(1st) ANONYMOUS' POV.
"It's time to ruin their perfect little life." I smirked.
"Keep watch of their moves, know their schedules, ruin their bonds and give hints that would drive them insane. Get the girls, get their precious minds, get them one by one. Leave no trace but put the tie anywhere near where you took a girl. Lead them farther away from us and closer to hatred.
"Drive the boys insane, make them lose and break the bonds themselves, ruin them. Torture them by telling how the girls are so close to us, they'll push the girls closer by ruining the bond. Let them ruin what was perfectly matched to them.
"We will not just get the pleasure we've always wanted with the girls' innocence, we'll also finally get what they have what should've been ours."
My men nodded and looked up at me. Everyting is falling into place and all of this shall come by in an instant if one does something stupid. My smirk grew bigger across my lips as I thought of how easy this was gonna be.
"Today is the day where we start the chaos."
ZIE'S POV.
Anong nangyari? Anong ibig sabihin ni Frank? "Bantayan mo ang sarili mo." Saan?
"Zie." Tawag ni Ann. "Magpahinga na tayo, masyadong madamingnangyari ngayon na sabay-sabay. Alam kong pagod ka na."
Biglang pumasok sa kwarto si Luke na basang-basa sa ulan. Namumula ang mata niya at namumutla siya ng konti. "Stella." Sabi niya ng malalim at mahina.
"Di namin alam, sorry." Sagot ni Bie sa kaniya.
*ring ring*
Tinignan ni Terrence ang phone niya at agad itong kinuha ni Luke. "Leave them alone." Sabi niya na puno ng galit sa kabilang linya at sobrang nakakatindig-balahibo. Shit, anong nangyayari? Binaba niya kaagad ang tawag at tininan kaming isa-isa sa mata,
"Don't answer any unknown calls." At agad siyang umalis.
STELLA'S POV
2:06
*ring ring* *ring ring* *ring ring*
"Hmm?" Nagising ako sa mahinang tunog ng phone ko. Naramdaman ko na may mabigat sa tiyan ko at nakitang braso ni North yun. Himbing siyang natutulog sa tabi ko, nakatulog siguro kagabi dahil sa pagod. Unti-unti kong tinanggal yung braso niya para maka-upo ako at sinagot ang tawag.
"Hello?" Di ko na napansin kung sino ang tumatawag dahil sa sobrang antok, mahahalata naman siguro sa boses ko.
"Stella! May sakit si Luke! Pumunta ka dito sa kwarto niya!" Sabi sa kabilang linya.
"Sino po sila?"
"Basta! May sakit ngayon si Luke! Sobra yung nginig niya at sobrang putla na. Mukhang paralisado pa siya!"
May nagsasabi sa isip ko na hindi ito totoo. Ewan ko pero may nagsasalita sa isip ko na dapat di ako maniwala. Di ako sumagot.
"Stella.." Narinig ko ang sobrang hinang boses ni Luke sa kabilang linya at mukhang nanghihina nga siya.
"Tangina, ano bang ginawa mo at nagkasakit ka ng ganyan, ha, Luke?!" Sagot ko sa sobrang asar.
"Please Stella, ayaw niyang makinig samin. Nagiging mas malala na ang kondisyon niya, ikaw lang ang makakatulong sa kaniya. Stella, please, gusto namin siyang tulungan pero mukhang ikaw lang ang susundin niya."
Nanahimik ako. May naririnig akong mga tunog sa kabilang linya na di ko maintindihan pero nakakatindig-balahibo. Natatakot ako sa mga kung ano man yung nasa likod ng tawag na ito, ang naintndihan ko lamang ay ang "Don't."
BINABASA MO ANG
Kings and Queens [ON HOLD]
RomanceEverything was unexpected. We didn't know we were going to be looked upon on. We didn't know were going to travel the world. We didn't know we would be dedicating everything to our families at the age of 16-20. We didn't know we were going to fall i...