Fifteen.

36 1 4
                                    

"Tara libot tayo." Sabi ni Frank sakin habang nagkahiwahiwalay yung grupo.

WAIT ANO DAW. ANO DAW. ANO DAW ABER AMPU ANO DAW JSKDNDDHWKJRKSJHWHDHKAKDIS

WOOOH KALMA. Kalma. Kalma. Kalma.

Nope.

Naramdaman kong umiinit yung pisngi ko at may humawak sa kamay ko.

"Masyadong malamig ba kaya ka namumula?" Narinig kong sabi ni Frank at lalo akong namula.

"A-ah, medyo." Sagot ko at iniwasan ko ng tingin si Frank.

"Di halata." Ngisi ni Frank at nilapitan yung mukha ko at lalo akong namula.
"Tangina mo maputi kasi ako kaya madaling mamula sa lamig!" Sigaw ko at agad na lumayo.

"Oo na po." Tawa niya at hinila ako papunta sa isang amusement park.

"Ano plano mo?!" Naiinis kong sabi kasi andaming nakatingin samin. Hinigpitan ni Frank yung hawak niya sa kamay ko.

"Basta ako bahala," Ngiti niya at nainis ako.

"Ano nga?!" Pout-frown ko sa kaniya. Teka bakit ang girly ko ngayon?! Tangina!

"Wag kang makulit kundi hahalikan kita." Diretsong sabi niya.

"Gawa!" Nilagay ko sa bewang ko yung mga kamay ko. Hanggang salita lamg naman ang mga lalaki pag ganyan eh.

Nilapitan niya yung mukha ko at nanaig yung instinct ko - nasampal ko siya, sqaure on his left cheek.

"Aray!" React niya at hinimas yung pisngi niya. "Oh ano, takot ka no?"

"Tangina mo." Sumimangot ako at naglakad papalayo.

"Kala mo di ko gagawin no?" Habol niya sakin at nung tinignan ko siya, may malaking ngisi siya sa mukha niya.

Talaga tong lalaking to, mapapatay ko to ng maaga eh.

Tumingin ako sa paligid ko. Ngayon lang nag-sink in na nasa London na kami. May konting snow na nahuhulog mula sa langit at nalalagyan yung buhok ko ng mga maliliit na puting dots. Kada hinga ko, may lumalabas na puting usok-yung parang sa Snow World sa Star City.

Napahigpit yung hawak ko sa coat ko dahil sa mahinang hangin na mas nagpalamig sa lugar. "Okay ka lang?" Narinig kong tinanong ni Frank.

"Uh, yeah. Nilamigan lang." Sagot ko at may naaninag akong pamilyar na mukha.

Lalaking may brown eyes at black quiffed hair. "Ashton." Sabi ko at hinila ako papalayo ni Frank.

Nakita kami ni Ashton at naglakad na siya papalapit sa amin. "Teka!" Sabi ko habang pinipigilan ko si Frank.

"Lika na." Natakot ako sa lalim ng boses niya at tumakbo kami. Nakipag-patintero kami sa mga tao dun at pasikot-sikot kami hanggang sa makapila kami sa London Eye. It was a Tuesday morning, nearly lunch. Kaya konti lang yung tao at nakasakay kami kaagad sa London Eye.

Sa pagpasok namin dun, nakaramdam ako ng kaba. Mahigpit ang hawak ni Frank sa braso ko. "Wag na wag kang lalapit kay Ashton." Hinawakan niya ko sa balikat ko kaya napatingin ko ng diretso sa mata niya at nakita ko na seryoso siya.

"Bakit naman?" Wala namang ginawang masama samin si Ashton ah? At kaibigan naman namin siya. Hindi ito fair at all! Kahit sino magtataka, diba?

"Ayokong mapahamak ka-"

"Wala naman siyang ginagawa Frank! Ano naman magagawa niya satin?! Kaibigan naman natin siya!"

"Di padin ako sigurado kung tapos na ba talaga yung mga banta sa inyo!"

Kings and Queens [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon