Chapter 16

13.4K 269 22
                                    

"Do you think I should have chosen Engineering instead of Accountancy?" Nagugulumihanang tanong ko kay Akali habang umiinom sa Zest-O. Sinulyapan niya ako habang hinahalo ang umuusok pang kape niya.

"You can be good in both honestly. But why do you have to change your mind kung kailan enrolled ka na?"

I did my last sip then dropped the drink down the table. "Ang daming pogi sa Engineering Department kita ko kanina! Kung nag-EE lang ako kaklase ko sana 'yong mga 'yon!"

"Kung 'yong mga pogi lang 'yong habol mo, tama lang na 'di ka tumuloy." She then rolled her eyes at me.

"Duh! Akali! Enrolling here with you is a big mistake!" Sigaw ko.

"Wait, what? I did not push you to take BSA! Excuse me." Masungit na tugon niya.

Sasabat pa sana ako para asarin siya pero tumunog ang cellphone ko kaya doon na natapon lahat ng aking atensyon. It's from my Messenger App. I clicked onto it and a message from my cousin is the first to greet me.

Khristina Elvira Hantross: I brought your pants. Nandito ako sa 7/11, kunin mo na. I'll wait you here.

Napangisi ako at dali-daling dinampot ang bag ko. Sinaklay ko iyon habang nag-ta-type ng reply at binalingan si Akali. "Hoy! Iwan na muna kita, ah? Puntahan ko lang 'yong pinsan ko." sabi ko.

"That's good. Ingay mo, e." She said without bringing her eyes on me! Her eyes were already full focused on her book! Napa-irap ako habang nakanguso bago naglakad paalis.

Tinalon ko ang bawat hagdan na tinatapakan ko. It's Tuesday but I'm not in our school uniform. Suot ko ang black pants ko pero para sa school rules, nag-white t-shirt pa rin ako. This is the first thing I dislike in being a first year! Bawal ang hindi naka-uniform kapag school days!

"Huy, Jaile! Hindi ka na sumasama, ah? Pinagtataguan mo na kami?" Napahinto ako nang may bumating kakilala.

"Gagi 'to! Kailan pa 'ko nagtago, ha?!" Tinalon ko at inakbayan ang matangkad na si Jomar at iginiya siyang maglakad. Hinampas ko ang braso niya.

"Naka-ignore yata GC natin sa'yo, e! 'Di ka nag-se-seen!" asik niya.

"Hindi ko lang tinitignan pero hindi naka-ignore!" Giit ko.

"Kahit na!" He fought back. "Ang dami naming gala! Ni isa wala ka? Don't tell me taong bahay ka na ngayon?" Tinawanan niya ako.

Bumitiw ako sa kaniya at hinarap siya. Humalukipkip ako. "Tanga! Hindi sapat 'yong suklay pangamot sa pangangati ng paa ko, 'no! Imposible 'yan!" Bulyaw ko. "Busy lang ako."

"Anong pinagkaka-busy-han mo ngayon?" He then bumped his arm against mine. "Bakit? May jowa? Naku, Jaile! Imposible!" Panay ang tawa niya.

Naningkit ang mga mata ko at dinuro-duro siya. "Walang hiyang 'to! Kapag ako nagka-jowa ikaw 'yong unang iiyak kasi wala ka nang pag-asa sa akin!"

"Tangek! May girlfriend ako. Bakit kita iiyakan?"

My mouth formed into a big circle, clapping my hands, shaking my head a little. "Kaya naman pala hambog ka ngayon!" sigaw ko.

He pouted proudly at me. "Well, ikaw na lang yata 'yong wala ngayon sa 3:14."

"Hindi 'no! Tatlo pa kami! Si Terence tapos si Hellux!" Depensa ko agad.

"Sigurado ka kay Terence?"

"O-Oo! Bakit naman hindi?!"

"Sus!" Jomar hissed at umiwas ng tingin sa akin, umiiling-iling. Kumunot tuloy ang noo ko. Is he telling me na may girlfriend si Terence? It's impossible! Or maybe yes, it's a little bit possible pero masunurin si Terence. It's a golden rule to us. No relationship. No dating. He must be aware of it.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon