Ako si Alice Crisologo, sixteen years old. May taas akong 5'5" at mayroon akong black and wavy hair, just past my shoulders. Isa akong average na tao, walang posisyon o kung ano man. Pero masasabi kong pagdating sa katlinuhan, Top One ako palagi sa level namin. Yeah yeah, ako si Ms. Smarty Pants pero likas lang na di-gaanong katalinuhan yung iba kong mga ka-level.
***
Naglakad ako papunta sa bahay ni Stella Lastimosa, madalas kaming nagtatambay kung saan-saan para magkwetuhan lang ng kung ano-ano kasama yung iba. Si Stella ay yung pinakamatanda sa grupo namin at madalas siya ang tumatayong nakakatandang kapatid namin. Pero madalas ako yung tinuturi niyang kapatid kasi nung bata pa lamang kami, magkakilala na kami. "Stella?" Tawag ko sa tapat ng bahay nila.
"Teka! Pumasok ka lang! Maliligo pa ko!" Hay nako, bakit ba hindi ito naliligo ng mas maaga kaysa sa 5:30 ng hapon? Palagi naman siya ganyan kapag bakasyon eh. Hayts, magbagong buhay ka na nga Stel.
"Kaasar naman, bakit ngayon ka lang maliligo?" Natatawa kong sinabi habang pumasok ako sa bahay nila. Mag-isa lang si Stella sa bahay niya, nineteen years old naman siya at nagpapadala naman ng pera yung mga kamag-anak niya galing New Zealand. At tsaka, nasa tapat lang ng bahay niya yung bahay ng Ninang niya.
"Sorry po! Madami lang talagang nangyayari sa Twitter!" Nakita kong tumakbo pababa ng hagdan si Stella na may dalang towel at dali-dali siyang pumasok sa banyo.
Buhay nga naman ng isang panatiko. Mahirap talaga kapag dayuhan yung iniidolo mong banda, Twitter at Instagram na lang yung koneksyon nila. Hayts.
Kinuha ko yung phone ko at naki-connect sa WiFi ni Stella. Hinayaan niya na lang ako magconnect kasi magkapatid daw naman kami haha!
***
Three New Messages from group chat Tropa
Crizzy : hoy nasan na kau?? Nandito na ko sa tambayan
Ann : malamang sa malamang naliligo pa si Stella, palagi naman ganun yun eh HAHHAHAHAHAHA
Rebbie : ay lol siguro nga haha
nandito na ko sa bahay ni Stella ngayon pa lang naliligo WAHAHAHA : YOU
√seen by Ann, Crizzy, and Rebbie
Ann : SABI SA INYO EH HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA
Crizzy : leche ang ingay
Ann : hihi, soz ✌
√seen by Crizzy and Rebbie
***
Pagkatapos ng bente minutos, lumabas na din sa wakas si Stella sa banyo. Nakasuot siya ng itim na leggings at white na loose sleeve-less shirt. Dali-dali siyang umakyat ng hagdan. Ang tagal kahit kailan nun maligo, nakapag-COC at Wattpad na nga ako eh, tss.
Maya-maya ay bumaba na si Stella sa kwarto niya na may hawak na phone at wallet. "Lalaklak ka na naman mamaya ng pagkain noh?" Eto ang signature namin -- tropang PG as in Patay-Gutom. Lalo na kami ni Stella, kahit anong pagkain, lalamunin namin yan.
"As usual, haha!" Tawa ni Stella sabay labas namin ng bahay niya. Ni-lock niya yunpintuan at pumunta kami sa bagong tambayan, ang court. Dun kami palagi sa may parang benches at dun lang kami nagkukwentuhan. Kami nga yung grupong tinatawag na mga inosente kasi nandun kami para sa isa't-isa, hindi dahil sa basketball players. Yung ibang mga tropa at grupo, yun lang ang dahilan kaya nandito sila.
BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomanceEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...