Four.

75 4 8
                                    

AN: the information given are only FICTIONAL and not true. It is only used to make the part and story a bit more interesting.

To know what the contract would look like, here's the link:

http://www.modelresource.ca/Model101/AgencyModelContract.shtml

-----

Kinabukasan ay nagising ako sa isang message sa Group Chat.

Stella: Punta kayo sa bahay ko ng 2:00 pm para siguradong gising na kayong lahat. No buts, no questions just go to my place at 2:00. Mag-ayos din kayo kasi may narecieve akong tawag from a representative of NH Agency na pupunta daw siya sa bahay ko at around 3:00 so dress well kung gusto niyong matuloy ang pagiging model. (At alalahanin niyo yung sinabi ni Frank btw.)

Nakita ko sa orasan na 10:00 na kaya bumangon na ako nag-almusal. Gagawin ko ba talaga itong pagmomodel? Kinausap ko si Mama kahapon, sabi niya maganda daw iyon para sa akin para kahit papaano, matutulungan daw na gumanda buhay ko. Pero to be honest ibibigay ko lahat ng maiipon ko kunmatutuloy man ako sa pagmomodel kay Mama. She desereves it kasi sa lahat ng hardwork niya para sa amin ni Mathe.

Fine, gagawin ko ito para sa buhay namin ni Mama at ni Mathe. Makakatulong pa si Papa kaya mas malaki ang pwede naming maipon dito.

***

Umalis na kami ni Zie at naglakad papunta sa bahay ni Stella kahit wala pang 2:00. Pagpumta namin sa tapat mismo, nakita namin sa bintana yung ate at tita yata ni Gerard na naging teacher ko dati, si Ate Joyce at si Ma'am Maybelle.

"Stella?" Tawag ko at lumabas si Gerard sa pintuan. Binuksan niya yung gate nila Stella.

"Pasok muna kayo, inaayusan pa daw po kasi si ate Stella." Sabi niya at tumakbo siya ulit papasok ng bahay ni Stella. Pumasok na din kami ni Zie at nakitang nasa tapat ng malaking salamin sa pader ni Stella at nakupo siya habang inaayusan siya ng buhok.

"Oh Alice, kasama ka daw sa pagmomodel na to." Sabi sa akin ni Ma'am Maybelle habang inaayusan si Stella at nakita kong ngumiti siya. "Buti na lang at sumama ka, maganda ito para sa inyo ng Mama at Papa mo."

"Oo nga po eh," ngiti ko sa kanila. Nilagyan ng hairspray yun buhok ni Stella para hindi masyadong magulo at magalaw ni Ate Joyce.

"Parang modelo na talaga si Stella ah," sabi ni Zie. Totoo naman eh, ang ganda nung suot niya (palagi naman! Bagay pa sa kanya lahat nung sinusuot niya!) tapos may mga stylist na siya sa buhok. Pagmomodel nga talaga tadhana nitong si Stella. Yan tuloy, nadamay kami-- di joke lang.

"Tss, nagvolunteer lang sila ate na ayusan ako." Sabi ni Stella. "To be honest, wala akong plano mag-ayos ng buhok at mag-make up, pero sabi nila na mas babagay sa akin yung suot ko."

"Which is totoo naman, diba Cherry?" Sabi ni Ma'am Maybelle kay Ate Joyce.

"True! Ang ganda kaya ni Stella." Nilagyan nila ng konti pang hairspray yung buhok ni Stella at nakita ko na yung full attire niya.

"Thank you Ate Joyce at Ate Maybelle." Sabi ni Stella habang tumayo siya.

"Stella!" Tawag ni Ann at Rebbie. Nakita kong medyo naka-formal din sila. Pinapasok ni Gerard yung dalawa at nakita kong ayos na yung buhok at make-up nila. Inayos namin ni Zie yung make-up at buhok namin sa isa't-isa kanina din bago kami umalis.

"Ang gaganda ng mga dalagang ito ah!" Sabi ni Ate Joyce at nilabas yung phone niya. "Dali picturan ko kayo para sa before and after niyo haha!" Tumawa din kami at nagsama-sama paran sa isang group photo. Magkahawak-hawak kami ng mga kamay at nagcompress ng konti para magkasya kami sa picture.

Kings and Queens [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon