Chapter 12

13.1K 256 47
                                    

My daily life routine has completely changed after I passed CJ's Audition. I usually wake up at ten in the morning but now it's six and at eleven, I am already at our agency. Since it's still vacation, I have nothing to prioritize but my training.

Our dance teacher together with the Chief Executive Officer Mr. Cerverio Julio, has explained all the rules and regulations we strictly need to follow.

Kahit na binanggit niya na isa-isa ay binigyan niya pa kami ng kopya para magtanda.

I opened the pages of the booklet she had given us. It's all about the history of the talent agency together with the information about the first girl group they debuted and is currently active. I read the golden rules precisely but my eyes stuck onto this one and only sentence.

• Strictly. No relationship/dating.

I'm doomed. Ito na talaga ang katapusan ng kalandian ko.

"Goodbye na sa ating happy crush." Bulong ni Terence sa likuran ko, tumatawa.

"Haist." Hellux sighed teasingly beside me. "Mabuti at wala na akong tinatangi."

Sinamaan ko ang dalawa ng tingin. "Wala naman sa rule 'yong bawal magka-crush, 'di ba?! Boyfriend 'yong sabi dito! Relationship hindi crush!" Gigil na depensa ko.

"Oh, awat na!" Terence said, cocking his head backwards. Lumipat siya sa upuang nasa tabi ko para makalapit sa amin ni Hellux. Ang dance teacher namin ay wala na kaya malaya na kaming makakapag-kwentuhan. "Nabasa niyo na 'yong sa GC?" Excited na tanong niya.

"Ano 'yon?"

"Celebrate daw tayo sabi ni Pops. Diretso daw tayo sa house nila pagkatapos natin dito. Nandoon na silang lahat, tayong tatlo na lang kulang." Kumindat siya matapos sabihin iyon.

"Tamang-tama nagugutom na rin ako!" sigaw ko.

"That's a farewell party." Ngumuso si Hellux. Napawi agad ang ngiti ko. Oo nga pala. Naghanda ng selebrasyon dahil sa aming pagkapasok. Pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat na para na rin iyon sa aming pag-alis. I feel like a spread. Stuck in the middle of this confusing feelings.

I wanted to be happy. But the thought of leaving the family we first had, saddens me.

The following days after the farewell party became very busy. Puspusan ang pag-re-review namin sa exams dahil napakalapit na. I could feel pressure pressing on my back. East Edison lang ang in-apply-an ko. Hindi ako pwedeng bumagsak.

Nakahalukipkip ako habang nakatayo sa gilid, hinihintay ang party na magsimula. Ilang sandali, mula sa aking gilid ay lumapit ang isang lalaki. Si Elizzer, ngumiti siya sa akin at tumayo rin sa tabi ko, pinapanood ang mga bisitang pumasok at maupo sa kani-kanilang upuan.

"Hey, how do I look like?" Nakangiting lumapit sa pwesto namin si Hillary, suot ang kumikinang na gown niya, nakaharap ngayon kay Elizzer.

Napanguso ako. Obviously, she looks beautiful. Kailangan pa talagang si Elizzer ang tanungin? Nandito naman ako sa gilid niya, ah? Babae. Mas makakaintindi.

"Maganda ka." tugon ni Elizzer, lumaganap ang pait sa dibdib ko.

I sighed. Today's Hillary's 18th birthday. Ano pang isasagot ni Elizzer, hindi ba? Of course, he'll not say, you're fine. Birthday ng tao. He needs to be softer. Malulungkot si Hillary kapag hindi papuri ang binato niya lalo pa't alam ng lalaki na may gusto ang babae sa kan'ya. Bukod doon, maganda talaga si Hillary. We often fight but, I can't deny it ... She's preciously beautiful today.

"Thank you." Hillary replied classy, showing her dazzling smile. Her dimples were flashing as she stretched her lips to its opposite sides. Napa-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon