Chapter 12

23.8K 895 372
                                    

ISANG BUWAN na ang nakalipas simula nang umamin si Abraham ng kaniyang nararamdaman para kay Marilyn at isang buwan na rin ang nakalipas nang mangyari ang malagim na aksidente na hindi inaasahan ng magkakapatid na Monroe.

Namatay sa isang road accident sina Lola Adele, Lolo Defonsi at ang iba pa nilang mga kasamahan sa Ministry Church nang pauwi na ang mga ito sa San Lorenzo. Alas otso ng gabi nang mangyari ang aksidenteng iyon at ang dahilan ay nawalan ng preno ang driver na nagmamaneho ng pick up van nila at nahulog ang sasakyan sa isang malalim na bangin.

Labin-dalawa ang namatay sa aksidente samantalang tatlo lamang ang nakaligtas. Nagluksa ang buong San Lorenzo dahil sa pagkamatay nina Lola Adele, Lola Defonsi at ang iba pang mga namatay sa aksidente dahil sa mapait at malagim na sinapit ng mga ito.

Ang magkakapatid naman na Monroe ay tila pinagsakluban ng langit at lupa dahil ang mga tumayong magulang nila na nagpalaki at nag-aruga sa kanila ay kaagad nang kinuha ng Poong Maykapal at ang mas masakit pa doon ay sa parehong dahilan rin namatay ang kanilang mga magulang; nang dahil sa isang road accident.

Sa unang pagkakataon ay nakita ni Marilyn ang pagkalugmok, paghihirap at sakit na nararanasan ng magkakapatid nang dahil sa pagkamatay nina Lola Adele at Lolo Defonsi.

Maging pati siya rin ay na-aapektuhan dahil napamahal na siya sa mababait na matatanda. Wala nang ibang kamag-anak ang mga ito at tanging siya na lamang ang pwedeng magbigay ng lakas ng loob at pag-asa sa pitong magkakapatid.

Hindi iniwan ni Marilyn ang magkakapatid at kapag nakikita niyang nalulungkot ang mga ito ay pinapagaan niya ang atmospera at palagi niyang pinapaalala na magiging maayos rin ang lahat at nasa mabuting lagay na sa itaas sina Lola Adele at Lolo Defonsi.

Hindi niya nakitang umiyak ang magkakapatid ngunit sa ikinikilos at pagbabago ng mga ito ay alam niyang lubos na nakaapekto sa kanila ang pagkawala ng dalawang matanda na tumayo na ring mga magulang nila.

Matapos ng libing nina Lola Adele at Lolo Defonsi sa San Lorenzo North Cemetery ay umuwi siya at ang pitong magkakapatid na Monroe sa kanilang bahay na walang imikan at kibuan. Hindi pa rin makarecover ang magkakapatid sa mga nangyari kaya ang ginawa ni Marilyn ay isa-isa niyang niyakap ang mga ito.

Niyakap naman siya pabalik nila Abraham, Exodus, Diego, Hakim, Levi, Israel at Gael at ang sinabi ni Exodus ang siyang naging dahilan para maisipan niyang mas magtagal pa sa San Lorenzo.

"Ikaw nalang ang mayroon kami, Marilyn kaya sana ay huwag na 'wag mo kaming iiwan..."

Dahil sa lungkot at awang nararamdaman ni Marilyn para sa magkakapatid ay nangako siya sa mga ito.

"Oo. Hinding-hindi ko kayo iiwan."

Nagdaan ang isang buwan magmula nang mangyari ang pagkamatay nina Lola Adele at Lolo Defonsi ay nakikita na niya ang unti-unting pagbangon ng magkakapatid. Kinakausap na rin siya ng madalas ng mga ito at bumabalik na rin sila sa dati.

Nagulat nga siya nang makita si Abraham na maagang nagising at nagluluto ito ng agahan para sa kanila. Hindi na tulad ng nagdaang isang buwan na nagkukulong lang ito sa sariling kwarto, nagpapakalasing at tanghali na rin kung gumising.

"Magandang umaga, Marilyn." nakangiting saad ng lalake nang umupo siya sa hapag ng kusina.

Kakatapos niya lang mag-exercise sa improvised gym sa likod ng bahay at medyo pawisan pa siya.

"Good morning rin, Abraham." she said while smiling at him tsaka siya kumuha ng maiinom na tubig sa ref.

Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom ito habang pinagmamasdan niya si Abraham na nagpiprito ng mga ulam.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon