Chapter 29

23.5K 668 470
                                    

Slight SPG

PAGKATAPOS kumain nina Marilyn at Diego sa isang restaurant ay kaagad na silang dumiretso sa condo unit ng mga Monroe.

Marilyn is mortified by what she did with Diego earlier. That was her first time making out with him. Ibang klaseng pakiramdam sa kanya ang ginawa nila pero hindi niya maitatangging nagustuhan niya ito lalo na't may nararamdaman rin siya sa binatang hindi rin niya inakala na super seloso pala.

Ang haba-haba naman ng hair niya para lang mabihag ang isang High school teacher na si Diego Monroe and speaking of that, nagtuturo kaya ito ng Sex Education sa mga kabataan?

It's not a bad thing naman, hindi ba? Para maiwasan rin ang minor and teenage pregnancy na laganap na sa panahon ngayon. Mas maganda nang maging aware ang mga kabataan para doon hangga't bata pa sila.

Diego was driving at kanina pa hindi matanggal ang ngiti nito sa labi. Malaking achievement na yata dito ang maka make-out siya at naunahan pa nito ang mga kapatid niya.

Napailing nalang si Marilyn doon.

Pagkarating nila sa condo unit ng magkakapatid ay sina Hakim at Israel lang ang naabutan nila doon.

"Nasaan na sila Kuya Abraham at 'yung iba?" tanong ni Diego kay Israel na kaagad sinara ang binabasang libro nang makita silang pumasok sa loob ng condo unit.

"May kinausap si Kuya Abraham, kasama rin niya si Kuya Exodus. Sina Levi at Gael naman ay nagpunta sa gym sa ibaba nitong building." sagot ni Israel na kay Marilyn nakatingin. Ganoon rin si Hakim na tila inoobserbahan pa ang dalaga.

Hindi mapigilang kabahan ni Marilyn doon. Halata kaya sa kanya ang ginawa nila kanina ni Diego sa loob mismo ng kotse nito? Nakakahiya naman kung gano'n!

"Ahm, magpapalit muna ako ng damit. Where can I change my clothes?" Marilyn asked shyly at Diego.

Itinuro naman sa kanya ni Diego ang banyo at nang makarating na siya sa loob ay kaagad na siyang naglinis ng alam niyo na at nagbihis rin ng panibago niyang malinis na damit sa dala niyang LV tote bag.

Pagkatapos ay lumabas na rin siya sa loob ng banyo at naabutan niya ang tatlong magkakapatid na nag-uusap sa living room.

Nang makita siya ni Diego ay pinaupo siya sa tabi nito. Inilagay naman niya sa gilid ang bag niya. Sina Hakim at Israel naman ay nakatingin lang sa kanila.

"Dito ka nalang maghapunan, Marilyn. Ako na ang magluluto ng kakainin natin." Diego said while staring at her.

Marilyn just nodded. Iyong mga tingin sa kanya ni Diego ay alam niyang may iba doon at related iyon sa ginawa nila kanina!

"Maliligo lang ako. Maiwan ko muna kayo saglit." saad ni Diego na itinigil na ang pagtitig sa kanya.

"Okay," Marilyn answered.

Diego just patted her head at pagkatapos ay tumayo na ito sa tabi niya at umalis na.

The awkwardness begins when she is alone with Hakim and Israel, both of whom are silent.

"Kumusta ang photoshoot mo, Marilyn? Sabi ni Kuya Diego ay may nakapartner ka raw na modelong lalake doon?" Israel suddenly asked her.

"I-It's okay. Just a pure work. Nothing else." sagot ni Marilyn na hindi kayang tignan ng matagal si Israel.

Israel is the reason she returned to Manila unexpectedly. She was upset to see him and Elaine kissed.

Bumuntong-hininga naman si Israel na may malungkot na ekspresyon. "Napapansin ko lang na parang naiilang ka sa akin at iniiwasan mo rin ako. May problema ba tayo, Marilyn?" he asked seriously.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon