THIRD PERSON POV
"Lola bakit nyo po ako pinatawag?" Saad ni noah ng makapasok siya sa loob ng opisina ng kaniyang lola na si Therese.
Pinatawag kasi siya ng kaniyang lola dahil may nais itong sabihin sa kaniya.
Pinaupo siya ng kaniyang lola sa upuan na nasa harapan ng lamesa niti at tumayo naman ang ginang para kuhanin ang isang brown envelope.
Nang makuha na ng ginang ay inilapag ni Therese ang brown envelope sa harap ni Noah at nakita niyang napakunot ang noo ng kaniyang apo.
"Ano po ito lola?" Takang tanong ni noah sa kanyang lola.
"Brown envelope apo," pamimilosopo ng kaniyang lola kaya napanguso na lamang si Noah.
"Alam ko naman na brown envelope yan lola, ang ibig ko pong sabihin ay anong meron diyan?" Sambit ni noah dito na siyang ikinatawa ng matanda.
"Buksan mo." Sabi ni Therese at dahan dahang umupo sa swivel chair nito.
"Jekerson Villanovan?" Pagbabasa ni Noah sa pangalang nandoon sa loob ng brown envelope.
"Gusto kong magtrabaho ka sa company nito bilang secretary niya. Nabalitaan ko kasi na unti unti ng bumabagsak ito dahil nagaalisan ang mga shareholders nito sa company. Mahalaga ang company na ito sa kanya apo, lalong lalo na sa akin," sambit ng ginang kay noah kaya napatango tango nalamang siya.
"Sige lola tatanggapin ko ito." Sabi ni noah kaya natuwa naman ang kaniyang lola.
"May meeting akong ginawa sa aking company at gusto ko na ikaw ang umatend. Since ikaw ang susunod na magiging CEO nun ay kailangan mong magpakilala sa kanila. Nandoon din lahat ang shareholders ng company ni Jekerson at gusto kong kausapin mo sila na huwag umaalis sa company nito."
Katulad nga ng sinabi ng kaniyang lola therese ay pumunta siya sa company na pagmamayari ng kanyang lola. Gustuhin man niyang hindi umaatend ay wala siyang magagawa dahil siya ang susunod na magiging CEO ng company na iyon.
Tumagal lang ng isang oras ang meeting na iyon at natuwa si Noah dahil napagpasyahan ng mga shareholders ng company ni Jekerson na hindi umalis at mas lalo pa siyang natuwa ng maraming gustong maginvest dito.
Binalita niya kaagad ito sa kanyang lola at sobra itong natuwa.
"Hindi nga ako nagkamali ng pagpili sayo apo," nakangiting pagpuri ng lola nito.
"Bukas ang simula mo sa pagtratrabaho bilang secretary ni Jekerson, sinabi ko na din ito sa mga magulang mo, basta magpaalam ka lang sa kanila na magtratrabaho ka, pero wag mong sasabihin kaagad na kay jekerson ka magtratrabaho," paliwanag ng kaniyang lola dito na siyang ikinatango niya.
NOAH POV
Lumipas ang dalawang linggo at naging mabuti naman ang pagsasama namin ni Jekerson. Nagpropose din ito sa akin at hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin iyon.Pero may kakaiba akong nakikita dito. Nagsimula iyon last week ng kausapin siya ng tatay niya.
Hindi ko na tinanong pa kung ano ang pinagusapan nila dahil alam kong privacy na nila iyon pero sa loob ng isang linggo na iyon ay nakikita ko itong nakatulala minsan at kapag tinatanong ko sa kanya kung may problema ba ay sinasabi niya na walang problema.
Medyo nababahala na din ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay may mali pero isinawalang bahala ko nalang iyon dahil alam kong may tiwala ako kay jekerson.
BINABASA MO ANG
Hiding My Son's [BXB] [MPREG]
Romance"Wala kang karapatan sa mga bata dahil unang una pa lang itinakwil mo na ako. Nasaan ka nung mga panahon na naghihirap ako? Nasaan ka nung mga panahon na kailangan kita? Wala, wala ka sa tabi ko dahil mas pinili mo pa yung babae na yun kesa sa akin...