Dedicated to my admins: renseiselle azaria_uniquely TaraBatisTayoRiguel adyyy_10 TeenageMonalisa_19 and to my top commentor, HARU_wtnbe04
LUMIPAS ang dalawang dekada at ngayon ay masaya na si Marilyn kasama ang kaniyang pitong asawa at walong anak sa mga ito.
Being a parent to eight children is extremely difficult because they all have different personalities and interests in life. She is a strict mother, whereas her husbands lavish their children with gadgets and whatever material things they want.
Kung may sobrang strict pagdating sa kanila iyon ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Genesis. Overprotective ito sa kanyang mga pamangkin lalo na kay Gaia na nag-iisa niyang anak na babae sa asawa niyang si Hakim.
Hanggang ngayon ay single pa rin si Genesis matapos nang huli nitong relasyon kay Katelyn na hindi niya aakalain na pagtataksilan siya at mismo na kay Ezra pa na kaibigan ni Exodus at ang taong pinagkatiwala nila sa asong si Prince na namatay na rin dahil sa katandaan.
Nahuli ni Genesis si Katelyn na nakikipagtalik kay Ezra sa loob mismo ng kwarto ng babae at dahil sa nangyaring iyon ay lubos na nasaktan si Genesis at nakipaghiwalay na siya rito. Ganoon rin si Chiena na ngayon ay mag-isa nalang na binubuhay ang anak nila ni Ezra na si Louis.
Dahil parehong nasaktan ng mga taong minahal nila ay naging magkatuwang sina Genesis at Chiena sa nagdaang mga taon. Wala mang espesyal na namamagitan sa kanila ay naging mabuting magkaibigan sila at itinuturing na rin na parang anak ni Genesis ang binata na ngayong si Louis na kaedad lang ni Stavros na panganay na anak nina Marilyn at Abraham.
Wala na silang balita tungkol kina Katelyn at Ezra pero may mga kumakalat na chismis na naghiwalay na rin ang dalawa matapos dalhin sa ibang bansa si Katelyn at ipakasal ito sa anak ng isang business partner ng ama nito.
Well, past na iyon at may kanya-kanya na silang mga buhay. May masakit at mapait man silang nakaraan ay kailangan nalang nilang tanggapin iyon para makapagsimulang muli.
Si Stavros ay ang panganay na anak ni Marilyn kay Abraham. Ang 2nd child naman ay si Alderic na anak ni Exodus. 3rd child ay si Amory na anak ni Israel. 4th child ay si Bram na anak ni Levi. 5th child ay si Aziel na anak ni Diego. 6th child ay ang kambal na sina Rhazen at Rhazer na anak ni Gael at ang bunso naman ay ang nag-iisang anak na babaeng si Gaia na anak ni Hakim.
Stavros is already 20 years old. Alderic is 19 years old. Amory is 17 years old. Bram is 16 years old, Aziel is 14 years old. Rhazen and Rhazer are 13 years old and Gaia is 11 years old.
Marilyn's and her seven husbands' children are growing up at a breakneck pace. The Monroe genes are clearly visible in their children. Kung ano nga ang puno ay siya rin ang bunga.
Nasa probinsya sila ng San Lorenzo at magbabakasyon muna rito ng isang buwan. Kakatapos lang nilang puntahan ang puntod nina Lola Adele at Lolo Defonsi sa sementeryo at ngayon ay may kaunti silang salo-salo sa bahay kasama si Chiena, ang anak nitong si Louis at kapatid na si Trevan, si Elaine kasama ang asawa nitong si Japet at anak na si Clemi, at si Julie na ngayon ay asawa ni Abel na pinsan nina Chiena at Trevan.
"Binata na talaga itong sina Stavros at Louis. May mga jowa na ba kayo?" Magiliw na tanong ni Elaine sa dalawang magkaibigan.
"Meron na po ako, Tita Elaine pero si Stavros ay masyadong nagsusungit sa mga babae at puro pag-aaral lang ang inaatupag niya," nakangising sagot ni Louis at tinapik ang balikat ni Stavros na umiling nalang.
BINABASA MO ANG
Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)
RomanceHindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na sila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel, at Gael na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan. [Self-Published under...