CHAPTER 4

664 44 5
                                    

NOAH POV



Nagising ako sa aking malalim na pagkakatulog ng may narinig akong tunog ng isang cellphone sa gilid ng aking kama. Kinuha ko naman ito at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay si dad lang pala.

"Hellow dad napatawag po kayo." Sagot ko sa tawag ni dad at dahan dahang tumayo.

"Nabalitaan ko na kay Jekerson Villanovan ka nagtratrabaho anak. Ayos lang ba ang pagtratrabaho mo doon? Maayos ba ang pakikitungo ni Jekerson sayo? Pinahihirapan kaba niya?" Sunod sunod na tanong nito sa kabilang linya.

Hind ko alam kung paano nalaman ni Dad na kay Jekerson ako nagtratrabaho. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang tungkol doon.

"Sabihin mo lang sa akin anak kapag sinaktan o pinahirapan ka niya, hindi ako magdadalawang isip na ibagsak ko ang kompanya niya."

Napabuntong hininga nalamang ako dahil sa sinabi ni dad. "Dad, nagiging OA nanaman kayo. Ayos lang naman po ako kaya wag na kayong magaalala diyan."

Lumabas naman ako sa aking kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas.

"Anak, hindi mo naman iyon maiiwasan na hindi kami magaalala sayo dahil ikaw lang ang malayo sa amin, oo pumayag kami sa gusto mo dahil hindi kami makakatanggi sayo. Pero paano kung nandiyan ang kaaway ng pamilya natin at kunin ka. Anak, alam mo naman na hindi ako magdadalawang isip na isuko ang yaman natin para lang sa kaligtasan mo."

"Dad, wag nyo nga sabihin yan kaya ko ang sarili ko. Tsaka kaunti lang naman ang may nakakaalam na may isa pa kayong anak diba. Ang alam ng nakakarami ay sina Luke at Genesis lang ang anak nyo dahil sila lang ang madalas na kasama nyo sa company."

Bilang lang ang nakakaalam na may isa pang anak ang pamilyang Dela Mercid na tanging kami kami lang din ang may alam. Simula bata palang ako ay sina lola at lolo ang nagalaga sa akin. Wala kasing magaalaga sa akin nung mga panahon na iyon dahil abala kasi ang aking mga kapatid at magulang sa pagpapatakbo ng company namin dahil nagkaroon ito ng malaking problema.

Hindi naman nila ako maiwan sa mga yaya namin dahil ang mga yaya namin ay takot sa akin. Dahil hindi ako makalabas ng bahay ay ang mga yaya namin ang pinagtritripan ko.

Kaya pinaalaga nalang ako nila mom at ni dad kaila lola. Five years old palang ako nun habang ang aking mga kapatid na sina Luke at Genesis ay twenty years old na. Nabalik lang ako sa puder ng aking magulang nung 18 years old na ako.

Madami pang sinabi si dad sa akin na paalala at tanging oo lang ang nasasagot ko sa kanya. Kung sakali mang kunin ako ng mga kaaway ng aming pamilya ay paniguradong kalansay na kinabukasan ang mga bangkay nila. Hindi ako tinuruan ng aking lolo na makipaglaban sa wala.

Ang pamilyang Dellava ang matinding kaaway ng aming pamilya dahil gusto ng mga ito na ipabagsak kami at kunin ang yaman namin. Sanggol palang ako ay magkakaaway na sila pero ni isa ay hindi sila nagwagi na ipabagsak ang pamilya namin.

Pagpatak ng alasyete ng umaga ay umalis na ako ng apartment ko dahil pupunta na ako sa condo ni Sir Jek para maglinis. Ang tanging suot ko lang ngayon ay isang Blue na tshirt at short habang ang pangdisguise na ginagamit ko sa aking mukha ay isang salamin lang na may kaunting grado. Hindi ko alam kung magiging effective ito na pangdisguise ko pero mukha naman dahil hindi nila ako nakilala.

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang condo ni sir jek dahil malapit lang pala ito sa company niya.

Nang nasa tapat na ako ng condo ni Sir Jek ay nilagay ko na ang passcode na binigay niya sa akin kagabi.

Pagpasok ko palang sa loob ng condo niya ay halos magulat ako dahil parang dinaan ng isang bagyo ang loob. Ang dami kalat ng mga plastic at mga lata ng beer. Maging ang mga damit nito na pinaghubadan niya ay kung saan saan lang nakalapag.

Napakaburara naman ng taong ito.

Pumunta ako sa kusina at ganun din ang itsura. Punong puno ng hugasin ang lababo niya at yung mga pinamili niya kahapon ay nasa gilid lang ng lamesa.

Sunod kong pinuntahan ay ang kwarto ni Sir Jek at nakita ko itong natutulog sa kama niya. Pinagmasdan ko naman ang loob ng kwarto niya at ganun din ang daming kalat.

Condominium paba ang tawag dito?

Nakakatulog paba siya sa lagay na ito?

Naginat inat muna ako ng katawan dahil alam kong matatagalan ako sa paglilinis ng condo niya. Medyo may kalakihan kasi ang condo ni Sir Jek na kung ikukumpara sa apartment na tinutuluyan ko ay doble ang laki nito doon.

Una kong sinimulan na linisin ay ang sala niya. Pinagkukuha ko ang mga plastic ng chichirya at lata ng beer na naka kalat at inilagay sa isang plastic. Sunod na pinulot ko ay ang mga damit at nilagay sa isang tray.

Pagkalipas ng isa't kalahating oras ay natapos na akong maglinis ng sala at kusina ni Sir Jek, nilinis ko na din ang veranda nito at CR niya dahil hanggang doon at may kalat din.

Sa loob ng CR niya ay ang daming kalat ng tissue na parang may sipon na naka kabit doon tapos amoy zonrox pa. Nung una ay nagtaka ako dahil wala namang sipon si sir jek pero isinawalang bahala ko nalang yun at nilinis nalang ang loob ng CR niya.

Ngayon ay nagluluto ako ng adobong manok. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising si Sir Jek siguro ay nagtrabaho pa ito kagabi. Kahit na isang linggo pa lang ako kay Sir jek ay napapansin kong napaka workaholic nito.

"Nandito ka na pala." Napatingin ako sa aking likod at nakita kong si Sir Jek lang pala ito habang kinukusot ang mata. Tanging boxer short lang na kulay itim ang suot nito kaya kitang kita ko nanaman ang katawan nito. Kahit na 30 years old na itong si Sir Jek ay sobrang ganda parin ng katawan nito.

"Good morning po sir jek." Nakagiting pambati ko dito at tanging tango lang ang ginawa nito sa akin at pumunta sa ref.

"What time did you come here?" Tanong ni sir jek at uminom ng tubig.

"Alasyete po sir jek." Sagot ko at pinatay na ang kalang dahil tapos na ako sa pagluluto.

"Pagpasensyahan mo na kung sobrang dami ng kalat ang nadatnan mo kanina, pumunta kasi dito ang mga kaibigan ko kagabi at dito naginuman."

Kaya pala sobrang dami ng lata ng beer kanina.

"Okay lang po yun sir jek hindi naman po ako nahirapan sa paglilinis." Sabi ko nalang sa kanya.

"Pasensiya na po pala kung pinakialam ko na po ang gamit nyo sa kusina, gustuhin ko man pong maglinis kanina sa kwarto nyo ay hindi ko nalang po tinuloy dahil sobrang sarap po kasi ng tulog nyo at baka maistorbo ko kayo kaya nagluto nalang po ako ng adobong manok." Dugtong pa na sabi ko dito.

Lumapit naman si sir jek sa akin at kumuha ng isang kutsara sa lalagyanan ng plato. Tinikman naman nito ang adobong niluto ko. Akala ko ay hindi niya nagustuhan pero nakita kong nanlaki ang mata niya.

"Roan, anong nilagay mo sa adobo? Bakit nalalasahan ko?" Tanong niya at tumingin sa akin kaya nagtaka ako dahil sa tanong niya.

"Kung ano po ang sangkap ng adobong manok ay ayun po ang nilagay ko." Sagot ko sa tanong niya pero hindi niya iyon pinansin at pumunta sa ref at binuksan ito. May kinuha naman siya doon na isang tupperware at binuksan ito. Tinikman niya yung pagkain na nasa loob nung tupperware at tinikman din niya yung niluto kong adobo.

Napakunot ang aking noo dahil sa ginagawa niya.

"Sir?" Pagtawag ko sa atensyon kaya tumingin ito sa akin at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at ngumiti sa akin.

Naramdaman ko naman na biglang bumilis ang tibok ko dahil sa ngiting pinakita sa akin ni sir jek. Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Normal pa ba ito?

"Bakit nagkaroon ako ng panlasa kapag yung niluto mo ang tinikman ko? This is the first time na may nalasahan ako sa isang pagkain!" Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Mukha naman napansin ni sir jek na naguguluhan ako sa sinasabi niya kaya napabuntong hininga muna ito bago magsalita.

"I have ageusia, Roan." Maikli lang ang sinabi niya pero naintindihan ko na kung ano sinabi niya.

Ibig sabihin kaya pala kaunti lang ang kinakain ni Sir Jek ay dahil wala pala itong panlasa?


AN: Ageusia is the loss of sense of taste. This condition makes it difficult to detect tastes like sweet, sour, salty or bitter.

Hiding My Son's [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon