Chapter 15

912 77 41
                                    

#war4wp

Chapter 15

Favorite

"Isa pa."

Tumitig ako sa camera at kumuhang muli ng litrato si Boaz. Nang matapos, tiningnan niya iyon at napangiti siya bago naglakad papunta sa 'kin para ipakita 'yon.

I nod in approval. He's talented. His style is like story telling. Nakita ko na ang nasimulan niya nang portfolio. Maganda iyon. Hindi ako sanay sa style niya dahil mas na-expose ako sa ibang style tulad ng ginagawa ni RJ sa photoshoots namin para sa magazine, billboard, at iba pa.

Boaz's style is more like telling a story. Creative but not intimidating. Nakapag-adjust na ako sa style niya kaya naman kapag kukuha na siya ng litrato ko, umaakto lang ako nang normal. Na para bang walang camera.

"Ang ganda mo parati," nakangiting sabi ni Boaz at tumabi sa akin habang tinitingnan ang camera.

Pumangalumbaba ako sa batong mesa ng garden ng Soler at pinagmasdan siya.

"You too," I say.

Boaz isn't looking at me but I can see his ears turning red. Nang hindi pa rin ako tumigil sa pagtitig, tiningnan niya rin ako at sumandal sa inuupuan naming gawa rin sa bato.

We stare at each other for maybe a couple of seconds. Sa ilang segundong 'yon, inaliw ko ang mga mata ko sa mga detalye ng mukha niya at hindi ko napigilang mapangiti.

He looks adorable. Kung pwede ko lang siyang makita sa bawat oras ay ginawa ko na.

"Mamaya, susunduin kita. Nag-aaya si Rolan na kumain sa labas," ani Boaz.

"Okay." Sumandal na rin ako sa upuan tulad niya at tumanaw sa mga halamang nasa hindi kalayuan.

Napansin ko na may mga nandoon din pala na napapatingin sa gawi namin ni Boaz. Noon, wala naman akong pakialam kung may nakatingin. But recently, I started getting bothered by it.

Sinundo nga ako ni Boaz pagkatapos ng klase. Panay na naman ang lingunan ng mga kaklase ko sa kasama ko. Mukhang napansin din 'yon ni Boaz pero alam kong isinawalang-bahala niya na lang. He just took my bag, asked me about how my classes went, and we left.

Nang makasama na nga rin namin si Rolan, hindi rin niya napigilang punahin 'yon.

"Hindi pa rin ako sanay. Ang daming nakatingin," natatawang sabi ni Rolan. "Ang dami ring nagtatanong! Bakit daw lagi na nating kasama si Ida Mishal. Sabi ko naman, kaibigan na natin. Ayaw pa ring maniwala!"

"Hayaan mo na lang," si Boaz.

Sumakay na kami sa dalang sasakyan ni Boaz. Ako ang nasa front seat habang si Rolan naman ang nasa likod.

Bumaling si Rolan sa akin nang sa wakas ay magsimula nang magmaneho si Boaz papaalis. "Nga pala, Ida. Dadalhin ka namin ni Boaz sa paborito naming kainan. Malapit lang 'yon! Kumakain ka ng pares?"

"What's that?" I ask.

"Huh? Hindi mo pa natikman? Masarap 'yon!"

Napangiti ako at tumanaw sa labas ng bintana. Rolan is really loud.

"Unli rice pa."

Ibinaba ni Boaz ang sun visor na nasa tapat ng upuan ko dahil masyadong maliwanag at natatamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko. Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Tiningnan niya rin ako bago ngumiti at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Masarap din ang iced tea nila ro'n. 'Di ba, Bow?"

"Oo," natatawang sagot ni Boaz.


In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon