Chapter 18

13.5K 262 13
                                    

"You are impressing me always ... In an unintentional ways." Sa sobrang lambot at lambing ng pagkakasabi ko no'n ay halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Nakapulupot na ang aking mga braso sa leeg ni Elizzer.

The sun is almost granting us his goodbye. The world's also beginning to get darker.

"Magsu-swimming ka pa ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Oo naman. Kaya nga ako pumunta rito, e! Ano ba, Elizzer! Pinagloloko mo ba ako?"

"Gabi na, e. Malamig." He laughed. Napa-irap ako. Edi yakapin mo 'ko sa tubig!  Problema ba 'yon, Elizzer?!

"Kahit na! Sayang outfit ko!"

"Bakit naman masasayang? Nakita ko naman na, e." Nanlaki ang hugis ng bibig ko sa sinabi niya.

"Nagbihis ako para lumangoy hindi lang para makita mo!" Hinampas ko ang dibdib niya.

"Oo na. Saan ba tayo?" Sa sobrang banayad ng kaniyang boses ay halos hindi ko na iyon marinig. Hindi rin nakaligtas ang puso ko sa paghaplos nito. Sabay naming nilinga ang kabuuan ng resort, hanggang sa hinatak ko siya sa nakita ko kung saan, sulok, medyo madilim at malayo sa cottage ng mga kasama namin.

Nasa likuran ko ang lalaki naglalakad habang hawak ko ang kamay niya. My hold is so light, na pawang kapag may dumaan ay matatanggal. But he intertwined it. Humigpit ang koneksyon naming dalawa. Na parang tatakbuhan ko siya sa oras na makapiglas ako at iyon ang bagay na kinatatakutan niya.

I pulled my hand out of his grip desperately even though he doesn't want me to do it. I dove across the water. Natatawa akong umangat mula sa ilalim ng tubig at pinanood si Elizzer na magtanggal ng kaniyang shirt. He unbuttoned each of it one by one while staring at me float in the water.

Pumungay ang kaniyang mga mata. I suddenly stopped moving. The sight of him removing his shirt is getting so cool as the time took so long to pass another minute. Tumalon siya at mabilis na nilangoy ang tubig na patungo sa akin. I yelped, when he carried me with no warning while he's under the water.

"Elizzer!" Sigaw ko. Maingat niya akong binalik sa tubig at nangingiting hinarap ako. Tuwang-tuwa siyang nagulat niya ako!

He turned me, my back is against him. Hinila niya ako palapit sa kaniya habang yakap niya sa baywang. Ang puso ko ay hindi na mapakali. Gusto kong itili ang nararamdaman pero nahihiya ako. And this is so rare na nahihiya ako!

He pulled me even closer to him. I could feel his wonderful chest rubbing against my back. Rinig na rinig ko na rin ang mabibigat na hininga ko. The throbbing of my chest isn't normal at all. It's going crazy.

We really didn't swim. Nagpalutang-lutang lang kami sa tubig at gusto ko iyon. Ipinadiyak ko ang paa ko sa tubig, led us to move to the side. Medyo naliliwanagan kasi kami sa pwesto namin kanina at hindi ako komportable, baka may makakita sa amin.

Ramdam ko ang paghawi ni Elizzer sa aking buhok. Inipon niya iyon sa kaniyang palad at marahang inangat, sapat para makita niya ang batok ko.

"Oh my gosh..." Bulong kong halos kapusin ng hininga nang maramdaman ang isang patak ng halik sa aking batok.

Hindi magkamayaw ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Nagwawala ito. Nagdadabog. Na parang gustong kumawala.

"Anong oras ang klase mo bukas?" Elizzer whispered near my ear as he rested his chin over my shoulder, keeping me in his arms.

"Um ... Alas-kwatro ng hapon." I couldn't even say those words properly. He's currently drawing circles around my navel, so smooth, so gentle, enough to tickle me.

"Anong oras 'yong tapos?"

"Alas ... Alas siete ng gabi." Hingal na sagot ko kahit hindi naman ako pagod. Sanay ako sa presence ni Elizzer. Nakakatindig ako nang hindi naiilang, nahihiya, o nanginginig. Pero ngayon, I can't even composed myself. Nanghihina ako. Na parang gusto ko siyang gawing higaan ko.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon