This Chapter was made with the collaboration of itsMaxxiiiJ and queency_ ! xxx
--
THIRD PERSON'S POV.Nagsipwestuhan ang Five Queens at ang Five Kings. Hinarap ni Frank si Alice at huminga sila ng malalim. Mapupunta to sa headlines for sure, sabi ng dalaga sa isip niya. Lahat ng ito, lahat ng nangyari. Nandyan palagi sa tabi yung mga paparazzis at ilang fans. Sana maisip nila na hanggang pagkakaibigan lang talaga kaming Five Queens at Five Kings. Bwiset kasi, bakit pa ganun yun yung naisip nilang group name, palaging napagkakamalang magkarelasyon kami sa isa't-isa.
"Lalim ng iniisip mo ah?" Sabi ni Frank na medyo kinagulat ni Alice. Nginitian na lang siya at hinintay na magsimula yung music para sa sayaw nila.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala parin yung music. Nagtinginan ang Five Queens sa isa't-isa na puno ng pagtataka. Maya-maya ay nagkaroon ng sigawan sa kabilang dulo ng dance floor. Agad na lumayo kaagad sa dance floor yung grupo nina Alice, Frank, at North sa ball at kasama ang ilang aware na guests.
"What's happening?" Tanong ni Stella kay North habang umaakyat sila sa mala-palasyong building.
"I have no idea, but we can see it from above." Turo ni North sa isang terrace na nag-o-over look sa buong dance floor. Agad silang pumunta dun at naiwan yun mga babae sa may bandang likod nila para sa seguridad.
"There's a commotion with the emcee and some artists down there," sabi ni Luke. "And its kinda getting nasty."
"How is it getting 'nasty'?" Tanong ni Sophia Smith, girlfirend ng isang kabanda ni North.
"They're throwing drinks, cussing like no tomorrow and ruining each others hair and clothes." Sabi ni Leo Philips, boyfriend ni Sophia Smith.
"Let's just go there! I need peace!" Turo ni Ann sa isang hagdan na paakyat sa may pinaka-terrace ng building at makikita ang karamihan sa mga buildings ng New York. Umakyat sila at may mga benches doon.
***
"Sobrang nabwiset ako dun to be honest," sabi ni Ann.
"Kaasar naman talaga eh, bigla-biglang susulpot para lang sa fame?!" Naasar na sambit ni Stella.
Pinanood na lang ni Alice mag-rant yung mga kaibigan niya. Naramdaman niyang nag-vibrate yung phone niya kaya agad niya tong tinignan.
Frank : O.P. ka lang ba or ayaw mo lang makisama?
Taena haha! Kasama ako, di lang ako masyadong nagsasalita haha! :You.
Frank : Tss, oo na. Sama ka sakin? Wala din ako magawa lol. Bandang likod niyo lang ako haha dun tayo sa isa pang bench oh.
Tumingin si Alice sa likod niya at nakitang wala ding kausap si Frank. Sabay silang tumayo at pumunta sila sa bakantenbench na medyo malayo sa mga kaibigan nila at tumingin sa magandang kalangitan ng New York City.
"Psst!" Bulong ni Zie. "Nawala si Alice at Frank!"
"Ayun sila oh," turo ni Rebbie sa malayo.
"Hayaan niyo na sila." Sabi ni Stella at tumayo siya. "Babalik lang ako sa baba para kumain at baka mauna na akong bumalik sa hotel. Bye guys."
"Tss, fine, kain lang." Natatawa na sabi ni Ann at hindi nila alam na magsasama sila Stella at North sa dance. Habang nagpatuloy sa pagkwento sina Ann, Rebbie at Zie, ay nagsariling mundo na din sina Alice at Frank.

BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomanceEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...