CHAPTER 2

835 41 6
                                    

NOAH POV

Napahawak ako sa aking batok ng matapos ko na ang aking ginagawa sa laptop. Kinuha ko ang USB na nakasalpak doon at inilagay ko sa aking bag. Nag inat inat muna ako ng katawan bago ako tumayo at iniligpit ang mga ginamit ko.

Tiningnan ko sa aking relo kung anong oras na at 11:50 na pala ng tanghali. Ang usapan namin kanina ni Manager Aiden ay dapat 12:00 o' clock nasa parking lot na.

Nang natapos ko ng maligpit ang pinag gamitan ko ay pumasok ako sa opisina ni Sir Jek para magpaalam na maglulunch na ako.

Kailangan kong magpaalam sa kanya dahil kahit tanghali na ay may inuutos ito sa akin. Kami lang kasing dalawa ang nandito sa 9th floor at hindi naman palaging lumabas si sir jek sa office niya pero minsan lumalabas naman siya, kapag importante nga lang ang pupuntahan.

Nang nakapasok na ako sa loob ay nakita ko naman na abala ito sa pagpirma ng mga papeles na nasa lamesa niya.

"Sir Jek, kakain lang po ako sa labas." Pagpapaalam ko dito kaya dahan dahan nitong itinaas ang ulo niya.

Hindi ko alam pero kapag sa tuwing nakikipagtitigan sa akin si Sir Jek ay naiilang ako. Para kasing kakainin ako ng buhay dahil sa uri ng pagtitig niya sa akin.

"Sinong kasama mo?" Tanong nito.

"Si Manager Aiden po." Sagot ko at nakita ko naman na napakunot siya ng noo.

"Don't go with him." Walang gana nitong sabi at sinimulan na ulit ang ginagawa nito.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi nito.

"Pero s—" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"May pupuntahan tayo, hintayin mo ako sa labas." Seryosong sabi nito kaya napabuntong hininga na lamang ako at lumabas ng opisina niya.

Tiningnan ko ang relo ko at 11:56 na pala. Hindi ko naman matext si Manager Aiden na hindi ako makakasabay sa kanya dahil wala akong number niya.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at lumabas na si Sir Jek sa opisina niya at naglakad na papunta sa elevator. Sumunod naman ako sa kanya.

Pagkababa namin sa ground floor ay dumeretso kami sa parking lot kung saan naka pwesto ang sasakyan nitong BMW.

Habang naglalakad kami ay may nakakasalubong kaming mga empleyado at binabati ng good after si Sir Jek pero hindi sila pinapansin nito at deretso lang ang lakad.

Pagkarating naman sa sasakyan niya at sumakay naman siya sa driver seat habang ako naman ay inililibot pa ang paningin sa buong parking lot dahil baka mahanap ko si Manager Aiden dito.

At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ito sa isang gilid. Kumaway ako dito at mabuti nalang ay napansin niya ako kaya lumapit siya sa akin.

"Tara na?" Nakangiting sabi nito ng nakalapit na siya sa akin.

"Naku, Manager Aiden pasensya na pero mukhang hindi ako makakasabay sayo, may pupuntahan daw kasi si Sir Jek."

Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa labi niya kaya nakonsensya naman ako doon. Kung alam ko lang na may pupuntahan pala kami ni Sir Jek ay sana hindi nalang ako pumayag kanina sa alok nitong sabay kaming mag lunch. Panigurado ay kanina pa siya naghihintay sa akin.

Magsasalita pa lang sana si Manager Aiden ay bigla naman may bumusina ng napaka lakas kaya napatalon ako sa gulat.

"Ano makikipagdaldalan ka lang diyan Roan," masungit na sabi ni Sir Jek napatingin ako dito at nasa labas na pala ito ng kotse niya.

"Pasensya na po Sir Jek, sinabi ko lang po kay Manager Aiden na hindi ako makakasabay sa kaniya."

"Tsk! Pumasok kana sa loob kanina pa ako nagugutom."

Pagpasok ulit ni Sir Jek sa loob ng kotse niya ay nilingon ko naman si Manager Aiden.

"Sige alis na kami Manager Aiden, bawi nalang ako next time." Sabi ko dito at ngumiti.

"Aasahan ko yan Roan ah." Nakangiting sabi niya at kumaway sa akin.

Kumaway naman din ako dito at pumasok na sa loob ng kotse ni Sir Jek. Sa passenger seat ako umupo dahil kung sa likod ako uupo ay baka masungitan nanaman niya ako.

Dinaig pa ang babaeng may regla dahil sa kasungitan niya!

Inayos ko na ang seat belt ko dahil pinaandar na niya ang kotse niya pero bweset lang dahil hindi ko pala alam kung paano mag seat belt. Napaka simple na nga lang nito pero hindi ko talaga alam kung paano ikabit letse nayan.

Dahil sa inis ko ay hindi ko na nilagay ang seat belt ko. Bahala na, siguro naman ay hindi kami mababangga.

"Tsk!" Dinig kong sabi ng katabi ko at nagulat naman ako dahil sa ginawa nito.

Lumapit siya sa akin at siya mismo ang naglagay ng seat belt ko. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin at amoy na amoy ko na siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo ay nakikipag karerahan.

"Ang tandang tanda na pero hindi parin marunong magsuot ng seat belt." Dinig kong sabi niya kaya napairap naman ako ng palihim.

Akala ko ay lalayo na siya kaagad sa akin ng mailagay na niya ang seat belt ko pero nang palayo na ito ay lumingon siya sa akin kaya ang ending ay magkaharap kami at halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Amoy na amoy ko na din ang hininga nitong amoy mint.

Nakita kong napadako ang tingin nito sa mga labi ko at dahan dahan itong lumunok.

"S-Sir." Ang nasabi ko nalang at nakahinga naman ako ng maluwag dahil lumayo na si Sir Jek sa akin.

Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan at ako naman ay tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse. Buong byahe ay sa nasa labas ang aking tingin.

Nang tumigil sa isang mall ang sasakyan ni Sir Jek ay sinubukan kong tanggalin ang seat belt ko at mabuti nalang ay natanggal ko.

"Where do you want to eat?" Tanong ni Sir Jek sa akin habang naglalakad kami papasok sa loob ng mall.

"Kayo pong bahala Sir Jek." Sagot ko nalang dito dahil wala akong maisip kung saan ba kami kakain.

"Tsk! Nagtanong pa ako kung ako lang din pala ang bahala." Inis na sabi nito kaya napairap na lamang ako ng palihim. Minsan ang sarap niyang batukan, kung pwede lang. Pasalamat siya at boss ko ito kung hindi ay baka kanina ko pa siya sinagot sagot.

Pumunta kami sa isang restaurant at doon kami kumain. Kaunti lang ang inorder namin dahil dalawa lang naman kami kakain. Siya na din ang nagbayad dahil libre niya na daw iyon sa akin, pero ikakaltas niya daw ang inorder ko sa sweldo ko. Kaya halos murahin ko siya sa utak ko.

Akala ko ay makakalibre na ako, hindi pala. Mas mabuti nalang atang sumama na lang ako kay Manager Aiden.

Habang kumakain kami ay napansin kong hindi man lang nangalahati ang nasa pinggan niya. Hindi ko alam kung may problema ba sa pagkain niya o baka naman ayaw niya sa inorder niya.

Ganyan din siya nung second day ko sa trabaho ng magpakuha ito ng pagkain sa akin sa labas. Madami siyang pinabili sa akin pero ang ending ay ako lahat ang umubos nun dahil kaunti lang ang kinain niya.

"Sir?" Pagtawag ko ng atensyon dito kaya napatingin ito sa akin.

"May problema po ba sa pagkain nyo? Hindi nyo man lang po kasi nakakalahati yang inorder nyo?" Tanong ko sa kanya at tinuro ang pagkaing nasa plato niya.

"Wala, just don't mind me." Sabi nito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy nalang din ang pagkain ko.

"Magdahan dahan ka nga sa pagkain mo roan." Biglang sabi ni sir jek kaya tumingin ako dito na puno ang bibig ko ng pagkain. Gutom na gutom na kasi ako kaya hindi ko na napigilan na sumubo ng sumubo ng pagkain.

Nakita ko naman na ngumiti siya pero ng pumikit ako ay bigla naman bumalik sa pagiging seryosong ang mukha niya. Namalikmata lang ba ako? O nakita ko talagang ngumiti ang masungit kong boss?

Hiding My Son's [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon