Chapter 3

1.1K 92 38
                                    

#war4wp

Chapter 3

Curiosity

Rolan talked most.

Kahit na mukhang gusto nga ni Boaz ang topic namin, hindi naman siya ang madalas na nagsalita dahil gustong-gusto rin ni Rolan ang pinag-uusapan.

But it's okay.

Nang maubos na namin ang mga kape, hindi pa rin matapos si Rolan sa ikinukwento niya kaya naman si Boaz na mismo ang nagsabing dapat na kaming umuwi.

Kikitain ko pa sina Jadon pagkatapos nito kaya sumang-ayon ako kaagad.

"Thank you pala sa libre, Ida," ani Rolan.

Kulang na lang, kuminang ang tala sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang maaliw.

"Sa susunod ulit—"

Siniko ni Boaz si Rolan kaya naman napatingin ito sa kaniya.

"Thank you," si Boaz, nakatingin na sa 'kin.

I nod. "See you around," tipid na pamamaalam ko bago ako tuluyang tumalikod para maglakad na palayo ro'n.

Pero agad akong natigilan nang tawagin ni Boaz ang pangalan ko.

"Mishal," he calls and something in my core shifts.

I turn around to look at him. Nakita kong malapit siya sa akin habang si Rolan naman, nanatili sa kinatatayuan nito kanina.

Ibinalik ko ang tingin kay Boaz at hinintay ang sasabihin niya.

"Kinausap ako ni Joaquin tungkol sa 'yo," aniya. He purses his lips and I stare, waiting for what he has to say. "Gusto niyang kausapin kita para sa pangalawang date niyo."

Tumaas ang isang kilay ko. "Hindi ako pumayag."

Tinitigan ako ni Boaz na para bang tinatantya niya ang reaksyon ko. "Baka pwede—"

"I said that I don’t want to so I won't."

He looks conflicted. Tumingin siya sa mga paa niya na para bang naghahanap siya ng kahit anong makakatulong sa kaniya sa susunod niyang sasabihin.

"Kung dahil 'to sa sinabi ko sa 'yo no'ng araw na 'yon, 'wag mong isipin na hindi okay si Joaquin." Inangat niya ulit ang tingin sa mga mata ko. "He was just skeptical. Marami nang ipinakilala ang mommy niya sa kaniya at hindi naging maganda ang karanasan niya sa lahat ng 'yon. Gusto lang niyang tulungan ko siya kung hindi maging maganda ang nangyari."

He purses his lips again as I continue staring at him without a word. Pero hindi siya sumusuko. He still stares at me with the same intensity.

Para bang kahit na alam kong mabait siya at mapagbigay, hinding-hindi siya tutupi sa 'kin—o kahit kanino.

"He genuinely likes you. Kaya kung ang sinabi ko ang dahilan—"

"I have my own mind. It's not just about what you said. It's about what I felt after the date," I say, stepping once toward him and he purses his lips again as he watches me. Tiningala ko ang katangkaran niya at hindi ko ininda ang agwat naming dalawa. "He tends to be narcissistic and he even cowardly brings a third wheel to the date because he's scared of meeting a girl who won't reach his standards. 'Wag na nating i-sugarcoat."

I smirk at him.

"I don't want a second date," klarong sabi ko.

Tumango si Boaz. "Sorry."

Natahimik kaming dalawa. Nanatili ang titig namin sa isa't isa. Mukhang wala na siyang sasabihin kaya nagsalita ako ulit.

"Doesn't it upset you? Talagang pinlano niyang ipasa sa 'yo ang babaeng hindi niya magugustuhan?" Kumunot ang noo ni Boaz at nakita ko ang isang emosyong dumaan sa mga mata niya. It's like I grazed a sensitive spot. "Is this a game? Basketball? Kung hindi pumasok sa panlasa niya, ipapasa niya sa iba?"

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon