*Some scenes may be disturbing for some readers.
*The scenes present in this chapter are fictional and doesn't exist in real life and if it does, I do not own any of it in any way, shape or form.++++++++
"SI ANN NAWAWALA NA!"
----------
Everything was muffled. Di ko gaanong naririnig yung mga nangayari. Pero kitang-kita ang nagiging kaguluhan.
Sa Greenvale Village, humigpit ng sobra-sobra ang seguridad. Sinisisi ang mga guards, ang mga tambay, at kung sino man ang gising pa ng 3-4 am. Sinisisi din ang kakulangan sa CCTV cameras at iba pang pang-seguridad ng mga tao.
Sa NH Agency ay nagkakagulo na rin. Nagwawala na si Jason, sinisisi ang sarili kung bakit nawala si Ann. Si Frank at Terrence naman ay tinatangkang pakalmahin ang kaibigan. Nagfull-on red alert ang staff, di na tumatanggap ng kahit sinong gustong sumali or magpainterview. Total shut down ang NH Agency. Sina Luke, Stella at Kelsey ay tinatangkang ayusin at hanapan ng solusyon ang kaguluhan, sina Zie, Mark at Bie naman ay nakipagtulungan sa pulis para sa paghanap kay Ann.
"Kasalanan ko kung bakit nawawala si Ann. Ako ang nay kasalanan!"
Everything cleared up. Nainis ako kay Jason—oo, dahil sa hindi pagsunod sa banta kaya lalong napahamak si Ann. Pero ang kinaiinisan ko talaga—sinisisi niya ang sarili pero hindi niya naman to sinasadya!
Nilapitan ko si Jason at sinampal ito. Natahimik silang lahat at pinanood ang mga sumunod kong ginawa.
Hinablot ko siya sa kwelyo niya at sinigawan, "Gaga! Wag mong isisi ang sarili mo kasi nagmumukha kang tanga!"
"Pero kung sinunod—" Hagulgol niya at hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo niya.
"Oo! Dapat sinunod mo! Pero puta, di mo naman sinasadya kasi nag-aalala ka para saming lahat! Puta, wag mong isisisi ang lahat sayo kasi di mo namang sinasadya yun! Di mo namang inakala na gaawin talaga nila yun! At imbes na humahagulgol ka diyan at sinisisi ang sarili, gumawa ka ng paraang mahanap natin ulit si Ann! Tutal, mahal mo siya diba?! Gumawa ka ng paraan para makuha natin siya kasi mahal mo siya! Hindi yung magmumukha kang tanga! Sa tingin mo bang magugustuhan ni Ann na makita kang umiiyak diyan imbes na maging matapang at sasagipin mo siya?! Ha?!"
Natahimik si Jason. Tinititigan niya ko sa mata na puno ng gulat at takot. Halatang iniisip niya lahat ng sinasabi ko. Agad niyang tinanggal ang kapit ko sa kwelyo niya at tumayo ng tuwid.
"Hinde." Malalim niyang sagot.
"Kung ganun, ano gagawin mo?" Diretsong tanong ko.
"Hahanapin ko, natin, si Ann. Gagawin ko ang lahat para makuha natin siya ulit at papatunayan ko ito. Papakita ko na gagawin ko ang lahat para sa kaniya kasi mahal ko siya, mahal natin siya." Naglakad siya papalayo sa amin at pumunta kanila Mark. "Alice." Tawag niya. "Salamat."
Nginitian ko siya at tumango at tumakbo na siya papunta kanila Mark.
Tumalikod ako at hinarap sila Frank at Terrence. Napatulala sila sa mga nasabi ko. "Oh ano, gusto niyo pagalitan ko din kayo ha?"
"Ayaw po." Sabi nila at tumulong sa NH Agency.
"The Head's here!"
THIRD PERSON'S POV.
Lahat lumingon sa pintuan. May pumasok na lalaking naka-suit and tie at may dala-dalang suitcase. Naka-Raybans Shades at naka-quiff ang blonde-dyed hair.
Nahulog ni Stella ang hawak niyang phone at nanlaki ang mata.
"So, Ann's missing?" Sabi ng Head. Tinanggal niya ang shades at tumingin diretso kay Stella.

BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomansaEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...