PROLOGUE

1.2K 68 2
                                    

"Mommy look we got three star's." Nakangiting sabi ng anak kong panganay sa akin at pinakita ang mga star na nasa kamay niya. Ganun din ang ginawa ng aking bunsong anak.

Pagka uwi na pagka uwi nila galing sa school ay ito kaagad ang pinakita nila sa akin.

Nagpuppy eyes naman ang mga ito kaya napangiti na lamang ako dahil alam ko na ang gusto ng mga ito.

"Oh siya sige kumuha na kayo ng chocolate doon sa ref." Sabi ko at halos magtatalon ang mga ito sa tuwa at dali dali silang pumunta sa kusina.

Mateo Blue Dela Mercid ang aking panganay na anak at limang taon na ito. Kahit na limang taon na ito ay masasabi kong nagmana ang kakulitan nito sa akin pero ang appearance nito ay kamukhang kamukha ng tatay nila. Tanging ilong at mata lang ang nakuha nito sa akin.

Calvin Dela Mercid ang aking bunsong anak na masasabi kong parang 2.0 ng tatay nila. Wala itong kahit na anong nakuha sa akin, maging ang paguugali ng ama nila ay kuhang kuha niya. Seryosong bata si Calvin at hindi pala salita pero kapag ako ang kaharap ay sobrang daldal. Kung makulit si Mateo ay mas makulit ito kapag kami kami lang ang magkakasama.

Sa limang taon kong kasama sila ay wala akong naging balita sa ama nila. Simula ng mangyari iyon ay pinutol ko na ang koneksyon naming dalawa. Napagkalayo-layo ako yung hindi niya makikita kung nasaan kami ng anak niya.

Noong una ay hindi ko alam na may anak pala sa sinapupunan ko noon, nalaman ko lang ito ng ilang araw na akong nagsusuka at sumasakit ang ulo. Dahil hindi na ako natiis ng aking magulang ay pumunta na kami sa isang hospital at doon na nalaman na buntis pala ako.

Naging mahirap sa akin ang pagbubuntis lalo pa at muntik ng malalag ang anak ko dahil sa stress. Ilang araw akong tulala dahil nagbunga pala ang pagtatalik naming dalawa. Gusto ko siyang lapitan at sabihin na buntis ako pero mas pinili ko nalamang na huwag sabihin dahil alam kong ipagtatabuyan niya lang ako.

Naramdaman ko naman na may tumulo sa aking pisngi at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Kahit pala limang taon na ang lumipas ay masakit parin pala kapag naiisip mo ang nakaraan.

Pagpasok ko sa loob ng kusina ay nakita kong kumakain parin sila at halos magkalat na sa mukha nila ang chocolate. Lumapit ako sa kanila at pinunasan ang mga dumi sa mukha nila.

"Mga anak, dahan dahan lang sa pagkain ng chocolate. Look ang dumi dumi nyo na." Sabi ko habang pinupunasan ang mukha nila gamit ang baby wipes.

"Sorry po mommy." Nakayukong sabi ni Mateo.

"No, it's okay basta sa susunod dahan dahan lang sa pagkain ng chocolate, hmm." Tumango naman silang dalawa.

Bigla namang may nag door bell kaya iniwan ko muna ang mga anak ko sa kusina at binuksan ang pintuan.

Halos matigilan ako sa aking kinatatayuan ng mabuksan ko na ang pinto. Paano niya nalaman kung saan kami nakatira?

"Mommy sila lola po bayan?" Dinig kong sabi ni Calvin na nasa likod ko.

Nakita ko naman na napadako ang mga mata ng lalaking nasa harap ko kay Calvin at kitang kita ko ang emosyong nabubuo doon.

No, hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon, hindi pa ako handa na magkita sila.

"Calvin, pumasok kayo sa kwarto nyo." Utos ko sa aking anak na nakatingin din pala sa kaniya.

"Bakit po kamukha ko siya mommy?" Tanong nito at tumingin sa akin. Napapikit naman ako ng marahan.

"Pumunta na kayo sa kwarto nyo." Utos ko ulit dito at sinunod naman nito kaagad.

Napalingon naman ako sa lalaking ayaw na ayaw ko ng makita pang muli.

"Anong kailangan mo dito?" Walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Bakit mo itinatago ang anak natin."

Napatawa naman ako dahil sa sinabi nitong anak natin. "Anak? Wala kang anak dito, Jekerson."

"Alam kong galing sa akin ang batang iyon, Noah." Natawa akong muli dahil sa sinabi nito.

"Kung nandito ka lang rin naman para manggulo ay makaka alis kana, inuulit ko wala kang anak dito Jekerson." Sabi ko at malakas na isinarado ang pintuan.

Narinig ko naman na kumakatok siya pero tumalikod na ako doon at pumunta sa kwarto ng mga anak ko.

Kung nandito siya para kunin ang mga anak ko, hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang mga anak ko.

Hiding My Son's [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon