Chapter 7

1.1K 84 27
                                    

#war4wp

Chapter 7

Birthday

"Malapit na ang birthday ni Boaz. Balak nga siyang sorpresahin ng pamilya niya. Baka gusto mo ring sumama, Ida?" bulong sa 'kin ni Rolan isang hapon nang masalubong ko sila sa hallway at inaya akong magkape sa cafe sa loob ng SCA.

I sip on my coffee while still looking at him.

"Kailan?"

"Sa Biyernes! Sa bahay lang nila. Darating ang iba pa niyang mga kaibigan na kakilala ko rin. 'Di ko naman maimbitahan 'yong iba niyang kakilala sa Torrero kasi mga famous na 'yon e." Nagkibit siya ng mga balikat.

"Who? Joaquin Salustiana?"

Tumango si Rolan. "Oo!" Kinamot niya ang sentido. "Medyo 'di ko kasi ka-vibe 'yong ibang mga kaibigan ni Boaz. Siguro okay naman sila. Pero talagang 'di ko sila kalinya."

The hesitance straining his voice doesn't escape my ears.

"Why? Do they purposely make you feel that way?" 

Rolan hums. "'Di naman. Pero alam mo kasi kung hindi kayo suwak ng isang tao, e." He gives me a lopsided smile. "Saka, mayayaman 'yon. E, 'di naman ako mayaman. Si Boaz, medyo nakakapantay naman sa kanila saka mabait kasi 'yan kaya marami ring nagiging kaibigang lalaki."

"How about girl friends?"

"Girlfriend?"

"Kaibigang babae," I clarify. "Will his girl friends come too?"

"Wala! Puro lalaki halos ang kaibigan ni Boaz. Ako rin! Ikaw lang yata ang kaibigang babae ni Boaz, e. Saka, parang ayaw na ni Boaz na makipaglapit sa mga babae."

"Bakit naman?"

There's a slight pause before Rolan smiles awkwardly. "May bad experience siya sa mga babae."

Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa kung ano ang tinutukoy niyang bad experience ni Boaz sa mga babae pero dumating na ito dala ang mga extra sugar at creamer na gusto ni Rolan. 

Tinikom kaagad ni Rolan ang labi niya kaya nagtataka siyang pinagmasdan ni Boaz habang paupo ito sa sariling upuan.

Nagkibit ng balikat si Rolan kay Boaz bilang sagot sa tanong sa mga mata nito.

"Ang ganda pala n'ong mga nakuhanan natin n'ong Sabado, Ida," si Boaz. Ngumiti siya at kaswal na umiinom sa kapeng in-order niya para sa sarili.

I nod. "Just tell me when the next one will be at kung saan mo gusto."

"Sama naman ako sa susunod!" si Rolan na inilapat pa ang kamay sa mesa.

Napatawa nang kaunti si Boaz. "Oo. Sige. Kain ulit tayo ro'n sa kinainan natin n'ong Sabado, Ida. Gusto mo?"

Parang may sumayaw sa tiyan ko dahil sa sinabi niya pero simple lang akong tumango. "Sure."

"Isasama ko na si Bria."

"Bakit isasama mo pa ang kapatid mo? Baka manggulo lang 'yon!" si Rolan.

Boaz smirks at him. "Sasabihan ko na lang na kumalma siya kahit kaunti."

"'Sus! Si Bria? Kakalma kay Ida? E, pinanood mo pa lang 'yong video greeting sa kaniya, halos maiyak na!"

Napangiti ako at napailing.

Boaz curses Rolan softly. Naaliw ako dahil doon. I don't know that he curses.

After finishing our drinks, it doesn't take long for us to decide to part ways so we can go home. Naglalakad na ako papunta sa parking area at sina Boaz naman, mukhang didiretso na palabas ng campus.

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon