Chapter 19

13K 227 18
                                    

"Rest. Huwag kang aalis. Magpahinga ka muna sa training niyo. You've been drained these past few days." Masungit na bilin sa akin ni Elizzer, nakatukod ang kaliwa niyang braso sa kama ko, habang hinahaplos ng kanan ang aking noo.

Napanguso ako. "Rest ang pinaka-boring na gawain sa buong buhay ko!"

"Hindi ako aalis, para may kausap ka dito." He smiled at me.

"Ano? Pero 'di ba may gagawin ka pa?"

"I can study here."

"You'll be studying kaya paano tayo makakapag-chismisan niyan?"

Tumawa siya. "Mag-a-advance reading lang naman ako. Bahala na kung saan abutin." He then caressed my forehead again.

Sinuri ko ang suot niya. Napansin niya rin iyon. He's still in his white uniform. "Hindi ka pa magpapalit?" tanong ko.

"That's honestly the next thing I will do." sabi niya.

"May damit ka?"

"Meron. Nasa sasakyan. Kunin ko lang." Pagkasabi niya no'n ay aalis na sana siya pero pinigil ko siya. Nabalik ang kaniyang tingin sa akin.

Pinagsingkitan ko siya ng mga mata. "Araw-araw ka bang may damit sa sasakyan? Anong purpose niyan Elizzer?" Mapang-akusang sambit ko.

"Araw-araw akong meron. Syempre, just in case na maka-encounter ng accident. Tapos namantsahan ng dugo ang damit ko, pwede akong magpalit." Tumawa siya. "Ano bang iniisip mo, Jaile?" Siya naman ang may mapang-akusang tingin ngayon.

"Baka naman may ginagawa kang kababalaghan diyan sa kotse mo kaya may naka-ready kang pampalit." Lalong naningkit ang mata ko.

He laughed out loud. "Jaile ... Kotse 'yon ni mommy."

"Ah, so kapag nagkasarili ka ng sasakyan pwede na?"

"Jaile ... Ano bang tingin mo sa'kin?" His eyes become more narrow than mine. Halos itago nito ang asul niyang mga mata. He's giving me serious glares.

"Kunin mo na lang 'yong damit mo tapos magbihis ka na." sabi ko, tinutulak siya palayo sa akin.

Tinawanan niya ako at dumiretso siya palabas ng kwarto ko, pero matapos niyang isarado ang pinto, muli niyang binuksan iyon at sumilip. "Tinawagan ko na rin pala si Tita Caroline. She knows you're here." He informed.

"Anong sabi mo?" Bahagya akong bumangon sa pagkakahiga.

"Umuwi na 'yong sutil niyang anak. Nadisgrasya kasi."

"Elizzer!" Binato ko ang pinto ng unan. Tawa lamang niya ang sinagot niya sa akin. "Ano nga!?"

"Iyon nga!"

"Isa!"

"Joke lang. Sabi ko ... Umuwi ka kasi kailangan mo ng romantic rest kasama ako." Pagkasabi niya noon ay mabilis niyang sinarado ang pinto, rinig ko ang mga yapak niya paalis. Naiwan tuloy akong awang ang labi.

Bumalik si Elizzer sa kwarto kong dala na ang damit niya. Nagkatinginan kami, pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Humalukipkip ako. Is he going to change here?

I confirmed it when I saw him unbuttoned his top uniform. Nakatalikod siya sa akin habang pinapanood ko siyang hubarin ang uniform niya. But when he noticed someone is eyeing him, napalingon siya sa akin. He faced me and completely took off his top.

Kitang-kita ko ang dibdib niya. There's very few hair trailing down his muscular thighs. Napalunok ako ng laway.

"Doon pala ako magbibihis sa bathroom niyo. It's a wrong decision I undressed myself here." He's shaking his head.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon