Chapter 17

975 57 24
                                    

#war4wp

Chapter 17

Dating

"Is the guy you brought last time really your boyfriend?" tanong ni RJ habang umiinom ako sa martini na kinuha niya para sa akin kanina.

The bar is full of familiar faces. Madalas kong nakikita sa trabaho ang mga taong nandoon. The strobe lights are not that distracting since the music playing is a popular slow song.

Madilim pero kitang-kita ko ang pang-iintriga sa mga mata ni RJ. Katabi niya si Allaiza, isang sikat ding influencer na malapit kay RJ at madalas kong nakakasama sa mga ganitong party.

It's Darwin's birthday. Maraming sikat na artista at influencer ang imbitado kaya naman hindi ko rin maintindihan kung bakit ako ang sinasamahan ni RJ. I'm not as popular as the people here.

Sinabi niyang wala siyang pagsasabihan na may boyfriend na ako pero heto siya at nagtatanong na naman sa harap ni Allaiza, who looks shocked when she heard RJ's question.

"Boyfriend?!" marahas na reaksyon nito.

"Oh. . ." RJ covers his lips.

"He is," sagot ko naman. "Stop asking."

"How can I not ask you? Ni minsan, wala kang inaming naging boyfriend mo!" si RJ.

"It's because I don't have one before. Ngayon lang ako nagkaro'n ng boyfriend."

"And Ida doesn't like people prying into her life!" ani Allaiza. "So you better shut your ass up, RJ."

"I am shutting it up!" si RJ. "Kailan pa, Ida? I really thought you would date someone like you."

Tumaas nang kaunti ang kilay ko. "What do you mean?"

"Like. . . a model or an influencer! O kung hindi man, artista tulad ni Darwin. It's shocking to me that you're dating someone outside of the business."

Uminom ulit ako at hindi sumagot. I even thought I wouldn't date anyone. I even thought I'd die alone. Handa na ako roon. Kaya ko naman nang mag-isa kaya hindi na ako nag-alala na baka wala akong magustuhang kahit na sino.

But things happen. 

I thought I don't like texting. . . or chatting. . . or phone calls and people asking me how I'm doing. . .

Boaz:
Kumusta? Sabihin mo kung pauwi ka na.
Hihintayin ko ang text mo.

But messages from Boaz make me rethink my preferences.

Napangisi ako nang mabasa ang text niya. Sa ilalim ng mesa ako nagtipa ng reply. Nag-iba na ng pinag-uusapan sina Allaiza at RJ kaya wala na sa akin ang atensyon nilang dalawa.

Ida Mishal:
You make me want to go home already. . .

Boaz:
Hmm. . . Pwede na kitang sunduin kung gusto mo.

Ida Mishal:
I have to stay for another half hour. Kararating ko lang.

Boaz:
Nag-e-enjoy ka ba?

Ida Mishal:
It would be better if you were here.

"Ida Mishal Zavala!"

Umangat ang tingin ko sa dumating sa table namin nina RJ. It's Darwin in his black leather jacket. He looks kind of tipsy already. Hindi pa nga lumalalim ang gabi ay mukhang marami na siyang nainom. Malaki ang ngiti niya nang bumeso kina RJ at nang lumapit sa akin.

"Happy birthday," I say as I let him press his cheek with mine. 

Binalingan ko na ang oras sa phone ko pagkatapos. Ngayong nakabati na ako sa kaniya, pwede na siguro akong umalis.

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon