*Warning: Sexual Topics *
ALICE'S POV.
Sobrang tahimik sa photoshoot. Lahat nabagabag sa nangyari kay Stella at kaagad siyang dinala sa basement. Ano ba nangyayari at target ngayon sina Luke at Stella?
Nakaupo lang ako dito sa dressing room. Nakatitig sa sariling mukha. Mamaya-maya pa ang simula ng photoshoot pero naka bihis na ko.
Tinitigan ko ulit ang sarili ko. Kulot-kulot pa ang dulo ng buhok ko. Fresh pa naman ang make-up ko. Maayos pa ang playsuit ko sa damit ko, ang mga alahas at relos ay nasa pwesto pa, at ang sapatos ko ay nakakabit ng ayos sa paa ko. Ang sumbrero ko ay nasa kaaya-aya pang ayos.
"They said Stella is at the basement for some kind of training."
What the fuck? Tumingin ako sa pintuan at nakitang nakabukas pa ito ng konti. Dahan-dahan akong lumapit at pinakinggan ang usapan.
"We need to tell sir that this agency is now aware of what is happening. This agency is preparing the girls to defend themselves."
Sir? Sino ba tong mga kupal na to at may masamang balak sa NH Agency? Unti-unti kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Nakatalikod ang dalawa lalaki sakin at yung isa ay may dyed spiky red hair at mukhang nakaquiff na itm na buhok.
"Alice?" Tawag ni Lottie. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nagtataka siya. "Ano meron diyan?" Tanong niya.
"A-ah.." Sasabihin ko ba? "May ano lang kasi.. may uhh" ano palusot ko leche! "May narinig ako tungkol sa kondisyon ni Stella. Curious lang."
"Then why do you have to eavesdrop? Pwede ka naman makisama diba?" Shet. Puta. Tinitignan niya ko diretso sa mata.
"Uhh, nahihiya lang ako lumapiyt sa kanila kasi mga lalaki eh, hehe." Sana benta.
"Ah, okay." Ngiti sakin ni Lottie at bumalik sa kabilang kwarto. Putangina naman, nakakakaba. Sumilip ako ulit, ngunit wala na sila. Nakaramdam ako ng sobrang kaba ng maramdaman ko na wala nang tao sa photoshoot. Dahil sa pangamba kay Stella kanina, agad kong kinuha ang phone ko at umang lumabas sa contacts ko ay ang number ni Frank.
"Tumawag ka sakin kaagad kung may nararamdaman kang kakaiba sa paligid mo." Bulong niya sakin habang nakayakap ako sa kaniya. Nakakatakot yung nangyari kay Stella at si Frank lang ang nandito kaya wala na kong nagawa. Tumango ako sa utos niya at pinahid niya ang mga luha ko.
"Hello?" Sabi sa kabilang linya.
"F-Frank, pwede bang pumunta ka dito sa photoshoot area ko? Sa second floor. Na-nawala yung mga tao dito at natatakot ako." Nagpipigil akong maiyak sa sobrang takot. Takteng yan, bakit ba ganto vibe dito ngayon?! Di ko siya type nakakaletse!
"Sige, papunta nako. Diyan ka lang sa dressing room mo." At binaba niya yung linya. Medyo nakahinga ako ng malalim at umupo sa upuan ko. Nakatitig ulit ako sa salamin.
May nag-iba sa paligid. Di gaanong kaliwanag ang repleksyon sa salamin ngayon, di katulad ng kanina. Ganun parin naman ang lighting dito pero, bakit dumilim sa salamin? Ang mga racks ay maayos na maayos na. Sobrang tahimik na sa dressing room. May kumatok sa pinto.
"Alice?" Narinig ko yung boses ni Frank at agad ko tong binuksan. Nag-iba ang expresyon ng mukha niya ng makita ako, at agad niya kong yinakap. Natuluyan na akong umiyak. Di ko na kinakaya ang pangamba dito simula nung nasa New York pa kami.
"Shhh," bulong ni Frank sa tenga ko at hinaplos yung buhok ko. "Nandito lang ako, pwede mo ilabas lahat ng takot mo sakin." Naramdaman ko ang mga labi niya sa tuktok ng ulo ko at naramdaman ko na bumilis tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomanceEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...