Three.

51 5 12
                                    

Habang nakapila kami sa Snow World, nagkukwentuhan na naman kami. Naging komportable na si Ann kay Jason at si Mark at Bie naman, medyo nagu-usap na. Si Frank naman, panay ang kqwnto sa amin ni Zie habang si Stella ay nakinig lang sa earphones niya. Sobrng tahimik niya nga nung papunta kami sa Snow World eh, parang biglang nagbago yung mood niya.

"Naaalala niyo pa ba noong naglaro tayo lahat ng BamSak nung bata pa tayo guys?" Sabi ni Frank at tumawa kami ng kaunti. Ngayon ko lang naalala na magkaibigan na nga pala kami dati, di lang na kasi ako masyado mlumalabas ng ilang months kasi sa baby kong kapatid. Ako yung nagbabantay kapag wala si Mama. Ngayon, dala-dala ni Mama si Mathe sa trabaho para daw mabigyan daw ako ng konting break sa bakasyon.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko at nakitang naglalakad na sa malayo si Stella. "Ay shete!" Tawa ko habang tumtakbo papalapt kay Stella. Binaba na ni Stella yung earphones niya at nakalagay na sa plastic yung phone niya. Nialagay na namin lahat ng gadgets namin sa plastic at nilagay na namin yung makakapal na jacket. Si Ann, naka-hood kaagad eh nasa may kwarto pa lang kami na kasama yung ibang tao.

"Nagmumukha kang tanga siya diyan Ann." Sabi ni Jason sa kanya at nagpout si Ann sa kanya. Tinanggal ni Ann yung hood niya at nagsipasok na kami sa below 0° Celsius na lugar.

"Tangina ang lamig!" Sigaw ni Zie at pati ako unti-unti narin nilalamigan. Nakita kong wala na si Bie at Ann at Mark. Nawawala na din si Stella? Nasaan na yun? Naiwan na lang kami ni Zie at Frank dito sa lugar namin.

"WOOOOOOOOH!!" Narinig kong may sumigaw at nakita kong nasa malaking Ice Slide sila Ann at Stella habang si Bie at Mark ay pababa pa lang. Tinulungang tumayo sila Ann at Stella nung mga lalaki sa harap habang si Mark naman ay unang bumaba tapos tinulungan si Bie na tumayo.

May naaamoy akong cheesy ngayon ah.

Naramdaman kong nanginig yung mga legs ko. Takteng yan, bakit ba kasi ako naka-shorts. Pero si Stella walang bakas ng lamig? Takteng yan. "Hoy! 'Lika sama kayo! Round two kami!" Sabi ni Ann habang hinigit si Zie. Napatawa na lang kami at sumama sa pag-akyat nung parang over pass at kumuha ng sasakyan naming "sled."

"Mauna na kayo," sabi ni Stella habang nagsipwestuhan na sila Zie, Ann, Jason at Mark. Bawal kasi magsabay-sabay kaming lahat baka daw madisgrasya.

Nung nag slide na sila pababa, sabay kami ni Stella, Bie at Frank na pumwesto nung naka-abot na sa baba yung iba, binigyan kami ng signal na pwede na magslide. Sabay-sabay kaming nagslide pero mas mabilis kami ni Bie habang si Stella ay sumunod sa akin. Nagbangaan yung sled namin sa isa't-isa at tumawa na lang kami.

"Geronimo!" Sigaw ni Frank tapos biglang tumama yung sled niya sa amin at dahil nakatayo na si Stella, nahulog siya sa yelo.

"Gago ka ah!" Binato ni Stella yung isang maliit na "snow ball" kay Frank at na headshot siya. Tumawa kami lalo ng malakas at nagsialisan na doon sa slide. Tinulungan ako ni Frank na tumayo at nagpasalamat ako sa kanya. Si Stella at Bie, nawawala na naman, tinignan ko kung nasa over pass sila pero wala sila doon. "Lis! Frank! Dun tayo sa may parang naulan ng snow!" Sabi ni Jason na nasa kabilang side nung bloke ng yelo. Nagsipuntahan kami doon at nakitang may ibang tao din ang nandoon.

"Snowball fight!" Narinig kong sinigaw ni Stella at pagpunta namin doon, ako ang unang natamaan.

"What the hell?!" Natatawa kong sinabi sa sarili ko at kumuha din ng 'snow' sa may paanan ko at gumawa ng snowball. Sobrang lamig nung yelo pero hinayaan ko na lang at binatuhan si Stella, pero si Zie ang natamaan ko sa likod.

"Bakit ako?!" Natatawang sigaw ni Zie at nagbato siya ng yelo na dapat sa akin pero natamaan niya si Frank kasi nakaiwas ako.

"Nakakailang tama na ko ng snowball ha." Sabi ni Frank at binatuhan si Jason. Binatuhan ni Jason si Bie at si Bie naman natamaan niya si Ann. Kung saan-saan na lang siya bumato at natamaan niya si Mark. Nagkaroon ng all-out war ng snowballs at tawanan.

Kings and Queens [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon