Chapter 2

1.2K 87 51
                                    

#war4wp

Chapter 2

Odd

“You were great today, Ida,” ani RJ, ang photographer ko para sa kasalukuyang minomodelong clothing brand. 

Uminom ako sa tumbler na dala at pinagmasdan ang mga nakuhanang litrato. Tumango ako nang makita ang magagandang shots. 

Lumayo na ako sa kumpulan ng staff at dumiretso na papunta sa mga gamit ko. 

“Ida, I heard you went on a date with Joaquin Salustiana the other day.” 

Nilingon ko ang co-model ko para sa brand na ito na si Darwin. He's an actor and a model at the same time. Sikat siya dahil nagiging supporting actor sa ilang sikat na mga palabas.

Pero sanay na akong makatrabaho ang ilang mga kilalang personalidad. Ever since I started accepting modeling gigs, nagsimula na rin akong makasalamuha ang ilang sikat na mga personalidad.

Ang bilis talagang kumalat ng balita. Maybe someone saw me at that cafe. 

Sanay na ako. Magmula nang unti-unti nang nakilala, marami nang mga mata ang nakatingin sa bawat galaw ko. It’s inevitable. 

Hindi ako sumagot at hinubad na ang soot na polo na minodelo. Darwin’s eyes fall on my black tube bra and I ignore the glint of interest in his eyes. I pick up a plain black oversized shirt and wear it. 

I tuck it inside the black trousers I am wearing and Darwin watches me the whole time.

Hindi na nakakagulat na alam niya rin ang tungkol sa naging date ko kay Joaquin. People see. People talk. 

Isa pa, Joaquin is a Salustiana. His family is influential too and Joaquin probably has many circles of friends. Maraming pwedeng dahilan kung bakit maging kay Darwin ay umabot ang balita. 

Whatever it is, I don't really have any interest in knowing.

“You told me you’re not interested in dating,” ani Darwin at binalingan ko na ang malapit na salamin para tingnan ang mukha. 

I fix the full bangs and I see the uninterested look in my eyes. The sharp upturned eyes look empty.

I look at Darwin. “I said that I am not interested in dating you, not in dating entirely.”

Darwin purses his lips. Nakita ko ang bahagyang pagdilim ng tingin niya. Kinuha ko na ang ibang gamit ko at handa nang umalis nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. 

I frown and I turn to look at him. 

“Bakit? Nagustuhan mo ang Joaquin na ‘yon?”

Disgusting.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko at humalukipkip ako sa harapan niya.

Dumating ang isa sa mga staff kaya natigilan ako at mukhang nahiya ito nang makita kami dahil bahagyang yumuko ito bago kinuha ang kailangang kunin sa mga gamit sa hindi kalayuan. 

I look at the staff, waiting for her to leave. Although I wouldn’t really care how this will damage Darwin’s career, I don’t want my name associated with him. 

Nang makaalis na ang staff, saka lang ako nagsalita. 

“It’s not your business so stick your nose out of it,” I tell him. 

“I asked you out first, Ida.”

Ipinilig ko ang ulo ko sa sinabi niya. “I remember telling you that I am not interested.”

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon