NOAH POV
Lumipas ang isang linggo at sa loob ng isang linggo na iyon ay napapansin ko ang pagbabago ng ugali ni sir jek.
Kung dati ay masungit ito kapag nagtratrabaho, ngayon ay nakangiti na siya. Nagtataka na din nga yung ibang nagtratrabaho doon na kapag may palpak silang nagagawa ay hindi na sila sinisigawan nito.
Nagtanong din sa akin ang chismosang si Yuan kung bakit nag iba ang ugali ni sir jek. Sinabi ko nalang sa kanya na hindi ko alam dahil wala naman talaga akong alam kung bakit naging ganun iyon.
Nagmulat ako ng aking mata ng may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil bumungad ang pagmumukha ni sir jek sa harapan ko habang may ngiti sa labi nito.
Isang linggo na din siyang ganito sa akin kapag gumigising kaming dalawa.
"Good morning." Bati nito sa akin kaya ngumiti nalang ako pabalik.
"Good morning too." Sabi ko at tatayo na sana ng pigilan ako nito kaya napataas ang isang kilay ko at tumingin sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi ito sumagot pero tinuro nito ang pisngi niya at alam ko na kung anong gusto nito.
"Kailangan pa ba yan?" Takang tanong ko sa kanya at tumango naman siya kaya hinalikan ko nalang ito.
"Happy?" Mataray na sabi ko at tatayo sana ng pigilan nanaman niya ako kaya inis na akong humarap sa kanya.
"Ano nanaman kailangan mo, umagang umaga." Inis na sabi ko dito pero ngumiti lang siya sa akin at bigla nitong hinalikan ang pisngi ko.
"Remember the dare last night?" Sabi ni sir at ngumisi ng nakakaloko.
Naglaro kasi kaming dalawa ng truth or dare kagabi at naging masaya naman pero nung tumagal na ay iba na ang pinaggagawa nito sa akin. Kapag dare ang napipili ko aba ang bweset pinapahawak ba naman ang katawan niya sa akin. Kapag truth naman ang pinipili ko ay pinapalagay nito ang isang kamay ko sa isang lie dector, kailangan daw iyon para malaman kung may nagsisinungaling sa aming dalawa kapag truth ang pinipili.
At dahil ayaw ko naman mabuking kapag may natanong siyang kakaiba ay dare lagi ang pinipili ko. Mas okay na iyon kesa naman may malaman siyang about sa akin.
Dahil nabwebweset na ako sa ginagawa niya ay sinabi ko nalang na last game nalang dahil ayoko ko na pero kamasmalasan pa dahil ako ang huli.
Pinili ko nalang ang dare dahil kakapili ko lang ang truth at ang loko bigla nalang ngumiti ng kakaiba.
"Magpanggap tayo bukas na mag asawa." Dare nito sa akin.
Nagulat naman ako dahil sa dare nito sa akin. Aayawan ko sana pero may kapalit kasi kapag hindi ko sinunod.
Ang kapalit lang naman kasi ay hahalikan niya ako sa labi ko at dahil ayoko ko namang gawin iyon ay tinanggap ko nalang ang dare nito.
"Ano naman?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Hindi ba ito napapagod kakangiti?
"Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may asawa ka, magpakasal na kaya tayo." Sabi nito na siyang ikanagulat ko.
"Sir!"
"Just kidding!" Sabi niya at natawa naman siya dahil sa biro nito pero ako ay hindi natuwa dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nandito kami ngayon sa kusina at pinaghahandaan siya ng almusal. Dahil DAW magasawa kami ngayon ay kailangan ko DAW siyang paghandaan ng almusal dahil iyon DAW ang ginagawa ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Hiding My Son's [BXB] [MPREG]
Roman d'amour"Wala kang karapatan sa mga bata dahil unang una pa lang itinakwil mo na ako. Nasaan ka nung mga panahon na naghihirap ako? Nasaan ka nung mga panahon na kailangan kita? Wala, wala ka sa tabi ko dahil mas pinili mo pa yung babae na yun kesa sa akin...