Chapter 17

21.2K 746 323
                                    

"SIGURADO ba talaga kayong kilala nila si Marilyn? Baka totoo naman talagang hindi siya kilala ng mga lalakeng pinagtanungan niyo." tanong ni Victoria kina Gabriel at Kobe.

"I'm sure they know her. I'm trusting my instincts right now." mariing sabi ni Gabriel habang nagmamaneho ito.

"Go with the flow nalang ako dito sa kapatid mo, Ate Victoria. Baka nga nagsisinungaling lang 'yung mga lalakeng 'yon sa amin kahapon." kibit-balikat na sabi ni Kobe.

Victoria just sighed dahil wala na rin siyang magagawa pa sa gusto ni Gabriel. Lahat ng posibilidad kung nasaan si Marilyn ay papatulan na ni Gabriel.

Her brother was so desperate to find her at hindi na rin siya nakatiis na sabihin dito na nasa San Lorenzo lang ang dalaga.

She loves her brother so much. Naging isang mabuting kapatid ito sa kanya at kahit hindi man sila tumira noon sa iisang bahay dahil sa San Lorenzo na siya nag-aral at tumira ay hindi pa rin nawala ang closeness nilang magkapatid.

Gabriel loves Marilyn more than his life. Torpe lang ito at mahiyain but his love for Marilyn are genuine and true.

Ngayon palang ay humihingi na siya ng tawad kay Marilyn dahil sinabi na niya kay Gabriel kung nasaan ito. She understands her side but her brother was more important to her.

Makalipas ng kinse minuto ay nakarating na rin sila sa bahay na pinagtanungan raw nina Gabriel at Kobe. She was shocked where the house seems so familiar to her.

"D-dito nakatira 'yung mga lalakeng tinutukoy niyong posibleng kilala si Marilyn?" Victoria asked nang lumabas na sila sa loob ng kotse ni Gabriel.

Gabriel nodded. "Yes, ate."

This can't be. This is Abraham and his family's house.

"Tao po? May tao po ba riyan?" sabi ni Gabriel at kinatok nito ang gate ng bahay.

Ilang minuto lang ay may lalakeng lumabas mula sa loob ng bahay at mas lalo pang nagulat si Victoria dahil namukhaan kaagad niya ang lalakeng iyon.

"H-Hakim?" sambit ni Victoria kay Hakim na tinignan lang siya ng seryoso.

Tumingin naman sa kanya sina Gabriel at Kobe.

"You know him?" tanong ni Gabriel sa kaniya.

Victoria nodded slowly.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Hakim sa kanila. May mapanuri itong tingin kay Gabriel.

"Ahm, my brother is finding her girl. May kilala ba kayong Marilyn? I'm sorry but he thinks na kilala talaga siya ng mga kapatid mo kaya nagpunta ulit sila dito sa inyo." Victoria said when she analyzed everything.

Posibleng ang mga kapatid ni Abraham ang pinagtanungan kahapon nina Gabriel at Kobe. Kung nandito nga si Marilyn ay posibleng kilala nito si Abraham.

Hindi nakapagsalita doon si Hakim. Ibig sabihin ay kilala nga talaga nila si Marilyn.

"Where is she, Hakim? My brother were so frustrated right now to find her. Kung kilala niyo man siya ay sabihin niyo na sa amin kung nasaan siya." sabi ni Victoria nang nagmamakaawa.

Nawala lang ang atensyon nila kay Hakim nang may marinig silang nag-uusap at nagtatawanan habang papalapit ang mga ito sa direksyon nila at hindi pa sila napapansin.

And she's right dahil nakikita niya ngayon ang lalakeng mahal niya pa rin kasama ang iba pang mga kapatid nito at ang hinahanap nilang si Marilyn.

Natigilan ang mga ito nang makita sila lalong-lalo na sina Abraham at Marilyn. Ang nasa tabi naman niyang si Gabriel ay hindi na maialis ang tingin kay Marilyn.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon