan ng tarantadong 'yon." matigas na saad ni Levi na kumuyom ang kamao.
"It's also my fault, too dahil nagtiwala pa ako sa kanya." ani Marilyn at napayuko ito.
Inangat naman ni Levi ang baba ni Marilyn at dinampian ng halik ang labi nito.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Sige, hindi na ako galit sa'yo dahil ayoko namang magalit nang matagal sa girlfriend ko." Levi said.
Uminit naman ang pisngi ni Marilyn dahil doon.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomanceHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...