CHAPTER 1

1K 47 7
                                    

NOAH POV



FIVE YEARS AGO...

"GET OUT! SIMPLENG TRABAHO HINDI NYO PA MAGAWA NG MAAYOS!" Sigaw ng aking boss habang binabato nito ang mga papeles na binigay sa kaniya ng Department C.

Mukhang mali nanaman ang ginawa ng mga ito. Nandito lang ako sa may gilid at may hawak na kahon dahil alam ko na kung saan mapupunta ang mga papeles na pinagtatapon niya.

Nakita kong napayuko ang dalawa at lumakad palapit sa akin. Katabi ko kasi ang pintuan palabas ng office ni Sir Jek.

"Pagpasensyahan nyo na si bossing ah, medyo highblood siya ngayon eh." Sabi ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman silang dalawa.

Sanay na kami na masigawan—I mean sila dahil hindi pa naman ako nasisigawan ni Sir Jek. Hindi ko alam kung bakit pero mas mabuti na iyon tsaka nagagawa ko naman kasi ng tama ang trabaho kaya siguro hindi ako sinisigawan ni Sir Jeck.

Pagkalabas nilang dalawa ay humarap na ako kay Sir Jek at hinintay ang utos nito. Hindi ko kasi pwedeng kunin agad ang mga papel na iyon dahil baka may gamitin siya doon.

"Itapon mo lahat ng iyan sa labas." Kalmadong utos nito sa akin kaya pinulot ko na ang mga binato nitong papeles.

Minsan ay napapaisip ako kung secretary ba talaga ang trabaho ko dito o katulong niya. Simula kasi ng pumasok ako dito bilang secretary niya ay ganito lagi ang trabaho ko.

By the way I am Noah Dela Mercid and I'm 21 years old, isa ang aming pamilya sa pinaka mayaman sa buong mundo at kung tatanungin nyo kung bakit naging secretary ako dito ay dahil sa isang rason.

Napagtripan ko lang, oo napagtripan ko lang dahil medyo na bored kasi ako sa mansyon namin kaya nagpaalam ako sa aking magulang na kung pwede ay magtrabaho ako para maranasan kong magkaroon ng pera na galing sa akin mismo at hindi sa kanila. Akala ko nung una ay pipigilan nila ako pero pumayag din pala sila, binigyan lang nila ako ng tatlong buwan para magtrabaho at pagkatapos ng tatlong buwan na iyon ay babalik na ulit ako sa amin.

Walang kahit na sino ang nakakakilala sa akin dito bilang si Noah Dela Mercid dahil itinago ko ang aking totoong pagkatao. Mahirap na at baka maging issue ito sa buong mundo. Actually hindi naman siya magiging issue pero ayoko ko kasi ang pinaguusapan ako. Gusto ko ay normal na buhay lang at tahimik.

Nang natapos ko ng kunin lahat ang mga papeles na nasa sahig ay dumeretso ako kaagad sa pinto ngunit bubuksan ko palang sana iyon ng magsalita si Sir Jek.

"Roan, bring me coffee here after you trash that paper." Malamig nitong sambit kaya tumango nalamang ako sa kanya at lumabas na.

Roan Reyes ang ginamit kong pangalan dito upang matago ang aking totoong pangalan. Kaunti lang naman ang binago ko sa aking sarili na sapat para hindi ako makilala.

Magiisang linggo na ako dito bilang secretary ni Sir Jekerson Villanovan at masasabi kong naging mabuti naman ang pakikitungo ng mga nagtratrabaho dito. Ang pagkakaalam ko ay pumapangalawa ang pamilyang Villanovan sa aming Dela Mercid. Hindi ko alam kung kilala ni Dad ang pamilya Villanovan.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang kaibigan kong si Yuan na mukhang hinihintay ako. Nakita naman ako nito kaya dali dali siyang pumunta sa akin.

"Dai! May chika ako sayo." Bungad na sabi nito sa akin ng makalapit na siya. Napailing na lamang ako dahil walang araw ata na hindi siya nagsasabi sa akin ng chismis.

"Kilala mo si Chena?" Tanong nito sa akin.

Napaisip naman ako dahil parang familiar siya sa akin.

"Ah, yung babaeng pumunta dito nung isang araw?" Sabi ko ng maalala ang pangalan na iyon.

Pumasok kami sa loob ng elevator ng bumukas na ito at pinindot ko naman ang 1st floor.

"Oo, alam mo bang balitang balita nakipagkantutan daw iyon sa Head ng Department B."

Halos masamid naman ako sa sariling laway ko dahil sa sinabi nito, mabuti na lamang at nasa loob kami ng elevator.

"Ano kaba Yuan, umagang-umaga kabalastugan ang nasa bibig mo." Natawa nalang siya dahil sa sinabi ko.

Siya si Yuan Domingo ang Head ng department A at naging kaibigan ko ito ng mapadpad siya sa secretary table ko na nasa labas ng office ni Sir Jek.

"Nagkalat kamo ang video nila habang nakikipag sex at hindi ka maniniwala dai! Kitang kita ng dalawang mata ko ang malaking hotdog nung Head ng Department B!"

Napailing nalang ulit ako sa sinasabi nito. Sa loob ng ilang minuto namin doon sa Elevator ay hindi siya nag iba ng topic, hindi daw siya kasi maka get over sa hotdog nung nasa Department B.

Pagkabukas ng elevator ay dumeretso na ako sa basurahan habang si Yuan ay pumunta na ito sa department niya dahil may gagawin pa pala ang gaga.

Nang natapon ko na ang mga papeles ay dumeretso ako ka agad sa coffee machine at gumawa na ng kape para kay Sir Jek.

"Good morning noah." Sabi ng isang nilalang at tumabi sa akin para gumawa din ng kape.

"Good morning din Manager Aiden." Pagbati ko pabalik sa kanya.

Siya si Manager Aiden ang lalaking tumulong sa akin nung unang araw ko dito bilang secretary, siya din ang tumulong sa akin para libutin ang buong company na ito. Mabait naman ito at friendly. Siya ang naging una kong kaibigan dito bago si Yuan.

"Kaninong kape yang ginagawa mo?" Tanong nito kaya napalingon ako sa kanya.

"Kay Sir Jek." Sagot ko at nilagyan ko na ng mainit na tubig ang basong hawak ko.

"Mukhang nahiligan na ni Jekerson uminom ng kape ah, dati ay hindi naman siya nagkakape." Sabi nito kaya lumingon ako sa kanya

"Ganun ba, ayan nga din ang sinabi ni Yuan sa akin nung nakaraang araw."

"By the way, busy kaba mamayang lunch?" Napaisip naman ako kung may gagawin ba ako mamayang lunch at mukhang wala naman dahil natapos ko naman ang ibang gagawin ko kahapon.

"Hindi naman bakit?"

"Sabay na tayong mag lunch, don't worry libre ko, wala kasi akong kasabay." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Sige tutal kaunti lang ang aayusin ko mamaya."

Nang natapos ang paguusap namin ni Manager Aiden ay dumeretso na ako sa elevator dahil baka kanina pa naiinip ang halimaw na nasa taas. Mahirap na at baka masigawan ako nun.

Nang nakarating na ako sa itaas kung nasaan ang 15th floor ay dali dali na akong naglakad patungo sa opisina ni Sir Jek.

"Sir narito na po ang kape niyo." Sabi ko at dahan dahang inilagay ang kapeng itinimpla ko sa gilid ng table niya.

Hindi naman ako nito napansin at nakatutok parin siya sa laptop niya. Infairness ang gwapo niya sa lagay niyang yan. May lahi kasi itong Amerikano si sir jek, matangos ang ilong, makinis ang mukha, makapal ang kilay, kulay blue ang mata, at higit sa lahat ang mga pandesal na nakatago sa damit niya!

Nakita ko na ito ng isang araw ng magpasuot siya sa akin ng damit niya, may kausap kasi siya sa cellphone niya ng time nayun.

Wala namang kaso sa akin yun dahil sanay naman akong makakita ng ganun sa bahay namin. Araw araw ba naman nakahubad pang itaas ang mga kapatid ko sa loob ng bahay.

"Do you have problem, Roan?" Tanong nito bigla at tumitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

"W-wala po sir jek, kung may ipaguutos po kayo ay tawagin nyo nalang po ako." Sambit ko at umalis na doon at pumunta sa table ko.






AN: Hi mga ka person, I hope na nagustuhan nyo ang aking UD ngayon😘

Hiding My Son's [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon