Five.

58 5 34
                                    

A/N: Kung gusto niyo po na makita isa-isa (kundi nyo po kita) yung mga damit nila Alice, Zie, Stella, Ann at Rebbie. PM nyo po sakin yung facebook niyo (or link nung facebook niyo) tapos isesend ko po sa inyo :) DONT BE SHY KASI OKAY LANG NAMAN PO TALAGA SA AKIN HAHA

-----

"Okay girls," sabi ni Kelsey habang pumunta kami sa isang dressing room na punong-puno ng damit sa racks at sa cabinets. May isang malaking variation ng make-up at styling tools malapit sa isang mirror na may ilaw, at nakalagay ito ng maayos sa isang itim na rack, yung parang nasa salon. "For the mean time, since urgent itong photoshoot, dito muna yung dressing room niyo. Eto si Lizelle, ang personal make-up artist niyo." Pinakilala niya si Ate Lizelle at nakita kong kasing edad ni Stella siya, mga 19-21 years old yung tingin ko sa kanya.

"Oh siya, iwanan ko muna kayo. Lizelle, ikaw na bahala sa kanila. Alam mo namana kung ano yung mga themes nila diba?" Tumango si Lizelle at ngumiti sa amin. Umalis na si Kelsey at tinanong ni Ate Lizelle kay Bie, "Ikaw po ba si Rebbie?" Tumango si Rebbie at inayayaan siya ni Ate sa isang changing room na may dalang damit. "Okay lang po na umupo kayo sa mga upuan." Nakangiting sabi sa amin ni Lizelle. At umupo kaagad si Stella sa sofa at nilabas niya yung phone niya. Umupo ako sa tabi niya at si Ann sa kabilang side niya, habang si Zie ay sa may sofa chair naka-upo ng solo.

"Guys," sabi ni Stella. "Kinakabahan ako."

"Ako din eh," sabi ko. Sobrang kaba ko nga to be honest kasi first time lang.

"Tss, ikaw? Vain Queen? Kinakabahan?" Sabi ni Zie sa akin at natawa kami. Oo, selfie lord ako, sandamakmak na selfie kasi yung nasa phone ko. May narinig akong mga boses sa labas, karamihan mga lalaki at isang babae lang ata. Pero di ko na lang pinansin. Lumabas sa changing room si Rebbie at nakitang ang ganda nung suot niya. *-*

"Ganda naman ni Rebbie!!" Sabi ni Ann at umiling ng konti si Rebbie. Ngumiti na lang siya at pinaupo siya sa harap nung salamin. "Ann?" Tawag ni Ate Lizelle. Tumayo si Ann at lumapit sa kanya. Kumuha si Ate Lizelle ng mga damit at pumunta silang dressing room.

May pumasok sa kwarto namin na babae at nagpakilala siyang may malaking ngiti sa kanyang mga labi. "Hello po, ako si Louise. Hair and make-up artist niyo po. Pwede niyo po akong tawaging Lou."

"Hello po ate Lou, ako po si Stella." Sabi ni Stella. Malaki yung ngiti niya sa kanya--sign na gusto ni Stella yung personality ni Lou.

"Ako po si Crizzy, pero pwede niyo po akong tawaging Zie." Sabi ni Zie.

"Hello po, ako po si Alice." Ngiti ko sa kanya. Tinignan niya si Rebbie at nilapitan siya. Narinig kong nagpakilala sila sa isa't-isa at sinimulan na ni Lou na ayusan si Bie.

"GUYS NASAAN YUNG PANG-ITAAS KO?!" May narinig akong sumigaw na lalaki sa labas.

"BU-ANG! NASA PAANAN MO!" Sigaw ng isa pang lalaki

"Ingay naman ng mga kapit bahay natin," sabi ni Stella habang patuloy siyang mag-scroll sa Instagram. Natawa ako ng medyo malakas.

"Ano ba, wag nga kayong maingay," sabi ng isang babae na mas malapit sa pinto namin.

Lumabas sila ate Lizelle at Ann at mukhang may prom date si Ann--in a good way. "Day party theme yung sakin haha!" Sabi ni Ann habang umupo siya sa may upuan sa tabi ni Bie at pinanood siya habang inaayusan.

"Sakin nga Study Date eh." Sabi ni Rebbie.

"Stella, yung theme mo Dark Lovers." Sabi ni Ate Lizelle at puro itim na damit yung kinuha niya mula sa racks. "Alice at Crizzy, Double Date yung theme niyo."

Double Date? Mas willing na lang ako na kasama ko si Zie sa photoshoot ng kami lang. Ibig sabihin siguro nun ay may kasama kaming dalawa pang mga lalaki. First time na first time, may kasama kaagad na lalaki.

Kings and Queens [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon