Chapter 15

14.4K 262 43
                                    

Lumipas ang hapong hindi ko nakausap si Elizzer. From the time we left their house, hindi niya ni-re-replyan ang texts ko. Sinama niya kasi talaga ako sa mga pinalayas niya sa bahay nila kanina, hindi ba? Na parang wala kaming napag-usapang movie marathon?

Naupo ako sa labas ng bahay namin, tinatanaw ang payapa at madilim na kalangitan. Whenever I looked up above the dark sky, it seemed like someone is staring at me, someone is looking at me in the eye. I always remember his eyes, his stares. Mapa-umaga man o gabi. Hindi talaga ako nilulubayan ni Elizzer.

The blue shaded sky reminds me of his eyes, even the ocean. While the dark night sky does too. The way his retina shines at its corners, I could envision the alluring gleam of the sun on the surface of the sky and its astonishing. His black iris, the one like a night sky. The small pieces glint of it, seemed like lovely stars.

He's twofold. He could be the sun and the moon. He doesn't need anyone just to shine, just to be admired by many. He could gloss on his own.

The perfect man I have found ... but not owned.

The man who'll wipe people's tears. The guy who'll heal the pains, the wounds diseased people have.

He has perfect features which men don't have. He has a perfect heart too, a very big heart for those people in need.

His young version screams his future profession.

The only light for those who have been staying in the darkness. The light for those who have been trapped under the dreary clouds. And because of his alluring gleam ... I'm no longer wondering why I'm so in love.

I fancy him.

Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang isang matinis na tunog mula sa pumrenong bisikleta. Napatayo agad ako at napapagpag sa puwetan ko nang makita kung sino iyon. It's Elizzer, with his usual cycling outfit. Tinanggal niya ang suot na helmet matapos na alisin ang shades at ngumiti sa akin.

Nag-lakad siya palapit at awang pa rin ang labi ko. Admittedly, I was chatting him ever since I came home. Hindi sya nag-re-reply kahit na nabasa niya naman ang messages ko!

"Hi!" He greeted.

"Hi!" I mocked him as I made a face.

Tinawanan niya ako. "Pinuntahan kita sa bahay nina Hillary kanina, as I thought you're still there. Umalis pala kayo." Aniya.

"Pinaalis mo kami, e."

"Ang ingay mo, e."

"Sa tagal nating magkasama?! Hindi ka pa nasanay?!" Giit ko.

"Sanay ako. 'Yung pusa ko 'yong hindi. Binalibag mo na nga noong dumating 'yong Nathan na 'yon. Hindi mo pa papatulugin sa ingay niyo."

"Binalibag? Hindi ko siya binalibag!"

"Binalibag mo si Waffelo! Ang himbing ng pagkakatulog niya sa hita mo, nakita mo lang 'yong Nathan na 'yon, nakalimutan mo na 'yong baby kong pinapatulog mo."

Muntik na akong mapangiti sa sinabi niya. Waffelo? Baby niyang pinapatulog ko, huh?

Lumapit siya sa akin at tumayo sa tabi ko, nakapamulsa. He's smiling genuinely, and I have no idea on why is he damn smiling.

"Anong oras kayo dumating?" Elizzer asked, then he looked up at the night sky, massaging his tall nose.

"Alas-siete." Sumulyap ako sa relo ko, alas-nuwebe pa lang.

"Tagal nyo, ah?"

"Hindi naman,"

"Nag-open ka ba ng cellphone kanina?" tanong niya, sabay sulyap sa akin.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon