Chapter 6

1.1K 93 28
                                    

#war4wp

Chapter 6

Pit

Pagdating ko pa lang ng manor at ipinaparada ko pa lang ang kotse sa harap noon, nakita ko nang may nakaparadang pamilyar na kotse sa garahe ng bahay.

It's Tita Annia's car. I know because I already saw it last time. Napagtanto kong nandito na naman ito para kay mommy.

Pagkapasok ko pa lang sa bukana ng manor, naririnig ko na ang halakhak ni Annia Salustiana sa sala. But I was wrong to think that she came alone because I realize that a familiar man is sitting with her and my mom on the Victorian sofa.

Joaquin Salustiana's eyes immediately brighten up when he sees me enter the huge double doors. I purse my lips, shifting my gaze to my mother.

Mukhang hindi alam ni mommy na naro'n na ako dahil nagulat siya nang lumapit ako at bumeso sa pisngi niya.

"Ida, you're here!" si mommy.

"My classes ended early," I say and I smile at Tita Annia.

Nakatingin na rin ang ginang sa 'kin at mukhang natutuwa rin siyang makita ako. Lalo na dahil napansin ko ang kaunting pag-abot niya sa anak na katabi.

Agad siyang tumayo nang bumeso rin ako sa kaniya at sumunod naman sa pagtayo si Joaquin na nakasoot pa ng uniporme niya sa Torrero University.

Nang humiwalay ako kay Tita Annia, napansin kong umamba si Joaquin na lumapit din sa akin para sa beso pero natigilan siya nang bigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at umatras na para bumalik sa tabi ni mommy.

Mukhang nahiya siya dahil doon. Napansin ko kasing napayuko siya nang bumalik siya sa pag-upo sa sofa. Umangat nang kaunti ang kilay ko. Where's the arrogance I saw in him during the first time we met?

"You remember my son, Joaquin, right?" Tita Annia asks me and I said yes.

"Mabuti pa, ro'n muna kayo sa garden. Sasabihan ko ang kasambahay na padalhan kayo ng pagkain," si Mommy.

Joaquin seems to like that because he immediately agrees, standing up after then looking at me.

Hindi ako sumagot. Sumunod na lang ako sa kagustuhan ni mommy dahil sanay na rin naman akong nakikihalubilo rin sa mga bisita niya.

Naglalakad pa lang kami papunta sa garden, nararamdaman ko nang nag-aalinlangan si Joaquin na maunang magsalita. Hindi ko tuloy mapigilang lingunin siya dahil nagtataka sa inaakto niya.

Nang makarating kami sa hardin, umupo na kami sa isang simpleng maliit na lamesa at upuan doon na parehong gawa sa bakal at kulay puti.

A helper immediately places drinks on the small table and I check my phone to check the time. I still have a lot of things to do but maybe I can spare a little bit more time to entertain guests.

Ngayon lang ulit ako nakauwi dahil halos isang buong linggo akong nanatili kina lolo. Bukas ay babalik ulit ako ro'n dahil gusto kong ayusin pa ang studio na unti-unti nang ginawang bodega ng mansyon.

That room is just really special to me because it holds too many precious memories. Gusto ko ring magpinta roon.

"Kumusta? It's been a while since the date. I tried reaching out to you but it seems like my messages aren't getting through," ani Joaquin habang nakatingin sa akin habang ako naman, nakasunod lang ang tingin sa mga inuming inilalapag sa lamesang nasa pagitan naming dalawa. "Or maybe you've been busy. Nakita ko ang mga bagong pictures mo sa internet. You're really pretty, Ida."

In Love And War (War Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon