Chapter 08

11.7K 303 56
                                    

Hindi ko na mabilang ang minutong lumipas, hindi pa rin nakababalik si Elizzer. Namayani pang lalo ang kaba sa dibdib ko dahil kanina pa pabalik-balik ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at hindi ko man ito titigan ay alam kong nakatingin ito sa akin.

Madilim ang lugar. At ako lang mag-isa.

Nangilid ang luha ko sa takot. Naglakad na pala sana ako kanina pa. Hindi na dapat ako umasang babalikan ako ni Elizzer.

Takot na takot man pero hindi ko iyon pinahalata at nagsimulang humakbang pa-alis. Nilabas ko ang cellphone ko para i-chat ang kaibigan ko. Tyron's the only one who's active, kaya pangalan nya ang pinindot ko.

Jaile Chandria: Busy ka ba? Nasaan ka?

Sinend ko agad iyon sa kanya. Madalas kaming nag-aasaran ni Tyron. Oppa ang ginawa kong nickname sa kanya sa chat dahil maputi at singkit. Mabuti at nag-reply agad sya, pero wala pa ring nagbago, kabang-kaba pa rin ako.

Tyron Adler: Sa bahay ni Tita. Bakit?

Jaile Chandria: Saan 'yan?

Tyron Adler: Northern Heights.

Para akong nabunutan ng tinik sa nabasa. He's at the same location as mine!

Jaile Chandria: Sunduin mo nga ko. Nandito ako sa block 4

Tyron Adler: Gagsti anong ginagawa mo dyan?!

Jaile Chandria: Nag-bike kami, iniwan ako ng kasama ko.

Tyron Adler: Tangina ng kasama mo!

Tyron Adler: Ba't pumayag kang iwan ka?!

Jaile Chandria: Bakit ba? Ano naman ngayon?

I was confused. Minura nya agad. Galit na galit sya dahil iniwan ako ng kasama ko.

Tyron Adler: Last week lang, may na-rape dyan! Hindi pa nahuhuli yung kriminal. On mo location mo, huwag kang hihiwalay sa cellphone mo. Pupunta kami diyan.

Umakyat nang tuluyan ang takot sa katawan ko matapos basahin ang sinabi nya. Nilingon ko ang paligid. Kanina lang, may lalaking naka-motorsiklo ang panay ang pagbalik-balik sa kalsadang ito. And if Tyron's not lying ... Hindi na lang pang-aakusa ang naikintal ko sa isipan ko habang pasimple kong sinusulyapan ang lalaki kanina.

In-open ko ang location ko at tinago ang cellphone sa gilid ng sapatos ko. I can't keep it in hand. I'm so glad I brought my iPhone 5, my old phone, mabilis ko syang maitatago.

Nagmadali akong naglakad palayo sa lugar. Kinikilabutan na ako. Pati ang paglakad ko ay binago ko, nagmala-siga ako. The surroundings are dark. There's no street lights at kung meron man, ilang metro ang pagitan ng mga ito. Bibihira lang rin ang kabahayan. I guess this is the village' most dangerous part. And I haven't been informed about it.

Takot na takot ako.

Tama nga si Hillary. Hindi na dapat ako nakisali sa kanila ni Elizzer. Ito na siguro ang karma ko.

"Akin na ang wallet mo! Bilisan mo!"

Gusto kong sumigaw pero nawalan ako ng boses nang maramdaman ang matalim na bagay na nakatusok sa baywang ko.

Ang lalaking nasa likuran ko ay mahigpit na nakahawak sa leeg ko.

He's tall and huge man. And my strength can do nothing against him. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaglaban. Nangangatal ang mga labi ko.

"Hindi mo ba 'ko narinig?! Akin na sabi!" Sa bawat diin ng salita ng lalaki ay siya namang pagbaon ng kutsilyong hawak nito.

Napangiwi ako sa sakit.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon