[3] No Cars At All

39 14 6
                                    

JADE'S POV



"ATE JADEEEEEEEEEE!!!!!!!! GUMISING KAAA NAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!" tinakpan ko ng unan yung mukha ko at umikot sa kabilang side. Nakaramdam ako ng footsteps na papalapit sa bed ko, nako mahirap na, nung isang araw pa naman binuhusan ako ng malamig na tubig ni Jazz, yung little sister ko.




"Ano ba Jazz, pag binuhusan mo ako ng tubig ulit, swear sasapakin kita."




"Pero madam wala naman po akong dalang tubig." nagulat ako kasi panlalaki yung boses. Dahan dahan akong sumilip para malaman kung sino yun at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na s-si- AXIS!




"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! ANONG GINAGAWA MO DITO?!?!?! UMALIS KA SA KWARTO KO WALANGHIYA KA!!" binabatuhan ko siya ng unan at ng kung anu-anong mahablot ko.




"Teka sige na, sa labas na lang ako maghihintay." Ano daw? Maghihintay daw? Bakit bigla yata bumait ang kaluluwa nito? Finally, nung nakalabas na siya dali-dali na akong pumasok sa CR at nag-ayos para sa school. Nung matapos ako lumabas na ako pero pag bukas na pagbukas ko ng pinto-



"AY PWET NG KALABAW!!!!" napasigaw ako, eh kung ikaw ba naman makakita ng mala-anghel na mukha pagkabukas na pagkabukas mo ng pinto? Sinong hindi mabibighani este magugulat? Ha? Sino?!?!?!



"Ano ba yan kanina mo pa ako sinisigawan!!" ayan na nga ba, alam ko kahit pangalawang beses ko pa lang nasisilayan yung existence niya, masungit siya.

"At itong mukhang to..........." pagtutuloy niya habang naka turo sa mukha niya yung daliri niya. "................pwet ng kalabaw?"




Hindi na ako sumagot pa at nagmadaling bumaba habang nakasunod lang yata siya. "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!'' sigaw ko nanaman. Grabe ilang beses na ba ako sumisigaw ngayon?



"JAZZ!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sumulpot agad si Jazz. "Wala si mommy, diba sabi nia kagabi may business trip siya sa London?" ay oo nga pala.



Pagkapunta ko sa living room nagulat ako! "Ate Penny!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" halos wala akong ginawa ngayon kundi sumigaw. "Ano ka ba Jade! Sigaw ka ng sigaw diyan nakakahiya naman sa mga kapitbahay at diyan sa....... boyfriend mo." nanlaki yung mata ko sa sinabi ni ate Penelope (older sister ko) tapos tumingin sa likuran pero naka-smirk lang si Axis. Close kami?



"Ate hindi ko yan boyfriend 'no?!?! Kahapon ko nga lang nalaman na nag-eexist siya tapos boyfriend ko na agad?" muli kong nilingon si Axis at sinamaan ng tingin. Bakit ganun parang close na kami agad?

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon