Sixteen.

31 2 7
                                    

A/N: Thanks again Polyvore!

Alice's POV.

"Alice!" Narinig kong tinawag ni Stella. Lumingon ako sa kaniya at nakitang kasama niya si Luke. "Okay ka na?" Tanong niya sakin.

"Ah, oo." Ngiti ko sa kanila. 

"How about Frank? Is he okay?" Tanong ni Luke.

"Nagkahead injury siya pero sabi ng mga nurse na hindi naman daw kritikal. Magiging okay din naman daw siya." Sabi ko at kaagad na nilapitan ni Luke ang mga grupo ng lalaki. 

"Nakita niyo ba si North?" Tanong ni Stella habang tumitingin sa palagid. Kitang-kita sa mukha niya na alalang-alala siya. May nangyari ba sa kanila?

"Oo, kanina nandito siya. May nag-interview lang sa kaniya ata, kaya siya umalis." Sabi ko at nakitang huminga ng maluwag si Stella. "May nangyare ba?"

"Wala naman, nag-alala lang ako na bigla siyang nawala nung natutulog pa ko." 

"Stella!" Tawag ni North. Agad na lumingon kung nasaan si North si Stella at nagyakapan sila. "Sorry I didn't wake you up, I had to get here sooner to aid Alice and Frank." Napatingin ako kaagad kay Luke na may dismayadong mukha. Halatang nasasaktan siya sa nakikita niya.

Alam niya na hindi siya kaya mahalin ni Stella dahil may mahal na siyang iba. Hanggang kaibigan lang ang mabibigay niya.

Tinanggal na lang kaagad ni Luke ang kaniyang tingin kay Stella at North, kinausap niya na lamang yung grupo ng lalaki.

"Napansin niyo ba si Zie?" Narinig kong tinanong ni Bie samin. "Tinatry ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot eh."

"Hindi eh. Baka bumalik na sa hotel?" Sagot ni Ann.

"Sino ba kasama niya?" Tanong ko.

"Si Terrence." Agad akong tumingin kay Terrence na sadyang iniwasan ang tingin namin. Halatang nakikinig siya. Tumayo ako at nilapitan si Terrence. Naramdaman ko na kinakabahan siya sa presensya ko.

"Nasan si Zie?" Tanong ko. Naging seryoso ang expresyon sa mukha niya at iniwasan ang tingin ko.

"Foodplace." Matipid niyang sagot. Sumama ang paningin ko sa kaniya. Bakit niya naman iniwan si Zie? Di niya man lang sinama dito.

"Bakit mo naman siya iniwan?" Halatang namumuo na ang galit sa boses ko. "Yung ex niya iniwan siya para sa bestfriend niya, tapos ikaw na bago niyang bestfriend iiwan mo din? Lahat na lang iniiwan siya, ano ba ginawa niya?"

"Humugot ka pa ha." Ngumiti siya ng konti. "Nagka-away lang kami, kaya umalis na muna ako para makapag-cool off siya."

"Puntahan mo na yun." Sabi ko at nailang siya. "Baka kung ano pa mangyari dun."

"Kaya niya sarili niya, tutal, handa naman siyang maghabol ng maghabol sa taong di naman siya kayang hintayin. Handa siyang magmukhang tanga, kaya kaya niya na sarili niya." Malamig na sagot ni Terrence. Humiwalay siya sa grupo habang pinapanood namin siyang lumabas ng tent. 

"Ano ibig niyang sabihin?" Tanong ni Ann.

"He's fallen for Zie," sagot ni Luke nang medyo mahina. "But Zie can't love him back because she's chasing someone else."

Napatingin ako kay Frank at nakitang napalunok siya.

***

Zie's POV.

Nakailang kain na ko ng hotdog on stick, di pa rin ako mapakali. Sobra kong nasaktan si Terrence at di ko akalaing mababahala ako dun. 

Tinapon ko na yung pang-apat ko na lalagyan ng hotdog on stick sa basurahan at uminom ng tubig. Napaisip tuloy ako, ano kaya pwede kong gawin?

Kings and Queens [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon