CHAPTER 5

623 40 4
                                    

NOAH POV



Pinagmamasdan ko lang si sir jek habang kumakain ito na parang ilang taon na hindi kumain. Sabagay sinabi niya lang kanina na ngayon lang siya nagkaroon ng panlasa hindi ko man alam sa pakiramdam kung gaano kahirap ang walang nalalasahan pero sa tingin ko ay mahirap.

Napadako ang aking tingin sa isang kaldero na naglalaman ng kanin at halos wala na itong laman ganun din ang adobong niluto ko.

Maya maya lang ay natapos ng kumain si sir jek kaya niligpit ko na ang pinagkainan nito. Tinulungan naman ako nito sa pagliligpit at paghuhugas ng pinggan. Ako ang nagsasabon habang siya ang naghuhugas at nilalagay sa lagayan ng mga plato.

"Roan." Pagtawag nito sa akin.

"Bakit po sir?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya dahil abala ako sa pagsasabon ng mga pinggan.

"Thank you." Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa sinabi nito at tumingin sa kanya. Nagtama naman ang aming mga mata at kitang kita ko sa kulay asul niyang mata na masaya ito.

"Bakit naman po kayo nagpapasalamat sir?" Takang tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung saan ito nagpapasalamat.

"Sa 30 years na pamumuhay ko sa mundong ito ay ngayon lang ako nagkaroon ng panlasa dahil sa luto mo kaya nagpapasalamat ako." Nakangiting sabi nito kaya halos bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at sinimulan na ulit na sabunan ang mga plato.

"Walang anuman po sir jek, akala ko nga po ay hindi nyo magugustuhan ang niluto ko."

"Sobra kong nagustuhan kaya napaisip ako na kung pwede ay dito ka nalang tumira sa condo ko para malutuan mo ako, maluwag naman itong condo ko kaya pwede tayong dalawa dito."

Nagulat ako dahil sa sinabi nito kaya napatingin ako ulit sa kanya.

"Po?"

"Ayaw mo ba? Sayang naman kung hindi mo tatanggapin, tsaka hindi mo na proproblemahin ang upa mo sa apartment na tinutuluyan mo dahil kung dito ka titira ay libre lang lahat basta paglutuan mo lang ako." Sabi nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

Sabagay pwede din dahil makakalibre ako ng upa at maiipon ko pa ang pera na pinaghihirapan ko pakiramdam ko kasi ay parang may paggagamitan ako dito sa perang pinagiipunan ko in the future. Tsaka okay nadin sa akin yun na paglutuan siya dahil hindi naman mahirap ang gawain naiyon.

"Ano papayag ka?" Tanong nito kaya tumango nalang ako. Siguro naman ay magiging maayos ang pagtira ko dito kahit na tatlong buwan lang ako mamalagi dito.

Pagkatapos naming maghugas ay pumunta kami kwarto niya para linisin ito. Sinabi niya din na tutulungan ako nito sa paglilinis ng kwarto niya.

Dahil isa lang ang kwarto ni Sir Jek ay pinagusapan pa namin kung saan ako matutulog. Sinabi ko sa kanya na doon nalang ako sa sofa na nasa sala pero hindi ito pumayag dahil malamig daw doon at baka lamukin lang ako doon.

Sa huli ay sinabi niya nalang na tabi nalang daw kami matutulog sa kama niya. Malaki naman iyon kaya kasya kaming dalawa.

"Sir?" Pagtawag ko sa kanya habang nakahiga kaming dalawa sa kama. Kakatapos lang naming malinis ng buong kwarto niya at dahil sa pagod ay humiga muna kami.

"Why?" Dinig kong sabi niya.

"May asawa na po ba kayo?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko iyon sa kanya.

"Wala pa ako nagiging asawa pero soon siguro..." Sabi niya at bigla nalang tumingin sa akin.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at humarap sa kanya.

Hiding My Son's [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon