Chapter 28

14.1K 226 36
                                    

"Did you guys take a shower already?" Nagmamadaling tanong ni Adenize pagpasok niya sa kwarto namin.

"Sa Pilipinas na lang. Lamig, e." Sagot ko. She laughed and shook her head as she panicky searched for something in the cupboards. Few hours we will be on our flight back to the Philippines. That's why she's rushing.

"May maliligo pa ba? Me na muna, ha?" sabi niya sabay pasok sa shower.

"Hoy 'langyang, 'to! Ako muna! Naghanap lang ako ng damit may laman na naman 'yan?!" Singhal naman ni ate Teddy pero wala na siyang nagawa dahil rinig na rinig ko na ang malakas na pagtagas ng shower sa loob.

Our first music video was filmed in South Korea. Pagbalik namin sa Pilipinas matapos ang mahigit isang taong inferno-like training, we will be holding a school attacks and mall shows.

I put on my shades as we went down the airplane. Ang init ng simoy ng hangin na tumatama sa aking balat ay nagbibigay hiwatig sa aking tunay ngang nakabalik na kami ng Pilipinas. Something in me pinches my heart.

It was so nice to be back. Hello ... to the country who had completed me ... To the country who broke me. To the good and bad memories I left. And lastly ... to the person I'd escaped away from.

I wonder where he is now? Or what he is even doing?

Is he good? Naaalala niya kaya ako? Galit kaya siya sa akin? I know he's in his third year in college now. Napaka bilis talaga ng panahon.

I stopped for the meantime to focus on my career. But this school year, I'll enter school again, but this time, I'll be homeschool.

"Shet! Amoy South Korea tayo, ah?!" Iyon agad ang lumabas mula sa bibig ni Zy nang umupo ako sa seat na nasa harapan nila.

We're in a restaurant to celebrate my debut and of course ... dahil sa nakabalik na rin ako. I've never seen them for a year and I missed them. Sa video call na lang kasi kami nag-uusap noong nakaraang taon.

"Amoy kimchi!" Thalia said as she sniffed me.

Napangiwi ako. "Grabeng exaggeration naman 'yan, Thalia! Kimchi talaga?!"

"Biro lang! Uy 'yong promise mo, ah? Beauty secret reveal." Kinindatan niya ako.

Napangisi agad ako at hinila palapit sa kaniya ang upuan ko. "Yes nililista ko na! Hawakan mo face ko dali!" Kinuha ko ang kamay niya para idampi sa aking pisngi.

"Oh my! Ang lambot at... Wala ka ng wrinkles!"

"I see. Her dark under eye isn't visible too!" Pakikisali ni Akali kaya napalingon ako sa kaniya.

"So are you... interested in my beauty secrets too?"

"Sa under eye lang."

"Kuripot nito! Magpapaganda ka na lang tapos mata lang? Ayusin mo nga 'yang desisyon mo sa buhay, Akali!"

"Fine." She sighed with rolling eyes. "I'll try your beauty secrets then. But if they're not effective, I'll sue you." Namilog ang mata ko sinabi niya. Sue raw? Sue? As in to take legal proceedings in court kapag hindi effective?

"Sabi ko sa 'yo Jaile huwag ka nang mag-recommend, e." Usal ni Zy.

"Tama!" Si Thalia. "Kung ako sa 'yo, nanahimik ka na lang."

"Ano ba kayo effective 'to! I, myself is the evidence!" Pagmamayabang ko. "Kaya ang lumbay ng mga love life niyo, e." dagdag ko pa kahit na isa rin naman ako.

"Anong malumbay? Kayo lang, 'no!" Zy reacted instantly. Tumaas tuloy ang isa kong kilay, naiintriga.

"Ay ang shala! Kayo pa rin ba?" Tinapik ko ang braso niyang nasa ibabaw ng lamesa.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon