Chapter 9

1K 69 15
                                    

#war4wp

Chapter 9

Expressive

"Uh . . . Good morning."

Kumibot ang sulok ng labi ko dahil sa pinipigilang ngiti nang masalubong ko ang nahihiyang mukha ni Boaz nang dalhin siya ng kasambahay papunta sa bukana ng manor para iharap sa akin.

He's wearing a white shirt under a dark blue polo and a pair of jeans. Hawak niya ang straps ng dala niyang crossbody bag. He's such a huge guy but his actions make him look innocent—like a soft giant.

Inilipat ni Boaz ang nag-aalangan niyang tingin sa kasambahay na kasama na kanina pa kuryosong nakatitig sa kaniya. It's Ate Cel, one of the two remaining maids of lolo's house. Siguro, kahit siya, hindi makapaniwala sa tangkad ng nasa harapan niya. Paano, ni hindi man lang siya umabot sa balikat nito.

"You're early," sabi ko at sinenyasan si Boaz na sumunod sa akin na ginawa niya naman.

"Salamat po," narinig kong sabi niya kay Ate Cel nang tumalikod na ako. Hindi na ako nag-abalang tumigil para hintayin siya dahil alam ko namang susunod din siya kaagad. "Ida."

Binagalan ko nang kaunti ang paglalakad ko kaya naabutan niya rin ako. He's towering over me but because he's slouching a bit because of embarrassment, I don't feel even a tiny bit of intimidation.

I can't help but think that he's like a huge and soft docile bear.

"Sigurado ka bang okay lang sa lolo mo?" mahinang tanong niya.

"Bakit naman hindi?" Naabutan ko na naman ang nag-aalala niyang tingin nang lingunin ko siya.

Pinaglapat niya ang mga labi niya at inilibot ang tingin sa paligid ng manor. The manor is huge. Minana pa ito ni lolo mula sa lolo niya kaya naman sobrang tagal na ring nakatayo ng bahay. Luma man ang disenyo, hindi naman maitatanggi ang karangyaan ng hitsura noon. No one would think that there is a house like this in the city.

Marmol ang kadalasang materyales ng manor at magagandang klase ng kahoy at semento. Magazines even feature this house because of how glamorous it is. Classic. Timeless. The Zavala Mansion. Noong buhay pa si lola, madalas kung magdaos ng party rito si lolo.

But it's different now.

"He already said yes," sabi ko. "Kumain ka na ba?"

"Oo." He pauses a bit. "Hindi ko ba . . . babatiin muna ang lolo mo?"

"He's taking a nap."

Binuksan ko na ang pintuan ng lumang studio ni lolo at pinapasok siya roon. Boaz's eyes immediately glimmer when he sees the room. Inilibot niya kaagad ang tingin sa paligid–lalo na sa mga painting na naka-display.

He gulps when he sees my favorite part of the room–the window where the sunlight peeks through. Ang victorian na disenyo ng bahay at ng mga kwarto ay nagbibigay ng mainit na pakiramdam sa dibdib. Like how antiques feel like they hold precious memories, so does this manor.

Especially this studio. Even Agnes feels the warmth of this part of the house.

"This is where I usually paint when I have the time." Inilibot ko rin ang tingin sa studio.

Naglakad si Boaz palapit sa canvas na nasa gitna ng kwarto. He stares at the painting without a word.

It feels like I have prey standing on my territory and I can't help but find it amusing. A guy this tall and massive is my prey? Really?

But Boaz acts like prey. With his innocent eyes and warm gestures, I feel like a snake trying to take down a massive bear.

"I suggested this place because it might give some of my personality to the pictures," I say.

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon