"Hanggang ngayon ay pinagiisipan ko padin ang offer ni Matt, Nagtataka ako bakit agad agad ay nahulog ang loob ko sa kanya, I felt like kapag nasa tabi ko siya I feel safe..."
"Siguro wala namang masama kung tatanggapin ko un diba? Because I have the freedom naman to choose kung ano ang makabubuti sa akin."
Ilang minuto din ang nakalipas bago ako nakapagisip-isip, Tanggapin ko na ung offer nya wala namang mawawala.
Hinahanap ko na si Matt ngayon, para sabihin ang aking sagot, Wala siya sa cafeteria, wala siya sa garden, Wala siya sa field, Where the hell that guy is?
Hinanap ko nalang sila Van, to tell them na tatanggapin ko na ang offer ni matt, Bumalik ako sa cafeteria at nakita silang dalawa doon, tumakbo na ako palapit sa kanilang dalawa...
Van! Kath! Sigaw ko
Miaaa! Hello, masiglang bati ni Van sa akin.
Saan kaba nagpunta mia, kanina pa ka namin hinahanap. Pag-aalala ni kath.
Sorry hinahanap ko kasi si matt...
Woah! Close na kayo ni Matt?!
Slight lng naman, mahina kong sabi.
Bat mo ba siya hinahanap? Tanong ni kath
Ahh, inaya nya kasi ako nung isang araw na sumama sa grupo nila ung The alpha. Binigyan nya ako ng pagkakataon magisip kung papayag ako. Kaya hinahanap ko siya para sabihin na payag ako.
WAH! OMG MIA! Welcome to the group! Masayang bati ni Van at kath...
Nagtaka naman ako sa sinabi nila.. What? Welcome to the group? So? Kasama din sila sa grupo na yon? Matagal na?..
Welcome to the group? So kabilang kayo sa group na yan? Nagtataka kong tanong.
Oh, di pa nga pala naming na kwento sayo ni Van, Matagal na kaming kasama sa grupo na yun, hindi lng naming nabanggit sayo.. Kaya pala lagi ako pinapa-una ni kath pumasok ah.
Ilang minuto kaming nag kwentuhan nila kath at van, At nagulat nalang kami ng biglang may mga grupo ng mga babae ang dumeretso sa table namin....
"Hey!" Sigaw sa akin ni Nadine..
Gusto nyo bang agawin nitong babae na ito ang atensyon ng ating Matthew Lewis?! Tanong ni Nadine sa mga kasama nila.
Syempre hindi! Sigaw din ng mga kasama nya.
Anong gusto nyong gawin sa babaeng ito?!
"Itali sa upuan!" Sigaw ng isa...
Nanghina ako ng bigla nila akong pwersahan hilahin at iupo sa silya na nasa gitna ng cafeteria, iginapos nila ako.....
Iniharang nila Vanessa at Katherine ang kanilang mga katawan sa akin, pero wala silang nagawa sa dami ng galit sa akin...
Anong next?! Tumatawang tanong ni Hailey
"Here"
Napalunok ako ng nakita ang hawak ng isang babae, Isang mahaba at makapal na kahoy ang hawak hawak na ngayon ni Nadine... "A-Anong gagawin ninyo? Bumilis ang tibok ng puso ko, Nanginginig ako..."
Napasigaw ako sa sakit ng bigla nila akong hampasin ng kahoy, Wala akong kalaban laban..
Hoy! Itigil ninyo yan! Pag-sigaw ni Van at hindi ko namalayan na hawak hawak ng mga babae ang magkabilang braso ng aking mga kaibigan....
"Sige lng! Saktan nyo siya! Hindi nyo kilala kung sino ang binabangga ninyo, Isang tawag lng namin sa kanya, dadating na siya! Dadating na ang alpha..."
Nagtataka ako sa mga binigkas ni Kath, Sino ang dadating? Hindi na ako nagisip pa dahil hinang hina na ako...
Nakita ko sa hindi kalayuan sina Lancer at si Francis na Tumatakbo palapit sa amin, Habang tinitignan ko sila ay parang nag sslow motion ang lahat, Nagulat nalang ako ng bigla akong hinampas ng babae ng tubo sa likod, naging sanhi ito na magsuka ako ng dugo...
Ano ngayon mia? Helpless? Masarap ba? Pang-aasar ni Nadine..
Biglang bumagal ng bumagal ang paligid, Natakot ako ng hawak na ni Hailey ang tubo at ang kahoy at ipapalo sa akin ito parehas, Paalam Mia Jimenez, Ilang Segundo bago iyon tumama sa akin, pinigilan yon ng isang lalaki..
Hindi ko na kailangan pa na sabihin na nagagalit siya sa nangyayari. Dahil ramdam na ramdam yon sa kanyang madilim na aura, Nakakatakot, ngayon ko lng sila nakita ng ganito...
Nakapaligid sa amin ngayon ang alpha, pinamumunuan ito ng lalaking pumigil kay hailey, walang iba kundi si Matthew....
Nabitawan ni Hailey ang Tubo at ang kahoy sa sobrang takot...
Kahit nanlalabo na ang aking paningin, naaninag ko ang tubong hawak hawak ni Matt, unti unti itong nag-kacrack, Naaninag ko din si lancer at si francis na sinusubukang tanggalin ang tali sa katawan ko, at inalalayan makatayo, Tumakbo palapit sa akin si Vanessa at si Katherine na sobrang galit na galit sa nangyayari at nag-aalala para sa akin...
It's Doomsday! sigaw ni Katherine.......
Nagulat ang aking mga kaibigan ng bigla akong hinimatay.... Bago pa man nandilim ang aking mga mata narinig ko pa ang maawtoridad na utos ni Matthew kasama ang kanyang grupo...
"Kayong lahat! Pumunta kayo ngayon sa gymnasium! Ngayon na!
Katherine's Pov:
Karamihan ng estudyante ay nandito maliban lng kay Mia na hindi namin alam kung saan dinala ni Matt...
Nandito kami ngayon sa harap ng stage ng gymnasium, Bilang parte ng alpha ay doon kami nakapwesto sa harapan, tumunog ang cellphone ko at pinapalabas kami ni Matthew para sa isang pagpupulong.
Galit na galit si Lancer at francis sa nangyari sa aming kaibigan, Hindi nila hahayaan na hindi makaganti sa mga nagpahirap kay mia...
"Buhay kapalit ng buhay, Dugo kapalit ng dugo, sambit ni lancer na ngayon ay sobrang nakakatakot ang aura..."
Mga hayop sila! Hindi na napigilan mag-mura ni Francis, Ang bait bait ni Mia! paano nila yon nagawa sa kanya?! Mga walang puso! Hindi ko hahayaan na hindi makaganti sa mga babaeng nagpahirap sa unang babaeng tumanggap sa akin ng buong buo.
Lahat ng myembro ng alpha at kami bilang kaibigan ni mia, ay gustong gusto makabawi sa mga pinaggawa nila sa aming kaibigan.
Lalong lalo na si Matthew, Kitang kita sa kanyang ekspresyon kanina ang galit, alam naman nating lahat na unang pag-apak palang ni mia dito sa academy ay natuon ang mata ni matthew sa kanya, hindi natin masisisi si Matthew kung bakit ganito ang galit nya, Kilala natin siya, Kapag minahal ng pinuno ang babaeng sinaktan nyo, siguradong kapalit noon ang buhay ninyo... Maganda si mia... Iniidolo ng lahat... Matapang.... Mabait... Kaya minahal ito ng ating Matthew lewis....
"Ayoko na!, sigaw ni Nadine
Sarcastic akong tumawa sa babaeng yon, kung kanina ang tapang-tapang ngayon naman takot na takot, Oras na ng paniningil bitch.
Maya maya pa ay natigilan ang lahat, ng bigla kaming pumasok, Pinangunahan namin ni vanessa ang pagpasok at sumunod sa amin ang ibang myembro, sinalubong naman kami ng mga lalaki na nakamaskara... ang sumunod naman na pumasok ay sina Francis at Lancer.
"Ang bigat bigat talaga ng presensya ng alpha" sabi ng isang babae."
"Anong ginawa ninyo? Bakit nyo kasi siya ginagalit? Tsk tsk tsk," umiiling na sabi ni Lancer
Mukhang simpleng estudyante lng talaga si Lancer, pero halimaw kapag ginalit.. Pumasok na sila ni francis na nakangisi.
"Naku, kung nakita nyo lng talaga ung itsura ni Matthew kanina? Lagot talaga kayo," Humalakhak si Francis pagkatapos sabihin yon.
"Natuon ang mata ko sa babaeng kasama ng mga lalaki na sumalubong sa amin, mahaba ang kanyang itim na buhok, may malalim itong mga mata at nakatingin sa amin ito ngayon..."
"Natigil ang mga estudyanteng kanina pa nagbubulungan ng biglang pumasok si Matthew"
"Sa lahat ng mga sangkot sa gulo kanina sa cafeteria, at ang mga nanakit kay mia, malalagot kayo."
"Lalong lalo na kay Hailey at Nadine, Alam nyo naman siguro ang mangyayari sa inyo, simula ngayon ay binabawalan na kayong umapak pa sa academy, at simula ngayon hindi nyo na pwede lapitan si mia, whether you like it or not, Pinapalayas na kayo sa Emerald Academy sa kapangyarihan ng aking ama kayo ay hindi na pwede pa bumalik o umapak man dito."
At ang mga tumulong para masaktan si mia, ay kayo muna ang papalit sa mga janitor para maglinis sa loob ng isang buwan....
"Tandaan nyo toh....
"Hindi nyo na pwede saktan si Mia dahil kabilang na siya sa amin..."
"Wala din kayong karapatan saktan ang grupo ko..."
"Lalong lalo na wala kayong karapatan manakit ng babae...."
"Kung ayaw nyo ng mabuhay, Sabihin nyo lng sa akin...."
"Your wish is my command."
BINABASA MO ANG
That nerd is a goddess.
FantasyLittle did they know, I have secret that no one must know. Sarili ko pinagdududahan ko. Hindi ako halimaw o anuman..... Hanggang sa napadpad ako sa isang kakaibang paaralan at natuklasan kong hindi ako nag-iisa. I continue to keep my secret to mysel...