ZIE'S POV.
"Bakit sila bumaba though?" Tanong ko kanila Ann, na tawa ng tawa tungkol sa kantang "Watch Me."
"May plano ata si Stella. Mahilig mang set-up yun eh, tss." Tawa ni Bie.
"Kay Frank at Alice?"
"May ipapakilala daw silang kaibigan so.." Bikit-balikat ni Ann.
Sino kaya yun? Ah basta, si Stella bahala sa kanila ._.
Aaminin ko, nagseselos ako. Nagseselos ako kay Alice at Frank. Palagi na lang sila, since day 1. Palagi na lang sila at nakakaasar na! Di lang naman sila ang nasa mundo ah! Nakakabwiset! Oo, mahal ko si Frank. Pero putangina, walang nakakapansin at walang nakaka-alam kaya mag-isa kong tinatago. Kaya walang tumutulong sakin.
Pero kung nalaman ni Frank ang nararamdaman ko, lalayuan niya ako at maaring di na rin pansinin.
Mas masakit pa ngayon, si Alice ang gusto niyang kasama. Palagi na lang. Palagi naman!
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko nang hindi nila mapansin ang galit na unti-unting lumalakas.
"Sa mga street boutiques!!" Hiyaw ni Ann. Napairap ako pero tumawa pagkatapos. Hilig maggala eh, mapapagod ako nito for sure mamaya.
"Bigla ka atang bad vibes." Shit, napansin. Tumingin ako kay Terrence at tinanggi ito.
"Naisip ko lang kasi namapapagod ako ulit kasi lahat ng tindahan pupuntahan ni Ann." Tawa ko at tumingin sakin ng masama si Ann.
"Mean." Pout niya at napansin kong tinitiyigan siya ni Jason.
"But it's true." Ngisi ko sa kaniya. Inirapan niya ako at tumawa ng konti.
Mamaya-maya ay tumigil na ang coaster-van.
"LE-GO" sigaw ni Ann at siya lang ang tumakbo na tila first time lang makakapunta sa mall. Tinulak ni Terrence si Jason at napatakbo din naman siya.
"Ano meron sa kanila?" Tanong ni Bie kay Mark.
"Obviously, nagkakaroon na ng feelings si Jason kay Ann kaya tinutulungan namin yung torpeng yun." Proud na sagot ni Mark.
"Wow, kayo pa ang tumulong sa torpe ah." Tawa ko. "Kapag pumalpak yang si Jason, talagang pagtatawanan ko kayo." Pinigilan ni Bie na tumawa ng malakas at tuluyang tumawa ng malakas si Terrence.
"Ah basta, siya naman ang gagawa eh HAHA." Tawa ni Mark at sinundan namin ang dalawang magiging kasintahan.
Naabutan namin sila sa Mystique Boutique.
Mukhang maliit ang shop sa labas pero pagpasok mo ay malaki dahil papaloob ang boutique. Dark wooden brown ang pinta ng mga dingding sa loob ng shop. May malaking white na signage sa isang sulok ng boutique at sinasaad ang pangalan ng shop at may itim na frame ito bilang contrast sa white na background. White ang background at ang mge shelves sa dingding at pinapaailawan ng mga di-gaanong nakakasilaw na puting ilaw. Ang shop ay punong-puno nang damit na karamihan ay pangbabae at napakagaganda nito. Nakahiwalay ang mga iba't-ibang uri ng mga damit. Magkahiwalay ang mga tank tops sa crop tops, long-sleeves sa short-sleeves, sundresses sa skater dresses, skirts sa shorts, jeans sa leggings, slippers sa sandals, ankle boots sa combat boots, sneakers sa rubber shoes, hair accessories sa hats, bracelets sa necklaces, rings sa earrings--lahat ng klase ng damit ay may sari-sariling scetions. Pati ata ang lingerie section ay may hiwa-hiwalay na parts din.
"Anlake ng ngiti at ng mga mata ni Ann oh." Bulong sakin ni Bie.
"Nanlalake ang mga mata ng lalake sa lingerie oh." Bulong ko din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomansEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...