Chapter 19

817 47 7
                                    

#war4wp 

Chapter 19

Friend

Itinulak ko ang wheeled chair ni lolo palapit sa painting na nasa gitna ng buong studio. Hinanda ko na ang lahat ng kakailanganin niya. Mula nang magkaisip ako ay pinanonood ko na si lolo sa tuwing nagpipinta kaya alam ko ang mga madalas at paborito niyang gamitin. Seeing him back in the studio makes me feel emotional.

Umupo ako sa upuang itinabi ko kay lolo at hinawakan ang braso niya, pinagmamasdan siya at ang reaksyon niya sa lahat ng ito.

It's almost four in the afternoon. Kaya naman kitang-kita ang sumisilip na liwanag mula sa bintana. Maya-maya pa ay lulubog na ang araw at mas magiging maganda ang ilaw sa studio.

Lolo smiles at me and holds my hand. 

"I miss you," I tell lolo.

I miss this. I miss seeing him in this kind of place—where colors bloom and imagination flows freely. Where emotions are expressed without words. Where I grew up watching him.

Lolo taps on my hand. "Thank you, Ida," he says. "This room looks beautiful. Just as beautiful as I remember it to be."

Ipinatong ko ang ulo ko sa braso niya at pumikit. 

Lumipas ang mga araw na nandoon si lolo sa studio. Tinitingnan ko ang progreso ng pagpipinta niya pero sa tuwing naroon ako, wala akong nakikitang pagbabago sa portrait. Tinititigan lang ni lolo iyon. Matagal. It's like he's lost in his thoughts. Hindi ko siya ginambala.

Ang sabi ni Agnes, hindi umaalis sa tapat ng portrait si lolo. Kakain lang ito ng agahan sa umaga bago didiretso na sa studio at tititig sa portrait. Minsan ay hahatiran niya ito ng meryenda. Pakakainin ni Agnes ng tanghalian si lolo pagpatak ng alas onse y medya ng umaga. Pagkatapos kumain ay tititig pa rin ito sa portrait. Pagdating ng alas singko ay tatawagin na siya nito at magpapahatid na pabalik sa kwarto.

I thought that it's fine. Maybe lolo is taking his time. Siguro, marami siyang sinusubukang alalahanin sa alaala niya kay lola kaya naman hindi niya pa magawang makapagsimula ulit. Matagal din siyang hindi nakapagpinta kaya kahit papaano ay naiintindihan ko siya.

He might be having a hard time painting too because he's sick. Hindi na siya tulad ng dati kung gumalaw at may mga bagay na siyang hindi nagagawa. Still, with his passion coming back, I know he can paint again. 

━━━

"Anong tingin mo rito?"

Hinawakan ko ang balikat ni Boaz at yumuko para tingnan sa desktop ang mga litratong kinuhanan niya kanina at tapos nang i-edit.

"Para sa plate," aniya. 

"They look good," sabi ko at tiningnan ang mukha niya galing sa likuran. Dahil doon, halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

"Talaga? Gustong-gusto ko rin talaga ang mga kuha ko rito. . ."

Pinanood ko ang ngiti niya at hindi ko napigilang maglapat ng halik sa pisngi niya dahil doon. Napatigil sa pagsasalita si Boaz at napasandal sa upuan niya, pinagmamasdan din ako. His cheeks are starting to turn red. Pero hindi gaya noon ay hindi na siya umiiwas ng tingin.

Kalaunan, tumayo siya at pinaupo ako sa gaming chair niya. Pagkatapos ay hinila niya iyon palapit sa kama kung saan naman siya naupo. Hawak na niya ang dalawang kamay ko at pinagmamasdan niya na ang mga iyon.

It seems like he’s finally done with his assignments. . . Kanina ko pa hinihintay na matapos siya roon. Ngayong nasa akin na ang atensyon niya ay nakakaramdam na ako ng tuwa.

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon