NOAH POV
Napatayo ako sa aking pagkakaupo ng bigla akong tawagin ni sir jek sa loob ng opisina niya.
"Bakit po sir?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob.
"What is my schedule today?" Tanong nito habang abala siya sa mga folder na nasa lamesa niya.
"You have meeting with Mrs. Monte at nine o'clock sir and business proposal at four o' clock." Sabi ko sa kanya na siyang ikinatango tango na lamang nito.
"May kailangan pa bo kayo sir jek?" Tanong ko sa kanya na siyang ikinataas ng ulo nito at ngumiti ng kakaiba.
"Come here," sabay senyas nito na tumabi ako sa kanya.
Lumapit naman ako dito at nagulat ng hilahin niya ang isa kong kamay kaya ang ending ay nakaupo ako sa hita nito habang ang kamay nito ay nakayakap sa bewang ko.
"Sir!" Gulat na sabi ko pero parang balewala lang iyon sa kanya.
"Baka po makita tayo sir at kung ano pa ang isipin nila," nagaalalang sabi ko dahil baka mamaya ay bumukas ang pinto ng office niya at makita kami na ganito ang posisyon.
Mahirap na at baka mapagchismisan ako na nilalandi ko ang boss namin.
"Ano naman ang iisipin nila?" Tanong nito habang binubuksan ang laptop nito.
"Baka kasi isipin nila na nilalandi kita eh ikaw naman itong naglalandi sa akin." Narinig ko naman na tumawa siya ng mahina at hinalikan ang leeg ko.
"Wala akong pakialam kung ano man ang isipin nila, sabihin ko pa na asawa kita eh." Sabi niya kaya kinurot ko ito sa tagiliran niya.
"Aray! Ganyan pala ang paglambing mo sa akin asawa ko." Bigla naman ako napahiwalay sa kanya at inis na hinarap siya habang nakapamewang ako.
"Sir! Ayan nanaman po kayo. Diba pinagusapan na natin ito." Inis na sabi ko sa kanya pero ngumuso lang siya sa akin.
"Oo na titigil na ako." Sabi niya na siyang ikinahinga ko ng maluwag.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong opisina ni sir jek at maya maya lang ay biglang itong nagsalita.
"Roan." Napatingin ako kay sir jek ng tawagin ako nito ng seryoso.
"Bakit po?" Takang tanong ko sa kanya.
"What if i fell in love with you? Mamahalin mo ba ako pabalik?" Sabi nito na siyang ikinagulat ko.
"Bakit nyo naman po yan tinatanong sir?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at lumapit siya pwesto ko at niyakap ako sa bewang ko.
"Mahal kita roan." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin kaya halos mabingi na ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni sir jek sa akin.
"Mahal mo din ba ako?" Tanong niya habang hinahaplos nito ang pisngi ko.
Matagal bago ako sumagot sa tanong niya dahil nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya.
Nalilito ako kung ano ba dapat ang pairalin ko. Kung ang utak ko ba o ang puso ko?
Oo, mahal ko si sir jek dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko, sa ilang araw na kasama ko si sir jek ay alam kong unti unti na akong nahuhulog sa kanya.
Pero iba ang sinasabi ng utak ko dahil natatakot ako sa kaisipan na kapag sinasabi ko kay sir jek na mahal ko ito ay baka iwan lang ako nito bandang dulo. Na kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya ay baka sa huli ay hindi niya ako kayang ipaglaban.
BINABASA MO ANG
Hiding My Son's [BXB] [MPREG]
Storie d'amore"Wala kang karapatan sa mga bata dahil unang una pa lang itinakwil mo na ako. Nasaan ka nung mga panahon na naghihirap ako? Nasaan ka nung mga panahon na kailangan kita? Wala, wala ka sa tabi ko dahil mas pinili mo pa yung babae na yun kesa sa akin...