Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, palagi naman eh. Parang naging body alarm ko na ang gumising 6:00 ng umaga dahil sa pagpasok ko sa paaralan. Ang una kong kinuha ay yung phone ko at nakita kong may madaming message sa group chat namin.
***
Rebbie : Bumabalik na ang kalandian ni Ann haha!
Ann : Pwe, gwapo naman kasi talaga eh
Crizzy : asus, ang landi mo hahaha
Ann : CHE! BAHALA KAYO DIYAN
Stella : ANO BA 1:48 AM NA MAGSITULOG NA KAYO BAGO KAYO LUMANDI PWE WALANG FOREVER
Crizzy : Tru dat
Rebbie : WALANG FOREVER ANN MATULOG NA TAYO HAHAHA
Ann : Kaasar naman kayo
Stella : Ganyan talaga kapag bitter, tulog na !
Crizzy : eh ikaw Stella, matutulog ka na?
Stella : Mamaya pagkatapos kong kumain HAHAHAHHAHAHAHA
Rebbie : PG ka talaga kahit kailan Stella ahahhahaha
Stella : Ganyan talaga kapag may benefits kang hindi tumataba, kaya go tulog na ! Buti pa nga si Alice tulog na eh haha
Ann : pwe, basta pagkakain mo stella matulog ka na
√ seen by everyone
***
I present to you, my 4 best friends. This is their behavior in their natural habitat. LOL makapagalmusal na nga.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan papunta sa lamesa at nakitang may mainit-init pang pandesal at Eden Cheese na hiwa-hiwa na. Maraming salamat Mama! Nag-ayos muna ako sa banyo at nagtoothbrush. Naghanda ako ng isang mainit na Milo drink para sa sarili ko at kumain ng pandesal.
Pagkatapos kumain ay binuksan ko yung tv at nilipat ito sa MTV Philippines. Mga OPM hits ang piniplay kaya naki-jam na lang ako habang nagbabasa ng kung ano-ano sa Facebook.
Nakita ko yung article link sa sinasabi ni Stella kahapon na may rumored girlfriend yung paborito niyang miyembro sa bandang kinagigiliwan niya. Hinayaan ko na lang yun kasi baka maasar lang ako dun sa babaeng yun, mas bagay sila ni Stella bleh haha!
Rebbie sent a message to group chat Tropa
Rebbie : Good morning guyzz!
Nakarecieve ako ulit ng mga bagong messages, gising na yung tropa, maliban kay Crizzy siguro haha.
***
Stella : Walang maganda sa araw ko ngayon tss
Ann : bad mood ka na naman? Ano ba nangyayari sayo ha? May love life ka ba parang magdrama?
Stella : Leche porket bad mood love life kaagad ? Ikaw, ang mga malisya mo, bawas-bawasan mo ! Mamamatay ka ng maaga tignan mo
Rebbie : STELLA KAIN MUNA NG ALMUSAL BAGO MAGRIOT.
YOURE NOT YOU WHEN YOURE HUNGRY, EAT SNICKERS!!! : You.

BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomanceEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...