Chapter 11

12.8K 270 47
                                    

"Mauna ka nang umuwi, Terence! Sasama ako sa kanila!" Nag-aatubiling sabi ko kay Terence at akmang tatakbo na para habulin sina Elizzer pero hinigit nya ang pala-pulsuhan ko. Kunot ang noo ko, gulong-gulo sa ginawa n'ya.

"Tangina, Jaile? Sasama ka? Isisiksik mo na naman 'yang sarili mo?! Tignan mo, oh!" Binitawan n'ya ako at tinuro ng kan'yang ulo ang direksyon nina Elizzer. "They're obviously dating. Dito ka lang. Hindi ka aalis. Huwag kang susunod doon."

"Luh! Mommy? Ikaw ba 'yan?" Tawa kong sarkastiko. "Terence ... Pati ba naman ikaw?"

He's not like this. He used to be supportive in every act I did.

"Jaile." He sighed. "Magmumukha kang ewan doon." Aniya. Alam ko 'yon. Magmumukha akong kawawa. Magmumukha akong tanga kahahabol. Pero sigurado akong noon lang 'yon. Noon lang.

"Hindi mangyayari 'yan. Hindi na tulad ng dati si Elizzer. Close na kami! Huwag kang mag-alala." Pagtatanggol ko at tinapik ng tatlong beses ang balikat nya.

Pumungay ang kanyang mga mata at bumuntong-hininga, mukhang wala nang balak pang makipag-diskursyohan sa akin. "Okay. Pero hindi ako aalis at uuwi. Papanoorin ko kayo."

"Ano?! Sasama ka sa akin kung gano'n?"

"Hindi." Napapikit siya ng madiin at napahilot sa sintido. "Bubuntot lang ako. Hindi ako papahuli." sambit nya.

"Kailangan mo pa bang gawin 'yan? Okay lang, Terence. Kung magmukha akong ka-awa awa. Edi sakin na 'yon. Huwag mo 'kong iisipin." sunod-sunod na sabi ko.

"Kailangan." Madiing banggit n'ya at tumitig nang masinsinan sa akin. "Sa oras na makita kong nagmumukha kang tanga kasama 'yong lalaking 'yon. Kakaladkarin kita pabalik sa akin."

Sumulpot ang tagumpay na ngisi sa aking labi matapos marinig ang sinabi ni Terence. "Oo naman! Kahit na hilahin mo pa 'ko sa buhok!" Sigaw kong ikinangiwi n'ya.

He's eyeing me habang ikinukumpas ang kanang kamay sa hangin, pinapaalis na ako. "Sige na. Punta ka na doon. Goodluck."

Bibo akong tumango at niyakap s'ya sa leeg. Sumabit ako na halos ay ikatumba n'ya na. My nose creased. Seems a happy kiddo being allowed by his older brother to play carelessly outside.

"The best ka talaga!" sabi ko at binitawan na sya.

Kumaripas ako ng takbo para habulin sina Elizzer. Medyo nakalayo layo na sila kaya nang mahabol ko ang lalaki ay hinihingal na ako at may kaunting pawis sa noo ko.

Hindi na tuloy ako naging confident sa ayos ng buhok ko dahil pakiramdam ko ay nagulo ng pagtakbo ko kanina lang.

"Huy! Sama!" Masigla akong sumabit sa kaliwang braso ni Elizzer nang makalapit. Gulat sya at muntik pang matumba nang bumitin ako sa braso niya but he managed to smile at me.

"Ayan na naman siya." Sipol ni Hillary nang makita ako.

Pareho kaming napalingon doon ni Elizzer at nasa dinadaanan naming stores ang tingin niya habang nakataas ang isang kilay.

"Nandito ka rin pala?" He asked interestedly.

Tumango ako, malawak ang ngiti sa labi.

"Oo. Kami ni Terence. Nag-video kami ng sayaw." sagot ko at tinignan siya.

He's staring at the bright floor and the light around us has been reflecting on his tall nose' tip, blue eyes glittering.

My heart can't help it but pound faster like a ferris wheel.

"Kayo? Hindi naman kayo nagda-date, ano?" Sinadya kong babaan ang boses ko para si Elizzer lang ang makarinig.

I wanted an answer.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon