Chapter 10

26.4K 908 419
                                    

LOADING pa rin sa utak ni Marilyn na literal na nagde-date na talaga sila ni Hakim. Ngayong hapon ay niyaya siya ng binata na manood ng sine sa isang kilalang sinehan sa bayan ng San Lorenzo.

Maliit lamang ang sinehan pero malawak at malinis naman ang loob nito. Kakaunti lang rin ang mga taong nanonood dahil siguro ay hindi talaga mahilig ang mga tao sa San Lorenzo na mag happy hour dahil mas uunahin pa ng mga ito ang magtrabaho sa libreng oras na mayroon para lang kumita ng pera.

Ang horror movie na Scream ang pinili nilang panoorin ni Hakim. Dahil wala namang magandang showing ngayon sa sinehan at ito lang ang interesting panoorin ay iyon nalang ang pinili nila.

Marilyn is immune from watching horror movies pero natatakot pa rin siya dahil sa lalakeng katabi niya sa sinehan na hindi niya mabasa kung ano nga ba ang nasa isip nito.

Why is he wanted to date me all of a sudden?

They are silently watching and Marilyn can't help but to stare at Hakim's face. He's really a handsome and gorgeous man. Bagay rin dito ang may kahabaang buhok at mga tumutubong stubbles sa chin niya. He looks manlier and hotter.

"Tititigan mo lang ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ni Marilyn nang mapansin ni Hakim ang pagtitig niya rito. She cleared her throat and continues to eat her popcorn and watch the boring horror movie.

Expected na talaga niya kay Hakim na hindi siya palagi nitong chichikahin unlike his brothers na hindi yata mawawalan ng sasabihin at ipambobola sa kanya. Hakim is very different but she find it very amusing.

Almost two hours rin nang matapos ang palabas na Scream. Nakakaantok na nga sa loob ng sinehan ay nakakaantok pang kasama ang lalakeng kadate kuno niya.

"Saan mo gustong kumain?" Hakim asked her pagkalabas nila sa loob ng sinehan.

"In any fast food restaurant will do." sagot ni Marilyn.

Alam naman niyang madatong ang magkakapatid na Monroe dahil successful bachelor na rin ang mga ito at kaya namang pakainin siya sa isang mamahaling restaurant pero sawa na siya sa ganoon. She wants to try something new katulad nalang ng pagkain sa isang fast food restaurant.

When she dated Gabriel for the first time ay kumain sila sa Greenwhich and they ordered pizza and chicken. Iyon ang unang beses na makakain siya sa kainan na afford naman nang karamihan sa mga tao.

Hindi nagsalita si Hakim at nagpatuloy nalang ito sa paglalakad na sinundan ni Marilyn. Huminto sila sa tapat ng isang fast food restaurant na may pangalan na Tropical Hut. Pumasok sila sa loob nun at sa inaasahan nga niya ay kakaunti lang ang mga customer sa loob.

Pumila sila sa counter para maka-order ng pagkain. Hindi naman niya maiwasang mailang nang titigan pa sila ng mga cashier na nasa counter. Para yatang nakakita ng mga artista kung titigan sila at pagmasdan.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Hakim sabay turo sa menu na nakalagay sa itaas.

Sinabi naman ni Marilyn ang kaniyang gustong kainin. She wants hamburger and chicken kaya iyon nalang ang inorder niya. Pagkatapos nilang mag-order at mabayaran iyon ni Hakim ay umupo na sila sa isang bakanteng table dala ang tray ng pagkain nila at inilapag iyon sa lamesa.

Napalunok si Marilyn dahil nakatitig na sa kanya si Hakim.

"Nag-enjoy ka ba sa date natin?" tanong nito.

Paano ako mag-eenjoy sa date natin eh parang hangin lang na hindi ko makausap 'yung kasama ko!

She wants to say that pero syempre dahil mabait naman siyang magandang bata ay iba ang sinabi ng bibig niya sa sinasabi ng utak niya.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon