SOMEONE POV
"Ma'am, nandito na po siya," dinig kong sabi ng aking katulong kaya sumenyas ako sa kanya na papasukin ito.
Pagpasok niya ay hindi ako nagdalawang isip na sampalin ito sa mukha dahil sa galit na nararamdaman ko. Alam kong dapat hindi ako nakikialam dito pero ayokong tumahimik lang sa isang tabi habang pinapanood na nahihirapan ang anak nito.
"Ano nanaman ginawa mo Rico!" Galit na sigaw ko dito.
"Hindi kana na naawa sa anak mo!" Dugtong ko pang sabi sa kanya.
"M-Mom magpapaliwang ako." Kinakabahan nitong sabi sa akin pero sinampal ko lang ito ng napakalakas.
"Paliwanag!? Anong paliwanag nanaman ba ang sasabihin mo sa akin ha!? Rico, maawa ka naman sa anak mo hindi mo alam kung paano siya nahihirapan sa sitwasyon na ito ngayon."
Napahawak ako sa aking dibdib dahil medyo nahihirapan na akong huminga. Napapikit ako ng mariin at huminga ng dahan dahan.
"Masaya kana ba sa naging desisyon mo rico ha?" Mahinahon kong sabi habang mariin na nakatingin sa kaniya.
"Tandaan mo ito, oras na malaman ni Jekerson ang totoo ihanda mo ang sarili mo na kamuhian ka niya,"
NOAH POV
"Mommy, pwede tayo puntang mall," biglang sabi ng anak kong si Mateo sa gilid ko kaya binitawan ko muna ang sponge na hawak ko at pinunasan ang kamay ko sa damit ko.
Naghuhugas kasi ako ngayon ng piggan dahil kakatapos lang namin mag agahan, hindi ako pumasok sa trabaho ko ngayon dahil sunday.
"Why baby?" Tanong ko sa aking anak habang nakaluhod at inaayos ang buhok nitong magulo.
"Nasira po kasi ni Calvin yung car ko," sabay pakita nito sa car niya na sira sira.
"Sure baby, bibili tayo diyan sa malapit na mall," nakangiting sabi ko dito at natuwa naman ito kaya dali dali siyang umalis para magbihis.
Sinabi ko din dito na tawagin ang kapatid niya para makausap ko ito. Pakaraan ng ilang minuto ay bumaba na si Calvin habang may libro itong binabasa.
Napansin kong tungkol sa math ang binaba nito kaya napabuntong hininga ako. Minsan ay hindi ko alam kung sino ba talaga ang panganay sa kanilang dalawa.
Parehas lang sila ng edad ni Mateo pero dahil naunang nilabas si Mateo sa tiyan ko ay siya ang panganay ko. Si Calvin kasi ay medyo nahirapan silang ilabas sa tiyan ko at inabot ng tatlong oras.
"Why mommy?" Tanong ni Calvin pero nakatutok parin ito sa librong binabasa niya na tungkol sa math.
"Nasira mo daw ang laruan ng kapatid mo," sabi ko at nakita ko naman na sinarado niya ang librong binabasa at ngumuso sa akin.
"Hindi ko naman sinasadya na masira iyon mom, nabitawan ko kasi iyon ng hiramin ko sakanya," Paliwanag niya sa akin at ngumuso ulit.
Lumapit naman ako sa kanya at kinurot ang magkabilaang pisngi niya dahil ang cute niyang ngumuso.
Naalala ko tuloy si je— tsk!
"Mommy masakit," daing ni Calvin kaya tinigil ko na ang ginagawa ko at hinimas ang ulo nito.
"Pupunta tayo sa mall ngayon kaya magbihis kana, nagbibihis nadin ngayon ang kapatid mo," nakangiting sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
Hiding My Son's [BXB] [MPREG]
Romance"Wala kang karapatan sa mga bata dahil unang una pa lang itinakwil mo na ako. Nasaan ka nung mga panahon na naghihirap ako? Nasaan ka nung mga panahon na kailangan kita? Wala, wala ka sa tabi ko dahil mas pinili mo pa yung babae na yun kesa sa akin...